Parenting at tamang money values. Ilan sa ito mga ideya na naglaro sa isipan ko habang pinapakinggan ang isang old family friend. Nagkuwento s’ya kung paanong maarte, magastos, at bulagsak sa pera ang kanyang mga anak. Halimbawa, kailangan branded at sa mall mabibili ang damit. Kapag hindi ay aayawan.
Naawa ako kay kuya J at parang gusto ko na ring pagsabihan ang kanyang anak. Subalit, naisip ko rin puwedeng isa s’ya sa dahilan bakit bulagsak sa pera ang kanyang mga anak. Interesting na paanong napaka-influential ng isang tatay pero yung money values n’ya ay iba sa mga anak n’ya.

Ayon kay Kuya J, ang gusto lang nya ay maranasan ng kanyang mga anak yung bagay na wala sya noon. Ang prinsipyong ito ay napaka-common sa Pinoy parents. The consequence of that idea is that he works harder and spoils them. In reality, he can’t afford all their wants. And it seems even with all his effort, he doesn’t satisfy his kids. I wonder what parents like Kuya will do when they realize that their kids have poor money values.
Parenting good money values starts with learning and teaching them
In most cases, pagdating sa parenting ay mahirap tantyahin kung paano lalo na kung first child. Subalit habang lumalakad ang panahon at lumalaki ang anak ay nagma-mature rin ang isang magulang. Well, dapat!
Pagdating sa pera, kailangan mo ring magpaka-parent na tipong may right money mindset at may care sa family finances n’yo. Involve dito ang pagkakaron at pagtuturo ng magandang asal sa paghawak ng pera.

Tandaan na kung ano ang paniniwala mo tungkol sa pera, ‘yon din ang awtomatikong natututunan at parte ng experiences ng iyong anak. At kung ginagabayan mo sa tamang pag-uugali sa paghawak ng pera, ang daming mong praktikal na disiplina na maituturo na dadalhin nito hanggang pagtanda. Katunayan, natutulungan mo rin ang iyong anak na unawain ang saya at tagumpay along the way.
Paano Nakaaapekto ang Money Mindset sa Kasiyahan ng Bata?
May pinsan ako na ang anak ay hindi susunod kung walang reward money sa kanyang gawain. Ang ideya ng bata ay masaya kapag pera. May saysay ang effort n’ya kapag may pera. Ang isyu ni pinsan ay ang respeto o pakikisama ng kanyang anak depende sa perang matatanggap. Sa ibang pamilya naman, pwedeng ang isang bata ay maging madamot, sakim, paawa, o paladabog (tantrum) kapag di nasusunod. Dagdag pa d’yan iyong mahilig ikumpara at ikompetensya ang sarili sa iba.
Mahirap na nakasalalay ang happiness at success sa salapi. Kasi kung ang pera lang ang sagot para maging masaya, magkano ang kailangan para makontento?
The money alone can’t cause happiness. Isang pinakamakabuluhang aral na natutunan ko ay dapat alam mo muna kung ano ang kasiyahan para sa iyo. Sagutin mo muna kung saan at paano ka nagiging masaya. Halimbawa, maraming bata na masaya hindi lang sa marami silang laruan. Puwedeng masaya sila dahil malaya silang mag-imagine o dahil mayroon silang kalaro. Madalas pa nga hindi na kailangan ng laruan. Mula noon ngayon, nag-e-enjoy ang mga bata sa group games.
Gadget
Kung iisipin din yung paglalaro gamit ang gadget ay pwedeng “filler” lang. Iyong para may magawa lang dahil walang kasama o mapagkakaabalahan. Na-e-entertain ang bata, oo, pero hindi ito kasing saya gaya sa ibang gawain. Unless, of course, it turns out talented gamer ang bata.
Ang isa pang punto rito ay “insensitivity” sa pang-unawa at kailangan ng bata. Madalas ay kailangan nila ay oras, atensyon, aruga at pagmamahal. They only learn to associate money and material things to happiness kapag yun na ang nagpupuno kung wala ang mga yun. May mga kakilala at na-interview akong OFWs na aminadong spoiler sa kanilang anak. Sabi ng karamihan sa kanila, bumabawi na lang sila sa pagbibigay ng gamit para sa mga panahong wala sila. Mahirap yun!
In a study at the University of Washington, researchers found that if parents are mindful of their kids’ misbehavior (or query out their feelings), it makes a difference. If parents simply react with emotion to emotion, they may be nurturing negative behavior in their kids.
Kids get real-life money behavior lessons at home
Ikinuwento rin sa akin ni Kuya J na ang misis n’ya ang nagma-manage ng family money nila. Okay naman daw, maliban sa hindi magaling sa budgetting si Ate. Hirap din itong kontrolin kapag may pinapabili ang mga anak. Kapag pa nga raw hindi mapagbigyan, maniningil pa ang kanilang mga anak. Iyong para bang may utang silang mag-asawa.
Palagi daw pinagbibigyan ni Kuya J kapag humihingi ng pera ang kanyang misis. Hindi dahil sa “under de saya” s’ya. Gusto lang n’ya magbigay kung kaya. May pagkakataon pa nga raw na kahit pamasahe ay wala na s’ya.
Tinanong ko si Kuya kung pinag-uusapan ba nila ang pera sa bahay. Sabi niya, oo naman—pero kadalasan kapag galit na siya sa maling gawi nila sa pera. Kaya kalimitan, hindi nila napag-uusapan ang pag-iipon, utang, at tamang paggasta. Ayon sa kanya, ayaw raw ng pamilya niyang “mag-alala” tungkol sa mga bagay na ’yan.
Kung gaanon saan kaya matutunan ng mga anak ang tungkol sa financial education? Sa school?

Sa experience ko, nasa third year high school o grade 9 na ako nung na-encounter ko ang mga money-related lessons. Iyon ay nung may entrepreneurship at economics classes na ako. Pero iba kung naituturo mismo ang money management o personal finance. Nandoon ang personal na pagkatuto sa saving, growing, protecting, and using money wisely.
Subalit, ang influential at praktikal kung natutuhan ang personal finance sa tahanan. Ang natututuhan natin sa paaralan ay mga teorya at pormula. Ibinibigay nito ang mga ideya, pero hindi ang aktuwal na karanasan. Maaaring matuto ang mga bata tungkol sa pag-iipon at pag-i-invest. Pero puwedeng hindi nila maiunay sa kanilang sitwasyon o pamumuhay. Nakakalito kung magkaiba ang money management education mula sa guro at magulang.
Hindi ko na maalala kung isang araw tinuturan ako ng mga magulang o kapatid ko tungkol sa pera. Pero maraming chance noong bata ako na matututo base obserbasyon at impluwensya. Halimbawa, ang lola ko kapag nakakita ng barya, pupulutin n’ya kahit piso o sentimo. Ang nanay ko naman ayaw ng may nasasayang na sinaingm, kuryente o tubig. Naalala ko rin na may tig-isa kaming alkansya na magkakapatid. Iyong malaking figurine na pang-display din at puwedeng basagin pag napuno.
May isa pang malaking hamon—ang daling bumabase ng desisyon sa nakikita sa social media. Napapa-wow sa maaaring filtered reality!
Sa video interview nga palang ito ay na-discuss nina Chinkee Tan at Francis Kong ang ilang traditional mindset and parenting ways.
- “Ayoko maranasan ko ang paghihirap” thinking
- and Money Culture – @17: 22