10 Dahilan Bakit Hindi Umaasenso ang Maraming Tao


Maraming may gusto na umasenso sa buhay, pero bakit nga ba iilan lang ang nakaka-achieve? Puwedeng may pakukulang, balakid, unaware, o di naniniwalang aasenso sa buhay. Ikaw ano ang dahilan bakit hindi ka umaasenso? Ano-anong balakid o challenges ang napapansin mo?

Base sa mga nabasa, na-research, na- interview, at personal experience ay narito ang ilang awakening advice na nakuha ko na sana ay makakatulong sa iyo:.

Bakit hindi ka successful sa buhay?

Bago tayo mag-proceed sa mga steps kung paano maging matagumpay sa buhay, narito ang ilang mga bagay na maaaring pumipigil sa iyo upang maging matagumpay o umasenso sa buhay.

1. Pagkimkim ng Negatibong Damdamin

Ang mga negative emotions gaya ng doubt, takot, despair, inggit, shame, selos, frustrations, guilt o lungkot ay makakaapekto sa pagiging successful mo buhay. Sa umpisa ay parang ‘di kapansin-pansin ang epekto nito, pero nakapakalaki pala sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

May negative bang mag-isip na naging successful at higit sa lahat ay masaya? Possible pa nga na ang negative emotions ang nagtutulak sa tao para maging tamad, complacent, mediocre, stress, o anxiety. May ilang pag-aaral din na nag-uugnay na stress ay dahil sa negatibong pag-uugali o emosyon. Sa libro ni Pastor-Author Ed Lapiz, sinasabing ang pagkakaroon ng mga negatibong emosyon ay ang Magnanakaw! Magnanakaw: Thieves that Rob Us Happiness.

2. Walang Accountability, Palaging Naninisi ng Iba

Marami akong kakilala na sinisisi ang ibang tao sa kanilang paghihirap. Hindi natin mini-menos ang kanilang napagdaanan, pero hanggang paninisi na lang ba talaga hanggang pagtanda?

Paninisi sa pagkukulang ng magulang. Kung ang magulang ng isang tao ay ‘di talaga kayang magpaaral o may pagkukulang? It is understandable one to three years ay ang hirap mag-move on. Pero kung dekada na at paninisi pa rin ang ugat kanyang kawalan ng asenso, desisyon na yan ng isang tao para sa kanyang buhay. Anong ginawa n’ya sa mga panahon nabigyan s’ya ng mga oportunidad, tulong, suwerte o biyaya?

Patalastas

May kakilala ako na sinisisi ang magulang kung bakit ‘di n’ya tinapos ang kanyang pag-aaral. Napapansin n’ya ay ang kamalasan n’ya at suwerte ng iba. Pero it’s obvious na ang problema n’ya ngayon ay hindi na tungkol sa magulang n’ya. Hindi s’ya umaasenso sa buhay kasi pinipili n’yang magbisyo, magpagkatamad, at magpa-victim mentality.

Alam natin na malaking bagay ang support ng magulang. Twice or thrice harder din ang effort kung wala kang strong support system. Pero mapipili ba natin ang ating magulang? Suwerte na talaga na magkamagulang na may-kaya at supportive. May mga magulang na responsable at ginagawa ang makakaya para sa kanilang mga anak.

Pero supportive o hindi ang magulang, nasa desisyon at diskarte na tao kung paano aangat ang kanyang buhay.

If you’re born poor, it’s not your fault. But if you die poor, it’s your fault.

Bill Gates

Paninisi sa rejection o hindi pagpabor sa kanyang gusto. May mga common isuess sa work, gaya ng office politics and favoritism. Madalas dito sinisisi kung bakit ‘di tumataas ang sahod o napo-promote. Maaaring totoo o hindi ang issue na ganito sa isang empleyado. Pero may choice syang action kaysa manisi ng manisi ng iba. Kung matagal na sya sa work at ‘yan pa rin ang isyu, tinatanggap n’ya ang treatment sa kanya? O wala talaga syang ginagawa para mabago ang kanyang estado.

May kakilala akong nagwork sa company ng seven years. Bukod sa mababa ang sahod n’ya, matagal itong madagdagan at delay ang bayad sa kanyang mandatory contributions. Siempre, nakakagalit iyong company at amo n’ya. Kaya lamang, hindi maiiwasang isipin na bakit n’ya hinayaan? Itong kakilala ko ay graduate sa isang reputable school, aminadong talented s’ya, at kulang ang kita nya para sa kanyang pamilya. Bakit nagtiis sya ng pitong taon doon? Utang na loob o loyalty sa company?

3. Napapalibutan ng negative people

Sa araw-araw na may taong negative sa paligid mo ay posibleng naiimpluwensyahan ka na rin n’ya. Puwedeng dahan-dahan ay bumaba ang self-esteem o kumpiyansa mo. Ang tricky rito ay hindi lahat ng negative people ay madaling ma-identify. Minsan ay magaling silang magkubli, unitentionally ganun silang tao o mukhang harmless ang ginagawa nila sa iyo nung una. Kung hindi ka aware, hindi mo rin alam kung paano i-handle.   

