Sino ang dapat iboto ngayong halalan? Sa dami ng namimigay ng tarpaulin, flyers, bookmark, kalendaryo, mugs, t-shirt, payong, pamaypay, at …alam mo na ay alin at sinong kandidato ang angat? Pero makinarya o popularidad lang ba talaga ang batayan natin sa pagboto? Sa totoo lang ang tradisyunal pa rin ng political campaign sa Pinas at paraan ng pagboto. Magulo, daming pakulo, at makalat.
Sino ang dapat iboto? Iyong deserved mong public servant
Hindi ko alam kung bakit tila ipinapalabas ng maraming pulitiko/ kumakandidato na utang na loob ng mga botante iyong mga proyekto na ginawa nila. Eh hindi nga ba kaya nga sila kumandidato ay para maging lider—ang lider na paglilingkuran ang kanyang kababayan. Kung iyon ang duty n’ya aba ay dapat iyon naman talaga ang dapat gawin n’ya.
Ang isang successful na CEO ng kompanya ay hindi kumukuyakoyakoy o humihilata sa opisina. Ito ay marunong magpatakbo at magpalago ng kanyang kompanya kasi inaaral at pinagbubutihan niya ang kanyang pagiging lider. Ganun din ang trabaho ng company manager. Na-hire siya upang mamalakad sa operasyon ng kompanya. Bahagi noon ang maging malikhain at masipag sa paggawa ng promosyon, regulasyon, at implementasyon ng sistema. In short tungkulin naman ang gumawa ng batas at manilbihan.
Ngayon kung ikaw ay nagbabayad ng buwis at ikaw ang nagpapasuweldo sa mga nakaupo, aba’y dapat hindi pangalan nila ang nasa court, hall, o arko. Galing ba sa bulsa nila iyong pondo? Sa akin ang isang indikasyon ng trapo (o traditional politician) ay iyong puro ngawa at paninira, tapos pag tinanong mo sa kung paano nasolusyunan o sosolusyunan ang isang totong isyu, nganga!
Sino ang dapat ihalal? Hindi iyong puro drama, kundi may okay na record
Isa sa taktika sa marketing at advertising ay emotional appeal. Kaya kung papansinin mo even sa mga patalastas na pampulitika ay may paawa, pa-superhero, pa-famous, naninira o kahit anong pupukaw sa iyong damdamin.
Okay naman maawa, humanga o madama ang kanilang himutok. Pero sa huli ay dapat isipin na ang pagiging lider ay hindi puro kadramahan ang pinapairal. In fact dapat ang lider ay straightforward, may alam sa kanyang posisyon, at may kakakayan na ipatupad ang kanyang isinusulong.
Kung mag-a-apply ka sa trabaho, hindi mo sasagutin ang “tell me about yourself” question ng kadramahan sa buhay. Sa halip, isa-isahin mo ang pinagdaanan mong experiences at natutuhan mong skills para maging qualified ka sa work. At kung ikaw naman ang may-ari ng kompanya, hindi ka kukuha ng sino-sino lang gaano man kababa o kataas ang posisyon. Bago mo pagkatiwalaan ang tao ay pagpapasahin mo muna ito ng requirements. Tingin mo bakit ginagawa iyon ng HR officers o ng may-ari? Para pahirapan ang aplikante? No! Para masiguro na tama ang kukunin nilang tao. Hindi dahil naantig lamang sila sa kuwento. Kaya nga ‘di ba stiff ang job hunting sa Pinas, eh ba’t sa pagpili ng ihahalal hindi?
Hindi dahil nakasanayan, kundi may napatunayan
Maraming dahilan kung bakit hindi dapat tayo makondisyon sa kung ano nakasanayan o kung sino lang puwede pagdating sa paghahalal ng opisyales sa gobyerno. Kung ganoon lang din ang rason ay ‘yon at ‘yon din talaga maasahan natin. At lalabas yon din ang sistema na ginusto natin.
