Comprehensive: Tips sa online learning para sa parents, students


Ngayong may Covid-19 pandemic, isa ang online learning sa alternatibong paraan para maitawid ang pag-aaral ng mga estudyante. Pero paano iha-handle ng mga magulang at estudyante ang online learning? At ano ang kailangan gawin para ma-motivate ang mga bata sa remote learning

Ano ang online learning?

Ang online learning ( virtual learning o e-learning) ay ang pag-aaral, pagkaklase o pagtuturo na may tulong ng teknolohiya ( gadget + internet). Puwede itong:

  • synchronous na kung saan sabay-sabay na naka-online o nasa virtual learning environment ang participants
  • asynchronous na maaring sa magkakaibang oras manood ng lecture o magpasa ang mga estudyante.
Example ng Synchronous ang live streaming sa Youtube at Facebook
Photo: Cafe Scientique panelists Gemma Narisma, Dr. Gerry Bagtas, Philvocs Dr. Renato Solidum

Ang virtual learning environment (VLE) ay tumutukoy sa web-platform (software/app/website) na gagamitin para sa klase, pagtuturo, at pag-aaral. Ang halimbawa nito ay Zoom, Google classroom at DepEd Commons.

Ang remote learning o distance learning ay pag-aaral o pagkaklase sa labas ng tradisyunal na eskwelahan gaya na nga sa bahay. At ito ay maaaring…

Napanood ko ang webinar or web conference ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio tungkol sa mga tentative na hakbang ng ahensya ngayong SY 2020-2021. Narito ang termino na kanyang nabanggit na kailangan mong malaman at aking eksplanasyon (base sa aking pagkakaunawa):

  • Multiple Learning Delivery Modalities. Ang mga nabanggit kong tipo ng distance learning sa taas ay ang nirerekomendang paraan ng DepEd para maturuan ang mga estudyante maliban sa face to face (F2F) classes. Pero ang termino nila ay online distance learning (ODL), modular distance learning (MDL), TV and Radio-based instruction (TV/RBI) at dagdag pa, Ang home schooling
  • Ang Blended Learning ay ang rekomendadong istratehiya ng DepEd sa mga eskwelahan na kung saan iko-combine o pagsasama-samahin ang mga modality. Halimbawa ODL + F2F o MDL + F2F. Puwede ring lahat ng nabanggit.
F2F class

Ano, paano gawin ang online learning?

Para sa akin ay mainam na i-explore ng mga magulang at estudyante (even teachers) ang online learning at distance learning. Made-develop dito ang skills sa pagse-self-study at (hopefully) pagiging life-long learner ng estudyante.

Narito naman ang aking suggestions (based on experience + research) para ma-achieve ang effective online learning o kahit pa remote learning sa pangkalahatan: 

Instill learning discipline

Magkaroon ng daily routine. Lalo na kung ang estudyante ay preschooler (pero applicable naman hanggang college), mahalagang ikondisyon ito sa isang learning routine. Ginagawa ito sa school (and offices for adults) kasi nakakatulong ang routine para ma-set ang isipan na masanay, kailanganin, at pahalagahan ang mga task. Tipong kahit wala sa wisyo, nagmamaktol, o natatakot ang estudyante ay pipiliin n’yang mag-aral (discipline) dahil nasanay at committed na s’ya.  Mahirap din ituro ang disiplina kung walang consistent na pattern.

Kaya kahit nasa bahay at puwedeng mag-easy-easy ay mag-impose ng routine sa pag-aaral gaya ng nakasanayan sa school. Halimbawa, kung ang online class ay 9 am, gising pa rin ng 7am to pray, to exercise, to take a bath, to eat breakfast, and prepare na sa klase (examples para ma-set up ang computer, web camera, at microphone).