4. Just faking success

Just to clarify, being great comes from doing meaningful work, not just from feeling important because of wealth or power. There’s a big difference between genuine greatness and the illusion of it. Don’t let it turn into something delusional or borderline—narcissistic, especially megalomaniac. And keep this in mind—popularity and fortune don’t define greatness. What truly sets people apart is the impact they make and the difference they create.

start playing this at 1:05

Para sa akin ang madalas yung namemeke ng kanilang success ay ang mga taong gusto lang mag-angas o magmayabang. Sa ibang banda, mayroon din namang nagsasabi at pag-aaral na magagamit ang “fake it till you make it.” Subalit dapat careful din daw kung kailan dapat gamitin ito. Dapat klaro sa iyo kung sino at nasaang estado ka. 

Japanese Dance and Stand-up comedy (@Amazing Show Philippines)

5. Trapping yourself in a competition

Malamang marami ka ng nabasa o napakinggan tungkol pagiging “competitive.” Alam mo sa mahabang panahon ay napapaisip ako kung plastik ba ako kung sasabihin kong deserved ng tumalo sa akin ang manalo? Pero totoo na kaya kong maging masaya para sa iba. Siempre malulungkot ang matalo. At kapag gusto manalo ay hindi naman ibig sabihin gusto mo lang ungusan ang isang tao.

Nung nabasa ko yung tungkol sa competition trap, na-realize ko I am actually doing good. It’s just that malabo sa akin ang konsepto ng competition, competitive, at competent. You can be competitive or competent in a competition. At okay lang maging competitive lalo na kung competent ka naman. Pero kung lagi kang nakikipagkompetensya para masabi lang na angat ka, eddie good luck. Tina-trap mo ang sarili mo sa pag-asam ng success na hindi satisfying, kundi nakaka-frustrate.

By the way, sa bible ay may verse na “run in such a way as to get the prize” ( 1 Corinthians 9:24).

6. You don’t “protect your priorities

Ang simpleng phrase ang “protect your priorities” pero may punch. Ayon kay Jim Ferris, people tend to give way to other’s priorities kahit sa simpleng pagsagot sa phone o message sa social media. Puwede rin sapamamagitan ng pagpayag sa bagay na puwede o dapat hindian. Result? Bye sa time at energy para sa sarili mong priority. Not valuing your priorities ay makakaapekto sa iyong productivity, time management, life balance, at overall, success. 

7. Mediocrity: You’re Fine Being Just Okay or Good enough

Nung nabasa ko yung good is the enemy of the great sa isang article ay napa-wow ako. I am guilty sa ganitong mindset. Iyong okay na mayroon kaysa wala. Kung okay na ay thankful na. Pero oo nga ang “good enough” ay ‘di rin okay kapag nagtagal. ‘Di rin ito sapat para umunlad o magtagumpay ka. In the end, nagiging complacent ka at ayaw mo ng magamit pa ang iyong skills o talents.

Kung ia-apply natin ang konsepto na ito sa money management. Ang mediocrity ay pagsasabing okay ka na na nakakain ka tatlong beses sa isang araw. Pero alam natin na sa buhay ay hindi lang pagkain kailangan. Bukod rito, five to ten years from now ang halaga ng pambili ng pagkain ay kulang na. Bumaba na ang halaga ng piso o tumaas na ang bilihin sa merkado dahil sa inflation.  

get out debt talk of Pastor-Author Jayson Lo

8. You don’t decide for your success.

Langoy o sagwan?

9. You work harder, not smarter

In a day, you’ve got around 16 to 18 hours to juggle everything on your to-do list, and a big chunk of that goes straight to work. If you waste time procrastinating or push yourself too hard, you’ll end up drained and barely have the energy for anything else. Before you know it, your time for family, friends, or even a little “me time” starts to disappear—the very downtime you need to recharge. When you’re running on empty, it’s no wonder you can’t focus on working toward your goals. You’re not unmotivated—you’re just plain exhausted.

10. Wrong or vague definition of success. 

Ayon sa mga life coaches and psychologists, maigig klaro sa tao kung ano ang meaning ng tagumpay para sa kanya. Kasi kung doon pa lang ay sablay na, malabo, o gaya-gaya lang sa iba ay mahirapan nga s’yang magtagumpay. Katunayan, may pagkakataon na kahit successful na s’ya ay di pa n’ya naa-appreciate.

It makes sense ito sa mga napu-frustrate at nalo-lost sa kanilang success. Frustrated dahil trying hard to fulfill yung success na ideya ng ibang tao o kung ano maganda sa nakakarami. At nakaka-confuse din iyong thought na pina-pattern mo ang yung success sa taong iniidolo mo. 

Ang mga ito ay mga common na sinasabi sa mga nababasa kong research at naikukuwento sa aking istorya. Surely, marami pang iba na puwedeng mas malalim o mababaw na hindi na lang napapansin.

Success! This is my anniversary Hoshilandia.com post! 🙂 Being a blogger or content creator is a blessing. And I’m doing my best to improve my site, my skills and my self to offer you “great” contents. Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.