Pampasuwerte sa sari-sari store o tindahan at anong trabaho ang may mataas na sahod. Ilan lamang ito sa nasasagap na tanong ng Hoshilandia. Siempre ayos sagutin ang mga ‘yan, pero uunahin ko ang basic na tanong — paano magkapera o ano ang pang-akit ng pera?
Note: Bagaman may mababanggit akong research about feng shui at paniniwala sa pampasuwerte, hindi po iyon ang kabuuang nilalaman ng artikulo na ito. Ang tips dito ay more philosophy (or like law of attraction) at psychology on how to attract money or prosperity in your life. You will know later na ang ultimate lucky charm mo ay matagal nang nasa iyo.
- Pakaisipin kung paano mo tratuhin ang iyong pera (Mind how you treat your money). Parang pakikipagrelasyon din ang tungkol sa prosperity, abundance, at kahit na money management. Halimbawa kung puro gusto mo lang ang nasusunod ay malamang sa break up o away-bati ang uwi ng iyong pakikipagrelasyon. Hindi naman natin sinasabi na mahalin ang pera, na para bang dito na iikot ang mundo o maging ganid ka rito. Ika nga ng Queen ay Too Much Love Will Kill You. Hindi healthy ang possessive at self-centered sa anumang bagay. So paano? Pahalagahan mo ang purpose ng instrumento/ imbensyon na ito — ang magamit kapalit (trade) sa bagay na TALAGANG kailangan mo. Kasi ang kapalit din ng iyong pera ay iyong oras, pagod, at pagsisikap. O kaya ay stress, pagtitimpi, lungkot at iba pa. Ano ba ang hindi tamang paggamit ng pera? Isa na rito ay ang paninira at pambaboy mismo sa pera.
- Huwag magtapon ng pera, literally! May mga Pinoy na itinatapon o hinagis kung saan-saan ang barya. May iba na ginagawang hikaw, display, o pampasuwerte sa pamamagitan ng pagbabaon sa semento. Magkakaiba ang say ng mga Feng Shui experts tungkol sa suwerte ng pagbabaon ng barya sa may pintuan. Kung ako, hindi ko gagawin. Bakit? Una mayroon naman fortune coins kung naniniwala ka, and logically ay sinasayang mo ang value at purpose ng pera. Hindi mo na nagastos, hindi mo pa magamit na ipon o naibabalik sa merkado para umiikot. Medyo contradicting din ito sa paniniwala na alisin ang luma, sira o madumi sa loob ng bahay.
Kung winawalang halaga mo naman ang barya at iniiwan kung saan-saan, para mong tinatapon ang chance kung saan-saan din. Chance na mapalago ang iyong pera, makatulong sa kapwa, makipagkalakalan, mamuhunan, o maiahon ang finances mo. The logic here is simple, if you treat small things badly, what more sa big things? Alam mo ba dahil sa kulang na .75 or 1 sa monthly payment sa credit card o loan ay mape-penalty ka o magkaka-interes pa ang binabayaran mo. Subukan mong mag-commute o mamili sa supermarket/department store tapos piso o ilang sentimo lang ang kulang mo, di mo pa nabili.
Batas sa pagbabawal ang intensyonal na pagsira sa pera. Ayon sa Presidential Decree 247 bawal ang intensyonal na paninira sa Philippine peso bills and coins ito man ay pagsunog, pagtupi, paglukot, pagsulat dito, pagbutas, pag-staple, pagdikit kung anong bagay rito at iba pa.
Suggestion para may saysay ang barya mo: mag-donate ng pera (kahit barya) para magkaroon ng good karma. Ipunin lamang at ihulog sa mga donation boxes sa malls, train stations, simbahan, at iba pa. Sa barya mo ay nakatulong ka na, naibalik mo pa sa merkado ang perang kailangang umiikot dito (usapang economy).
- Sipaging papasukin ang pera sa iyong pamumuhay (Diligently, make your pour in). Marami akong nakilala o nabalitaan na nanalo ng pera pero hindi sila considered na mayaman. Mayroon din may trabaho o negosyo pero naso-short sa pera. Mayroon ding tumatanggap ng malaking padala ng pera pero nauuwi sa wala. Bakit kaya?
