Sanaysay: Meaning ng Grit sa buhay


Natutuhan ko ang meaning ng grit dahil kina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Angela Duckworth noong 2015. Pero last year ay ginawa ko itong tema ng aking taon. Kung dati ay gusto ko ay year of travel, year of investment, year of freedom, o year of change, 2019 is my Year of Grit.

Ano ang meaning ng Grit?

Bago ako napadpad sa makabagbag-damdaming TED talk ni Duckworth ay nagbabasa ako noon ng isang article about Pia Wurtzbach. Sinabi roon na isa sa nagpanalo sa kanya sa Miss Universe 2015 ay ang kanyang grit. Gagawin n’ya lahat ng kanyang makakaya, kahit ano pa ang sabihin ng iba, maipanalo lamang ang korona. Hindi nga ba’t tatlong beses muna siya sumali sa Binibining Pilipinas bago naging representative ng bansa sa Miss Universe. Siya rin daw ang hindi nahiyang humingi ng suporta sa kaibigan o through online votes.

Habang binabasa ko ang article na-realize ko na “oo nga,” why we live in the idea that it’s okay to give up because of one or two failures? Kapag bumagsak ka sa board exam, bobo ka o guho na ang pangarap mo? Kapag nabasted ka, ang pangit mo o mahina ka talagang dumiskarte? Para bang iyong pagkakamali mo na ang nagdikta kung ano ang kakayahan mo lang, kung hanggang saan lang ang kagalingan o kagandahan mo, at kung sino ka. ‘Di ba talaga puwedeng mag-try ng mag-try?

Ngayon ko lang na-discover at na-realize, habang sinusulat ko ang post na ito na na-meet ko na pala in person yung writer ng article… si Jonathan Yabut pala. Astig!!!

Jonathan Yabut advocates Grit
Jonathan Yabut is the first Apprentice Asia winner

So ano nga ang grit?

Grit is passion and perseverance for very long-term goals. Grit is having stamina. Grit is sticking with your future, day in, day out, not just for the week, not just for the month, but for years, and working really hard to make that future a reality. Grit is living life like it’s a marathon, not a sprint. 

Angela Duckworth

Dahil eng-eng din ako sa kahulugan ng grit ay doon ko na natutuhan kung ano ang ibig sabihin nito at doon ko lang din naisip na baka kulang o wala ako noon. Kaya from that article ay ginanahan na akong panoorin ang ang mga pinagsasabi ni Duckworth.

Ang grit sa buhay

Well, sa kredibilidad ay may K talaga si Madame, pero hindi lang yung knowledge ang nakuha ko kundi maging yung awakening moment. Want to experience too? ito ang video…

Patalastas

Kung i-interpret ko ang sinabi n’ya, ang grit ay pagnanasang makamit ang pangarap kahit anong mangyari. Tipong hindi lamang pangangarap na kapag hindi mo nakuha agad ay isusuko mo na. Laban hanggang dulo, hanggang sa makuha at hanggang sa makamit ang kaganapan ng iyong pangarap. Kailangan ito dahil marami sa atin ang talented, skilled, or experienced pero sablay sa positive attitude.

Ang masaklap pa naman sa ating layunin sa buhay ay napakalawak. Kailangan na pagtrabahuan, iyong tipong:

  • gusto kong maging successful
  • gusto kong maging masaya
  • gusto kong yumaman
  • gusto ko nang maayos na pamilya

Sige trip natin ha, pero paano natin gagawin? Ano ang ibig sabihin ng successful, masaya, pagyaman, o walang problema? Iyong kasing yaman ni Bill Gates? Kasing talented ni Bruno Mars o ni Lea Salonga? Puro ideya pero walang malinaw na paraan at hakbang.

Noong naisip ko na i-practice ang grit approach I was actually humbled and motivated nang aking 2018. That year and backward pa–naniniwala ako na I’m talented, skilled o experienced. Hindi sa hindi ako confident, pero napapatanong ako bakit ‘di ko pa ata naa-achieve o napapalayo yung katuparan ng goals ko. Bakit hindi ko alam kung na-achieve ko na ba. Bakit instead na madagdagan yung ipon ko ay parang na-withdraw ko na lahat-lahat? At yung ibang pinagkakaabalahan ko ay practically I have to pause muna. Tapos, isa-isa nababawasan na yung source of income ko. Iyong dating ako na halos never umutang ay nagkaroon ng kaliwa’t kanang utang. Nyare?

