Quezon’s Game, pelikula tungkol kay Pres. Manuel L. Quezon (MLQ) na ginagampanan ni Raymond Bagatsing? Noong una kong napanood ang trailer nito sa TV ay may impression ako rito. Pero later on, na-realize ko na hindi ito typical biographical film. After all ay para saan ang “Game” sa title? Sa paningin ko ay napaka “period film” at ala-foreign film ang pagkakagawa.
Review ng Quezon’s Game ni Direk Matthew Rosen
Ang una kong reaksyon sa trailer ng Quezon’s Game ay teka inunahan ba nila ang Quezon film na part ng trilogy ng TBA Studios at Artikulo Uno ni Dir. Jerold Tarog? Pero iyon nga noong napanood ko ulit ang TV ad nito ay naiba at na-curious na ako panoorin. Mukhang maganda at gusto kong suportahan kaya niyaya ko pa ang aking pamangkin. I bet kailangan niya rin ito bilang mag-aaral.
Nakakatawa na nakakainis din ang isang showbiz article about local films (including itong Quezon’s Game) na nabasa ko. Nakatutok sa box office result ang comparison between local and international films. That’s not the way we review or support our films. It’s not even tastefully done na objective man lang ang pagkakalahad. Makaopinyon lang. This is about MLQ and its story is a part of Philippine history. And this film won several awards na pala. Anyway…
Wow na Cinematography/ Photography! I like the cinematography of the film. Hindi OA na ipinagdidikdikang OY PERIOD FILM ito! Kundi nilalagay ka sa mode. May wow factor sa akin, ang paggiling ng kamera noong inihatid ang telegrama ng batang nagbibisikleta at tugtugan sa lounge. Medyo mas mahirap ata gawin ito, lalo na’t period film at saka hindi natural landscape views. Curious tuloy ako kung saan ang ipinalabas nilang Tutuban. Alin ang totoong lugar o hindi?
The best that they can in milieu, the best in props. Kung nag-e-expect ka ng wide shots medyo unti ata sa usual dahil mostly indoor ang mga pinangyarihan. Kung tama ako ay terrace lang ni Paul V. McNutt (James Paoleli), labas ng German embassy, at yung binisikleta ng bata ang ipinakitang outdoor. However, siniguro namang okay ang indoor sets at maging ang mga kagamitan. Mapapabilib ka sa mga kagamitan kung paano o saan nila nahagilap. So expect na makakita ka ng vintage things gaya ng microphone, cameras (video and photo), telegraph, turntable or phonograph, film reels, kama, at TAXI! Ang hindi ko lang ma-gets kung talaga bang puro naka-white ang sangkatauhan noon.
Superb sound. Ang laking bagay din sa timpla ng Quezon’s Game ang mga background music o sound na ginamit. In fact, ang cool na mismong si Quezon ang literal na nagpapatugtog pa minsan. Lalo na iyong nakakaantig na part ng movie. Hindi man ako naiyak, first time ko ata naramdaman yung parang kinukurot ang puso ko. Umalsa nga ata yung vein sa left part ng heart ko. (oh my …Human ako!).
Nakakaiyak iyong out of 10,000 mamimili ka ng 210 lang ng ililigtas mo, tapos may pa-music pa ang Lolo mo ( may pa-smoke effect pa!)
Direction. Okay nasasabi ko na solve na ako sa photography, lighting, music, setting, at costume na control din ni Matthew Rosen bilang film director. Ang isa ko pang ipupuri sa kanya ay ang casting. I can say lahat ng foreigners na gumanap dito ay magagaling na umarte, gayon din ang mga Filipino actors. Alam mong pinag-isipan talaga kung sinong players n’ya para tumakbo nang maganda ang pagsasadula ng istorya.
Screenplay? sa umpisa parang boring, pero hindi. Ang lakas maka-intelihente habang tumatakbo ang istorya.
Suring Pelikula: Ang mga artista sa Quezon’s Game
Knowing na about Filipino icon ang movie at nasanay na rin siguro ako sa mga historical films, kaya shock ako sa variation ng actors sa Quezon’s Game. Especially sa main cast ay hati o mas marami ang foreign actors. And they’re really good in acting. I feel the frustration, pain, anger, and passion na kanilang ipinapahiwatig.
Billy Ray Gallion as Alex Frieder. Initially, I can’t figure if Billy Ray Gallion’s acting was over or very theatrical. But slowly I get that Alex Frieder (in the way Gallion’s portrayal) is an emotional guy. I get where he’s coming from and his intention to save thousands of Holocaust victims in Austria/ Germany. Gallion’s acting also made me feel the excruciating pain of being someone who likes to save his fellows. That “suntok sa buwan” (hopeless) mission.
James Paoleli as Paul V. McNutt. Sunod kay Gallion at sa kanyang pagganap, gusto ko si James Paoleli. Noong una rin akala ko ay kontrabida s’ya at walang paki. Pero gusto ko yung unti-unting paglatag sa akin ng character niya. Iyong “ahhh magkaibigan pala talaga sila ni Manuel L. Quezon!” “Ahhh gagawin n’ya pala lahat ng makakaya niya to help.” At “ahhh handa talaga siyang isakripisyo ang political career niya?” Because of Paoleli. I really enjoy the character and now, I am starting to check who is Paul McNutt. Galing din ng speech drama ni Paoleli during the interrogation after MLQ’s conference. After that I want to hold a torch too next to Liberty.
