Paano Gumaling sa Math? Mga Dapat Mong Gawin Ngayon!


Paano gumaling sa math? Marami ang nagki-claim na mahina sa subject na ito kaya iniiwasan ang pagko-compute, lalo na kapag walang calculator. Isang resulta nito ay halip na engineering o accounting ay ibang kurso na lamang ang kinukuha sa kolehiyo. “Kaya nga ako nag___ e, dahil walang Math” ‘Di ba? Relate? Pero paano kung halos ikalugmok at ika-tense ang pag-solve mo sa numerical problems, may Math Anxiety ka na ba?

Ano ang Math Anxiety?

Ayon sa Oxford Learning, ang may math anxiety ay iyong kapag hindi na magawa ang kanilang gawain gaya ng pag-aaral o pagkatututo dahil sa nararamdaman nilang negatibong emosyon dahil sa kanilang pagso-solve sa math.

Kung aanalisahin ang math anxiety, hindi ito dahil mahina sa math, kundi pagpapadala sa emosyon. Kapag nangyari yon ay maraming aspeto ng buhay ang apektado. Hindi malayo dahil napakaraming bagay ang may kinalaman sa numero, pagbibilang at kalkulasyon. 

At siempre pa ang math ay bahagi ng buhay ng bawat estudyante. Kapag ang mag-aaral ay kabadong-kabado sa exam o recitation na may math dahil baka mapahiya kapag mali ang sagot. Kahit tapos na ang math class, buong school day ay parang hindi pa ito makakapag-move on. Dumaan din ako sa phase na I feel na ang hina ng “math ability” ko.

Sintomas ng Math Anxiety

  • Kawalan ng ganang mag-aral ng math – Ito man ay sa buong subject o learning activity gaya ng quiz o assignment. Nanggagaling ito sa takot at stress na kanyang nararamdaman.
  • Naniwala na si Nene at Totoy na nasa DNA n’ya na ang pagiging mahina sa math kaya…
  • Wala rin s’yang kumpiyansa na mag-solve at iaasa sa iba ang maka-solve ng math problem. At kapag wala ng makatulong ay feeling n’ya ay kawawa s’ya. Nandoon din yong ideya na “bukod tangi s’yang mahina sa subject na ito.

Nagkakaroon nito dahil?

Noong first year college ako lima sa classmates ko ang nag-summer class dahil bumagsak sa math. Ibig sabihin noon ay

  • dagdag-gastos sa kanilang magulang,
  • bawas sa kanilang bakasyon,
  • at subtraction sa kanilang self-esteem. 

I know kasi dalawa sa kanila ay nag-open up sa akin.  Hiyang-hiya sila na sukat na ika-depress nila. Hindi na ako sure kung na-announce sa buong klase na kukuha sila ulit ng Math 1, which probably a major blow sa sinumang estudyante.  Ang sure ako ay muntik na akong mapabilang sa kanila, nakatikim din kasi ako ng red color mark grade noong prelim.

Patalastas

Ayon sa mga pag-aaral, ang Math Anxiety o anumang paniniwala na mahina sa math ay madalas na nag-uugat sa bad learning experience. Kaya sa nagtuturo sa bata (teacher, magulang o kung sino man) ay dapat hindi itatak sa kanyang isipan na wala na syang pag-asang gumaling sa math at wala syang pag-asang matuto. Definitely, may epekto po ‘yon. Isa pang senaryo ay nang labis na napahiya ang estudyante dahil sa mali n’yang sagot.

Kaya mainam din na hindi lang dapat magaling ang math teacher, kundi effective siya magturo nito. Minsan pareho pero mas madalas magkaibang bagay iyon. Kung babalikan ko lahat ng math classes ko mula elementary, lahat ng mataas kong math grades ay I associate sa galing magturo ng mga math teachers ko. So I can say, we should have more effective, innovative, and creative math Teachers. Need ba ng training?

Aside naman sa may advance at delayed learning ability ang bawat tao, wala pa akong nababasang article o research na nagsasabing may ipinapanganak na mahina talaga sa math.  Ang mayroon ay may gumagaling sa math dahil sa istratehiya o tyaga nila sa pag-aaral. Kasama na rito ang suportang pagtuturo ng magulang, tutor, at math teacher.

Is a Math Problem a Money Problem?

Siempre mabubuhay ka pa naman kahit maniwala ka na mahina ka sa Math. Pero hindi mapapasubalian na may epekto ito sa iyong pamumuhay sa pang-araw-araw, pag-aaral, karera at pinansyal. Halos lahat nga kasi ng bagay ay may kinalaman sa pagbibilang o math. Isa sa posibleng maapektuhan ng kapag may math anxiety o thinking na mahina ay ang iyong pananalapi.  