So I reflect, and I realize na being talented, skilled o experienced is never enough. Kulang para maabot ko yung mga bagay na pinapangarap ko. Dapat may ibahin sa maling mindset at pag-uugali. At oo, napagtanto ko na kulang ako sa grit kaya easy for me to quit. I mean, quitting is a choice but it should be the last option. Sa akin ‘pag level 3 na ang difficulties or hardship ay inaalisan ko na o kaya naghahanap na ako ng alternative. In a way naging maiksi ang pasensya, feeling awesome, sensitive, weak sa mental toughness.

Layo ng pagitan para magamit ko ang talent, skills, at experiences ko sa mga pinapangarap ko.

So came December 2018, I decided to face my fear or address my limitation. I have to start from scratch. I have more things to do, I have more lessons to learn, and I have to be gritty. So nilagay ko bilang isa sa mantra ko for 2019 ay Grit.

“Grit, whatever it takes.” Ganern!

Experience in being gritty

Naalala ko January 2, I was in a fast food chain along Emerald Ave, Ortigas, mga around 6-7am ay nakikipagbak-bakan na sa buhay. Iniisip ko na that morning kung tutuloy pa ako sa meeting ko kasi if ever na maging successful ay iba sa usual yong gagawin namin at iba ang business nila sa industry ko. Pero go ako kasi in-approve nila ang meeting e at wala naman akong isyu… So 30-45 minutes before the sched ay nagpapalit na ako nang sapatos ( because hindi ako sanay na nakatakong) ay doon ko lang na-discover na sira pala ang nadala kong shoes. As in nga nga! Kung sa usual, iisipin ko siguro sign na ‘yon na ‘wag na akong tumuloy sa meeting. Pero nag-text ako sa kausap ko, sinabi ko sira ang shoes ko at bumili ako sa St. Francis Square. Pinakamura at sakto lang na pang smart casual ang binili ko dahil tipid mode ang budget ko. Naging okay naman ang meeting, pero it wasn’t successful.

Hindi pa ako tumigil baka gusto ko rin talaga namnamin at patunayan ang meaning ng grit.

Sa ibang araw, I went to a far away place that I didn’t know that exists pala because I like the idea ng trabahong ipapagawa nila. Exciting kasi yung skills na hinahanap nila ay ‘di ko na-practice professionally, pero napag-aralan ko through self-study and years of experience. Four times akong pinabalik, isa doon ni-resked nila. Then, yung moment na hinihintay ko… I am excited to meet that High Official because he’s an expert sa gusto kong mapag-aralan… He ended up questioning my capability. Para bang dapat in the first place wala ako sa harapan n’ya. Ni-lecture-an n’ya pa ako na ganito-ganyan. Medyo masakit sa bangs pero hindi ko alam, bat hindi ako makaiyak at naisip ko lang, we’re not meant to be. Anyway.

Nanghinayang ako pero in the end, blessing in disguise. Blessing kasi biruin mo I will go to that place na I-didn’t-know-that exists — everyday and be with that man who don’t believe in me. I respect and understand ang kanyang pinanggagalingan. Di lang kami match. Siguro nakatulong din sa acceptance yung napatunayan ko naman na kahit pala hindi ko na-practice sa corporate level ay nagawa kong gamiting yung skill successfully on my own. I am also satisfied na 4/4 times na nagpunta ako at na-grill ng 3 times ay pinatunayan ko ang aking meaning ng grit.

May in-experience pa ako na para lang malaman ko kung papasa ako. Ginawa ko for two- three weeks ata, na yung isa ay talagang inabot pa ako ng madaling araw. Naisip ko na nga, mukha akong tanga kasi puwede namang hindi. Puwede ko naman ibaba o itaas ang standards para okay, pero ‘di ko ginawa. All for testing my grit?

And why not? Kung mababago ba ang buhay ko. Wala naman nakakaalam kung ilan beses akong nadapa o na-reject. Eh kahit pa malaman ng iba, I think being gritty sa string of failed attempts toughen me. And I able to see things in different perspectives because of those moments. Medyo thankful din ako at hindi ako natanggap sa mga attempts kong iyon. Kasi baka ‘di ko rin nakuha ang meaning ng grit or mali rin ang mare-realize kong kahulugan nito. Alam mo from June 2019 hanggang ngayon, I think I’m reaping what I sow because of my grit.

Thank you kay Lord kasi hindi rin magiging sapat yung learning or pinainam ng My Year of Grit ang buhay ko ng ganun lamang. Thank you dahil sa mga pintuang kinatok ko ay may nagbukas, sa mga hinahanap ko ay mayroon akong nasumpungan at natumbukan. Kaya ngayong 2020 is my Year of Go for More!

Mabuhay! Shalom!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.