Paano ma-overcome ang personal financial crisis na dala ng Covid 19 Crisis?


Marahil ilan sa hiling ng bawat Pilipino ngayon ay matapos na ang Covid 19 crisis at maka-recover sa personal financial crisis. Totoo rin kasi na mahirap maging positive thinker at productive, kung hindi ka okay. Pero ika nga, ready ka man umaksyon now or later ay “life must go on.” At sa makatotohanang adulting life, ang pag-solve sa problema sa pera ay bahagi ng pagmo-move forward. 

financial crisis na, cost-cutting na (turning garbage into money)

Narito ang reflective questions at mga ideya na maaaring makatulong para ma-overcome ang ating personal at financial crisis:

Kumusta ang iyong financial status? Hindi maganda o “mahirap? Gaano ‘di kaganda o kahirap? Kung may ipon ka, kaya bang i-cover ang inyong gastusan? May source(s) of income ka ba para sa iyong/inyong pangangailangan? Kung wala, ano ang naiisip mong alternatibong mapagkukunan mo/n’yo ng pera? May mauutangan ba nang walang interes o mahaba-haba ang payment terms? At base sa expenses (kasama ang utang), magkano ang halaga na kailangan mo linggo-linggo/buwan-buwan? Ano-anong posibleng mong gawin para kumita ng pera?

Mas detalyado na napag-iisipan mo nang TAMA ang iyong financial crisis o problema sa pera, mas naiisip mo rin ang DAPAT at TAMANG hakbang. Ito ay upang labanan na rin ang “omission bias” at “ostrich mindset.” Ito ang suhestyon sa librong “Stop Worrying and Start Living” ni Dale Carnegie.

Kung hinahanap din ang pinanggagalingan ng problema (this time ay pera), mas naha-handle ang negative emotion (ex. pangamba, fear o agam-agam). Ito ay base na rin sa book na Emotional Agility ni Susan David.    

Ano ang iyong “new normal” vs personal financial crisis?

Halos lahat ng tao sa mundo ay hindi (agad) makakabalik sa normal, bagkus ay haharap na sa “new normal.” May pangkahalatang new normal na “forced to face” or “forced to do” dahil sa dikta ng pangyayari. Halimbawa ay kailangan na mag-social distancing, paggastos sa facemask at alcohol, o paghahanap ng masasakyan (kung wala kang saksakyan). Pero may klase ng new normal na nakabase sa sarili mong kondisyon at sitwasyon. Kung may “the moves” ka ay hindi mo na maranasan ang worst-case scenario. Sa halip, magiging dahilan ito para unti-unti kang makabangon sa iyong personal financial crisis.  

Ang isang recommended move kung may financial crisis ka ay mag-adjust sa budget. Sa pangmalakasang level, ang ibig sabihin nito ay lifestyle adjustment. Kung hikaos ka na sa pera, awat na muna sa masyadong pag-o-online shopping. Kung alam mong hindi mo mababayaran, tantanan na muna ang paggamit ng credit card. Ganern! Puwedeng ang new normal mo ay 

Patalastas

so how you make tipid?
  • mag-compute ng pambili, sukli at matatabi para may ekstrang budget
  • unahin ang mga priorities, yung TOTOO (ex. food, shelter, or education)
  • rumaket (mag-sideline business, part time/ mag-freelance job, bukod pa sa full-time)
  • mag-cost cutting (ex. hello electric fan, bye aircon o bye french fries at hello kamote)
  • makipag-negotiate para mapababa ang interes ng utang o para magka-work/business
  • O matutong maglakad o mag-bike

7 movies to watch to learn how to manage money wisely

Paano mo i-achieve ang iyong better normal?

Yung mga nabanggit sa taas ay maaaring pang-survival moves pa lang. Syempre, ayaw nating mag-survive lang kundi mag-thrive rin. Kaya dapat kasama sa goal natin ang makawala nang tuluyan sa personal and financial crisis.  Kaya mas okay kung we will not go back to normal, but have better normal (kumpara ng pre-Covid19). Narito ang ilang hakbang na nasagap ko:

  • Be agile and flexible. Um-attend ako ng ilang free webinars about business continuity plans ng mga entreps. Isa sa palaging nababanggit ay flexibility (umayon sa sitwasyon) at agility (mabilis na aksyon). Ang mga ito umano ang kailangan para mag-survive sa kasalukuyang krisis at posibleng pag-evolve ng mga negosyo. Kaugnay ng mga ito, ang pagtanggap sa ideya ng “reskilling” at “upskilling.
Kapag may crisis, reshape your skills

Ang reskilling ay bagong kasanayan o kakayahan (skill) para makagawa ng bagong mapagkakakitaan. Importante ito lalo na kung nadale ng krisis ang larangan at industriya na kinabibilangan mo. Ang reskilling ay parang, kung dati ay alam mo lang mag-photography, ngayon ay pagda-drive at pagluluto na rin. Kung iyon ba ang sa tingin mo na kailangan para kumita ka.

Ang upskilling ay pagpapabuti o pagdagdag ng nalalamang kakayahan. Mahalaga ito kasi stiffer pa ang competition at magkakaroon ng dagdag na hamon sa mga trabaho/ negosyo dahil sa pandemic crisis.  Halimbawa kung dati ay traditional selling ang alam mo gaya sa tindahan, puwedeng i-require na rin sa iyo ang mobile marketing (ex. text blast)  o mag-digital marketing (ex. social media, email, website)

  • Be real. Pagdating sa crisis management, ayon sa mga eksperto, importante ang pagiging totoo sa iyong kalagayan. Kung masasaid ka na, huwag mong lokohin o paniwalaan ang iyong sarili na okay pa ang finances mo. Kung ginagawa mo naman ito dahil nagpapakapositibo ka lang, well ayon sa psychologists, ito ay masasabing toxic positivity. So be real na may personal financial crisis ka, para real at effective din ang mga the moves mo.
  • Be problem-solver than blamer. ‘Pag may krisis gaya ng Covid 19 ay uso ang sisihan. Sisihin ang ibang tao o sarili dahil sa pagkakamali at maling akala. Walang perpekto at malamang walang 100% na handa sa ganitong kalalang problema. Kahit nga ang mga batikan sa investing, business o sa paghawak ng pera ay nadale sa pandemic crisis. Malamang ay may financial crisis din sila. Patunay na rito ang kabi-kabilang balita ng pagsasara ng mga negosyo, kahit established pa.  Kaya sa halip na mag-concentrate sa paninisi at i-baby ang pagkakamali, bakit hindi tutukan na isa-isahing solusyunan ang problema? 

Be safe. Higit sa ano pa man ang buhay natin ang mahalagang asset sa mundo. Pangalagaan natin ito laban sa Covid 19.

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.