David Bianco as Dwight D. Eisenhower. Habang nanood, feeling ko talaga ay nakita ko na somewhere itong si David Bianco e. Tapos napag-alaman ko nga siya ang gumanap na Maj Peter Lori Smith sa Heneral Luna. Iyon lang, sa liit siguro ng exposure n’ya ay hindi ko matandaan ang performance n’ya roon. Pero dito sa Quezon’s Game sure na sure ang haba ng exposure n’ya. Naipadama niya ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Manuel L. Quezon. Ang kanyang loyalty sa kanyang tungkulin at pagtulong sa kanyang makakaya.
Okay din ang acting dito nina:
Jennifer Blair-Bianco bilang Mamie Eisenhower
The actress who portrayed Vera
That actor who portrayed lounge singer with Vera
That actor who portrayed Nazi Soldier
the actor who portrayed head of the Embassy of Germany in the Philippines
the actor who portrayed Manuel Roxas
and Kate Alejandrino as Baby Quezon
Audie Gemora as Sergio Osmeña. Batikan sa teatro si Audie, I know, pero oo nga no parang ngayon ko lang siya napanood sa pelikula. At ang galing niyang mag-adapt sa movie acting. Noong nakita ko s’ya akala ko talaga may kantahan part sa movie e. Pero wala naman Madam at Sir, pure acting at seryoso Sir Audie. Bagay sa kanya ang kanyang karakter kasi pumaloob din siya sa katauhan ni Pres. Sergio Osmeña rito. Nag-alala pa nga ako na magka-clash sila ni MLQ (Bagatsing). Natural kasi yung lahat ng sagutan nila lalo na iyong sa hagdan at yung usapang toilet sa US.
Grabe yung pangalawa hayyy panoorin mo, magigising ang dugo mo sa left arm. Mapantatanto mo kung bakit iba ang bansa at taong may Kalayaan, Independencia at Liberty. Kung bakit ba ang kulit ni Quezon tungkol sa pag-secure nito kahit may abiso na that time na palalayain ang Pinas.
Rachel Alejandro as Aurora Quezon. Dahil nakaikot na ako sa Quezon Memorial Museum kaya pamilyar ako sa itsura ni Ginang Aurora Quezon. Kung sa hawig at posibilidad ng kanyang galawan, bagay nga si Rachel Alejandro. May pagka-classic Pinay din kasi si Rachel. At natutuwa ako na mapanood ang aktres this time kasi napalagpas ko iyong iba n’yang movie. Magaling talaga siya, although gaya rin ni Audie ay napaisip ako kung musical din ang Quezon’s Game dahil sa kanya.
Bilang love interest naman ni Raymond, medyo slight na hindi ako convince na may chemistry sila. Hindi ko naman inaasahan na may kiligan gaya sa mga love teams, pero parang may alienated feeling ako ‘pag magkasama sila. Tipong pahiwalay nang mag-asawa e. Pero may rapport sila kung sa mga eksena na usap mag-asawa. Dama ko yung pagiging powerless ni Aurora pagdating sa asawa n’yang workaholic na, mausok pa! Pero ang influential naman niya pagdating sa paglalagay ng puso at conviction sa desisyon ni MLQ. Sana mabigyan pa ng maraming acting projects si Rachel, she deserves it!
Raymond Bagatsing as Manuel L. Quezon. Hindi rin ako convince noong una kung bagay kay Raymond ang pagganap kay MLQ. Mestizo kasi MLQ e, pero knowing din na magaling na actor si Raymond I have no doubt na magagampanan n’ya ito. Ang tanong na lang ay gaano ka-effective?
Of all parts of his portrayal, medyo disturbing ang pagsubok n’yang gayahin ang accent o pananalita ni MLQ. I try to understand na baka ganun nga si Quezon. Pero kung iisipin din, nakakaloka naman talaga ang pagbuo ng sentence na may halong English, Filipino, at Spanish words. ( Talking about being multi-lingual of Filipinos!) Tapos may pa-usok este tobacco pang dapat isuksok sa bibig n’ya every now and then. Dagdagan pa ng pag-ubo at pagbuga n’ya ng artificial coloring dugo.
Parang hindi rin nagdya-jive ang acting n’ya with the other actors especially sa Local ones. Sometimes mas theatrical ang acting niya kaysa theater actors na sina Rachel at Audie. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Sa mga highlights nai-deliver ni Raymond ang best performance ng isang tunay na actor in a smoky coughing heart-pounding historical film. Pati pagpi-play ng music sa turntable in character s’ya. Napakanatural niya kapag nakikipagdebate, kapag nakikipag-usap ng masinsinan habang hawak ang game cards, at sa pagyakap sa mga tao.
Sa galing ni Raymond, sa mental and emotional acting, dinala n’ya ako sa kokote at puso ni MLQ that period. Ano nga ba hugot ni Quezon kung bakit nilaban n’ya ang problema na hindi naman dapat sana n’ya problemahin? Pero thank you kay Manuel L. Quezon ( yung tunay) dahil ginawa n’ya iyon. Yes I’m proud of you sa desisyon pa lang na ‘yon.
Sana marami pang makapanood at maka-appreciate ng film na ito. Ngayon ang pag-e-erase o pagko-cross out ko sa mga nasulat ko ay will never be the same again. Hehehe
Mabuhay sa cast, crew o buong production ng Quezon’s Game!