Isa pa’y parang somehow behind political dynasty is fanaticsm. Iboboto mo kasi kaepelyido? Kasi anak ng kilalang pulitiko o sikat na artista? Let’s say kaya naman sa mentorship nina amang o inang, ang next na tanong d’yan ay may alam ba talaga sa public administration, political science, community service at batikan sa leadership skills. Nako po, kung naranasan mo ang paglalakad-lakad sa mga government offices, you’ll know sino ang parating wala sa opisina o kaya mismong tauhan noong pulitiko ay pasaway o inis sa kanya. Doon pa lang sablay na si konsehal/vice mayor/ mayor/ governor/congressman/senator.
Sa akin, ang isa sa pinakamasaklap na panoorin sa TV ay ang senate/ congress hearing na puro drama at comedy. Ang tagal-tagal magpasa ng batas o mag-decide. Paano? Hirap si mambabatas na intindihin ang trabaho n’ya mismo. Bakit? Unfit, unqualified, at unwilling to learn. Naalala ko tuloy yung isang senator noon na kung magtanong sa hearing, napakamot ako ng ulo. Napaka-irrelevant ng kanyang questions. Umpisa pa lang napi-predict mo na walang patutunguhan ang pag-uusig.
Kung bakit ba kasi nahahalal iyong sigurado o pihadong dedepende sa kakayahan ng kanyang mga staff. Iyong staff na lang sana ang ibinoto.
Iboto yung nagpapakatotoo at nagpapakatao
Sa lipunan ng mga Pinoy na inaalala ang kwestyonableng kasarian at retokadong katawan na hindi naman direktang nakakaapekto sa kanilang buhay. Bakit hindi pansinin ang kwestyonable rekord at pagkatao ng isang politiko? Mas may saysay iyon sa punto na kung nagawa magsinungaling sa personal record, ano pa sa kabang yaman ng bayan at paraan nito ng pamamahala.
Ihalal ang may konkretong plataporma o proyekto, hindi puro ideya
Sa totoo lang hilong-hilo na ako sa dami ng partylist na nagkakampanya. At nahihirapan akong intindihin kung ano pinagkaiba nila sa mga NGOs. Parang ganun na kasi ang datingan. Pero ang pinakamasaklap sa lahat ay marami ata sa mga tumatakbo ay ang lawak-lawak ng isyu o sektor na kinakatawan kaya ang labo-labo ng ibig nilang mangyari. Kung baga sa trabaho ay sila pa ang nagdagdag sa redundancy sa pasahod ng bayan. Tapos may ibang nananalo na never heard ang mga nagawa.
Iluklok sa puwesto ang may alam sa pamamalakad, hindi ang sikat
As a cinephile/moviegoer, and OPM at Philippine arts/artists volunteer promoter ay malaki ang respeto ko sa mga artista, PERO never ko magiging batayan sa pagboto ang popularity. Kung paanong ibang bagay ang hobby sa passion at sa profession. Ganun din ang pagiging manggagawa sa pagiging negosyante o magulang. And without doubt, ang layo ng pulitika sa paggawa ng pelikula, teleserye o kanta. You can use it sa political campaign, but not in the actual work in the government.
Kung magpapaka-critic lang tayo sa paggawa ng music, advertising, marketing, etcetera mahahalata mo iyong sabaw, bitter, at gusto lang maupo base sa mga lumalabas na political ads.
Sino ang dapat iboto? Iyong mas public servant, hindi pulitiko
Ano ba ang pinagkaiba ng public servant at politician? Sa akin ay ang pulitiko ay nakasentro ang atensyon sa kung paano makakabig ng anuman sa kanyang sariling interes at sa kasiraan ng kapwa pulitiko. Walang pinagkaiba yan sa “office politics” na uso ang pagpapalad ng papel, paninira, at pang-uuto sa amo para makakapit sa posisyon.
Tandaan din na hindi lang pagkupit sa kaban ng bayan ang korapsyon. Puwede rin ito tungkol sa pagpabor sa proyekto na konektado sa personal na negosyo o kakilala.
Ang post na ito ay walang direktang pinatutungkulan na kandidato, kundi nanawagan sa lahat ng boboto na maging matalino sa panahon ng halalan.