Last quarter na ng taon, RAWR Awards 2019 na ulit. Asahan na muling mabibigyang pugay ang katangi-tanging programa, istasyon, pelikula, at personalidad na bongga ang kinang sa mga nakalipas na buwan. Nagbotohan na ang bloggers at PR officers at malapit na rin ang botohan sa social media, kaya abangan na lang natin kung sino-sino ang nangibabaw sa panlasa nila, este namin.
Yearly ay isa ito sa event na inaasahan ko. I am happy to be part of RAWR Awards. I’m happy din kasi for my fellow bloggers/vloggers who contribute meaningful and positive value sa ating society. (Yes, ganern). Isa pa’y nabubuhay ng event na ito, sa pangunguna ni Richard Paglicawan at ng kanyang LionHearTV at Daily Pedia, ang aking showbiz side. Bukod sa nabibigyan ako ng chance to meet celebrities ay iba rin ‘yong part ka ng awards night as one of the jurors.
Sino-sino ang nanalo last year?
Blogger Jury sa RAWR Awards 2019
Bilang blogger jury, especially ng RAWR Awards 2019, medyo may challenge din kung pipiliin mo yung gusto mo lang o deserving talaga. Papaboran mo ba yung sumikat, nagustuhan mo, o magaling talaga?
Ang maganda rin dito sa RAWR Awards ay nai-introduce nito ang mga stars at programs na hindi ko kilala. Napapa-research ako kung sino-sino itong kalaban. I feel na sa gaano man o kalaki na boses o espasyo ang boto ko ay gusto ko ibigay yun sa alam kong deserving. Personally, I like to recognize those who deserved to win awards because of their talent and hard work, well aside from they’re really good. Ibabalato ko na sa mga fans iyong mananalo base sa panlasa nila. I respect their power so as my power to vote. Naka naman!
Nominees sa RAWR Awards 2019
May ilang category ang RAWR Awards, una na rito ang Lion Categories na kung saan kasama ang actor of the year, actress of the year, pak na pak na comedian, Digital Influencer of the Year, Female/ Male News Personality of the Year, Love Team of the Year, Favorite Performer, Favorite Radio DJ, at Favorite TV Host.
Narito ang complete list ng nominees sa RAWR Awards 2019- Lion Categories
Ang Pride Categories ay Fan Club of the Year, Favorite Group , Radio Station of The Year, at TV Station of the Year. Narito naman ang complete list ng nominees sa Pride Categories.
Sa Cub Awards nabibilang ang Beshie ng Taon, Bibo Award, Favorite Bida, Favorite Kontrabida, Breakthrough Artist of e Year, Song of The Year, Movie ng Taon, Newbie Of The Year, Bet Na bet Na TeleSerye. Narito naman ang kumpletong listahan ng mga nominado sa Cub Categories .
Tapos na ang voting sa blogesphere at may hanggang November 2 pa ang mga fans at netizens to vote. Kaya go-go-go na sa Instagram, Twitter, at Facebook ng LionhearTV!