Ayon sa pag-aaral ng RAND, sa mag-aasawang may mataas na basic math skills ay lumalabas na mataas din ang halaga ng kanilang yaman o ikakayaman.

But of course, hindi ko pasusubalian na may mayayaman na sinasabing mahina sila sa math. Pero malamang wala silang math anxiety.

Paano mapadali ang pag-aaral ng math at makaiwas sa Math Anxiety?

1. Adapt beginner’s mindset. Kung ikaw ay mag-aaral ay huwag kang ma-pressure na kailangan ka-level mo agad ang mga kaklase mong magagaling sa math. Hindi mo kailangan ikumpara ang iyong sarili sa kanila, ang mahalaga ay matuto ka. Baka hindi mo alam ay sa bahay nagpa-practice o nagtyu-tutor sila. 

    Siguro itong Beginner’s Mindset ang nakatulong sa akin para makabawi sa bagsak kung grade noong first year college ako. Nakakuhaha ako ng 3.5 o 73-74% noong prelim at nagawa kong ma-achieve ang 1.75 or 90% -91% sa midterm. Iba yung thinking na mahina ako kaya ako bumagsak, kaysa kailangan kong mag-aral nang mabuti para pumasa at gumaling sa math.

    Oo, tinanggap ko na mahina ako sa math. Pero tinulungan ko ang sarili ko, at binalewala ko ang ibang bagay na makakaapekto sa akin. Halimbawa: nasa star section ako, tapos bagsak?! Baka patigilin ako ng nanay ko sa pag-aaral? Siguro pinagpipiyestahan ako sa tsismisan ng mga kaklse ko? At higit sa lahat, paano ako makakapanood ng anime programs ko? 😛

    Importante rin sa mga magtuturo, magulang o teachers, na i-level sa kakayahan at pang-unawa ng estudyante. Aminin! We tend to teach na ang expectation ay makukuha agad ng estudyante ang sinasabi natin. So, kailangan nandoon ang pasensya, tiwala na matututo rin, bawasan ang pagkukumpara, at lalo na ang mamahiya. Sana iyong tipong mapadama iyong saya at sense of accomplishment kapag nakaka-solve ng math problems.

    2. Learn effectively in a way that works best for you. Sa post ko tungkol sa effective learning and reviewing ay nabanggit ko ang tungkol sa iba’t ibang learning literacies or styles. Ang ilan doon ay audio, visual, reading/writing, numerical, digital, at kinesthetic learning literacy. Sa numerical literacy, may mga taong numerical literate na mabilis maka-pick up ng may kinalaman sa pagbibilang, calculation, at formulas. Pero paano kung hindi ka ganoon?

    So ang recommended ay gamitin mo ang style na kung saan ka komportable at effective. Halimbawa sa akin, mas epektibo sa akin ang reading and writing, as in dapat handwritten kapag nagsusulat ng notes. Kumpara sa mga natututo sa video tutorial or teaching, mas madali at malalim ang aking pagkakatuto kung nasa text ang lesson. Pero hindi naman ibig sabihin nito na hindi ko kaya matuto sa audio, video at iba pang learning style.

    The Mind Musuem’s Atom Gallery

    Sa panahon ngayon ang halos kulang na lang ay tyaga at tamang asal sa pag-aaral para matututo. Bakit? Kasi ang daming learning materials na available at fit sa iba’t ibang literacy. Isa na roon ang video tutorial sa YouTube (media/ digital literacy). Ang laking tulong nito para ma-enhance ang iyong math skill o numerical literacy.

    Tandaan na hindi mo man kalakasan ang math ay hindi ibig sabihin nito na hindi mo na ito matutuhan at tanga ka na. No one can force you to excel in math—you have to find the motivation to learn it yourself. Ang realidad talaga ay marami kang bagay na paggagamitan nito, hindi lang sa school.  

    3. Value self-practice. I am an advocate of learning to self-study. Almost all the skills that I use for work, business, and blogging are enhanced and learned through self-study. Kasama na rito ang ilang kahinaan ko gaya sa communication at math.

    Sa Math, importante ang self-study and practice. The best way to explain this, including studying tips sa math ay ang video na ito ni NumberBender. Noong napanood ko ito, sobrang relate na relate ako:

    Lastly, the best tips I can share ay kumuha ng tutor. Kapag hindi mo naintindihan ang turo ni Ma’am at Sir sa school ay magtanong ka. Ipa-explain mo yung nahihirapan kang term or lapitan mo after class. Huwag kang mahiya. Huwag ka ring matakot na magkamali.

    Mabuhay!

    If you enjoyed this post, follow and like my Teaching and Learning Empowerment (TALE) Facebook page! I share research and insights on education empowerment to help students, parents, educators, and other concerned citizens.



    About Hitokirihoshi

    Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

    Leave a comment

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.