Kahit ilan ilagay nating lucky charms sa ating tindahan, bahay, o opisina kung tamad at negative ay makupad at negative din ang pasok ng pera. Ibig sabihin ‘wag ka lang tanggap ng tanggap, magsipag ka rin para mapalago ito. Magsipag na hindi lang sa iisang bagay o kakarampot na kita ka umaasa. The law of attraction says what you attract is the one you think and seek. Hindi ka makakahanap ng trabaho, kung ‘di ka maghahanap ng trabaho. Hindi mo mahahanap ang trabahong ibig mo, kung ‘di mo aalamin kung ano ba talaga ang ibig mo. Same din sa pera. You reap what you sow. The bigger the risk is, the higher bigger the yield is. Walang kang pang-akit ng pera, kung wala ka rin sipag. Ang TUNAY na mayayaman kaya lalong yumayaman ay dahil they always make money, than always spend money. Para bang hindi na iyon trabaho o task sa kanila– kundi hobby o way of life nila ang kumita. Kabaliktaran ito sa taong may negative money mindset. On a regular basis sila ay okay sa trabaho, kita, at inom/shopping gastos. Dito pa lang tapos na ang usapan sa daloy ng pera, pinalabas agad e.
Suggestion: Create multiple income streams
- Pagtibayin ang pag-iisip (Possess mental toughness). Well marami na tayong nababasang tips tungkol sa tamang paghawak ng pera o money management (check out my Money page up there!). Subalit ang isa na siguro sa pinakamalaking balakid sa suwerte sa prosperity ng tao ay kanya mismong asal o behavior pagdating sa pera. Ang behavior na ito ay maaaring kinapapalooban ng nakalakhang kultura, paniniwala, at takot. Halimbawa kung naniniwala kang mahirap o mahina kokote mo ay tatanggapin mo na lang na na wala kang karapatan yumaman? ‘Wag po sanang ganito! Kailangan magkaroon ka ng mental toughness para iwaksi ang negatibong opinyon ng ibang tao sa iyo o maging ng iyong sariling agam-agam.
Tandaan: Ang ikaw ang may desisyon kung paano magagamit at mapapagyaman aang iyong pera. Isa pa’y kahit may tulong o buenas kang matanggap (pera o ibang bagay) ay balewala! kapag wala kang tiwala sa iyong sarili na deserved mo iyon.
- Maging magiliw na kausap (Be pleasant conversationalist). Ang taong magiliw kausap ay madaling magkaroon ng koneksyon. And nowadays, connection is everything from sales to marketing to social media to advocacy. Nasubukan mo ng kumausap ng taong hindi maayos o magiliw kausap? Hindi ba’t kahit wala pa naman siyang ginagawa ‘di maganda ay parang nakakainis na s’ya. Iba ‘yan sa maayos kausap (hindi iyong maboka o puro lang satsat) they can sell, market, or make money kahit minsan hindi pa nila sinasadya.
- Tanggalin ang magiging dahilan ng kamalasan (Remove the possible causes of misfortune). Okay may mga kamalasan na bigla-bigla kung dumating. PERO may kamalasan na hinayaang dumating. Ang mga kamalasan na iyon ay balakid din sa pagpasok ng suwerte o pang-akit ng pera . Halimbawa ay malas daw ang mga basag na gamit gaya ng baso o salamin. Ganoon din ang butas na bulsa o sirang pitaka. Feng shui or what may chance ka talaga masugatan kapag may basag na bagay at malaglagan ka ng pera sa bulsa at pitakang butas. So iyong “safety first” at “health is wealth” ay dapat para okay din pasok ng pera at pagpigil ng paglabas nito.
- Gumawa nang mabuti. Alam mo ba ang serendipity o accidental luck/ happiness? It happens and will always happen if you do good sa iyong trabaho o ibang tao. Madalas yong taong nagdadala sa iyo ng suwerte o pang-akit ng pera din ay iyong dati mong nagawan ng mabuti. O kaya magugulat ka na lang may bonus kang natanggap. Bakit? Kasi mabuti na lang may ginawa ka.
Tandaan: Ang paghawak ng malaking pera o pagyaman ay hindi eksaktong goal sa buhay (not even a financial goal). Ang pera ay isa lamang sa means para makamit ang ating goals gaya ng kalayaan – kalayaan na magkaroon ng kaginhawaan, choices sa buhay, at iba pa.
nasa sa iyo kung maniniwala ka rin sa lucky charm, pampasuwerte , o pang-akit ng pera. Pero ikaw at ikaw pa rin talaga ang gagawa ng paraa para magkaroon, pag-ingata, o pagyamanin ito.