Magkaron ng tamang oras sa bagay-bagay. Ayon nga kay Chess Grandmaster Eugene Torre, ‘pag sinabing laban (o learning), hindi ibig sabihin noon ay atake lang sa mismong game (klase). Kasama roon ‘yong physical, emotional, and mental preparation and conditioning ng player (estudyante). So hayaan mo ang estudyante na gawin ang gusto n’ya, makapag-relax, makapag-ehersisyo, etc. Pero dapat ay may time limit para ‘di sumobra to the extent na magpupuyat, nakaupo/ nakahilata lang maghapon (sedentary/ unhealthy lifestyle) at masasantabi na ang priorities gaya ng pag-aaral. At ‘pag sinabing pag-aaral, di lang ito ginagawa kapag may klase at hindi lang ito basta basa, sulat at memorya. 

Designate a comfortable learning station. Kapag sinabing ospital, simbahan, sinehan, o eskwelahan ay automatic may idea ka kung ano gagawin ng isang tao roon. Kaya sa bahay, que may divider o wala, ay mainam na may remote learning station ang estudyante. Gaya ng tips ko sa remote working, ang pag-upo sa kanyang station ay nagse-set ng mood and mind na mag-aaral na s’ya. Gayon din, ang pag-upo n’ya rito ay hudyat sa pamilya ( housemates) na hindi dapat s’ya ini-istorbo. 

Siempre, hanggang maaari ang learning station ay komportable na okay ang ventilation, liwanag, linis, at pagkaka-organisa. Sa younger student, better po ay nakatabi muna ang toys at TV sa ibang lugar kapag online class n’ya. 

remote learning
study from home
(my own learning station at home)

Invests on effective tools for virtual learning

Computer, laptop, tablet or smartphone? May nabasa ako na may parents/ guardians na bibili ng smartphone for virtual learning ng kanilang estudyante. I understand na smartphone ang kakayanin ng budget. But kung ikaw ay may kakayahan na makabili ng gadget, piliin mo ang desktop/laptop computer. Tsek mo ang specs ng computer lalo na ang bilis, memory, processor ( ako naka-quadcore lang), at iba pa.

Yes, ang awesome ng mga smartphone ngayon, lalo na yung OTG-ready <ito ang gamit ko sa pagtype ng draft ng post na ito>.  Ang kaso sa size at portability ng smartphone ay puwedeng disadvantage ito sa e-learning ng mga estudyante.

 Bakit better ang desktop/ laptop computer sa pag-aaral sa bahay? 

Advertisements

  • It trains a student to use a computer for the right reason. Sa work,  iilan ang smartphone lang ang kailangan. At kahit puwedeng smartphone ang gamitin sa work ay mas madalas pa rin itong ipang-Youtube, ipang-browse sa social media, at sa texting o calling. Ang other term ng mga productive dito ay distractions o “timewasters.”  Well possible din naman ang timewasters sa desktop/ laptop computer. Pero kapag nasa computer ka ay mas magagawa mong mag-type, gumawa ng presentation, mag-research, at gumamit ng software nang matagal at pangmalakasan. Kung first time din ng estudyante na mag-computer ay makokondisyon at maalala n’ya pa ito na pang-aral kaysa panglaro. Dagdag pa rito ay mas nagagamit ang computer, mas nae-explore at nama-master ito ng gumagamit. Perfect para mahasa ang estudyante sa kanyang computer class o work / business in the future.
  • Bigger screen.  Para sa good eyesight.
  • Control. Dahil ang smartphone/tablet ay easy-to-carry everywhere, mas uncontrollable din ang paggamit dito in terms of time, area, at purpose.  Mahirap din sa magulang na makita ang screen ng smartphone lalo na kung may iba s’yang ginagawa sa ‘di kalayuan. Mas easier din “ata” na maglagay ng restrictions (website/ internet access) sa computer than smartphone.  

Personally, mas gusto ko ang desktop computer kaysa laptop para sa pangmalakasan at pangmatagalang gamit. Laptop is just an alternative at mahirap kapag nasira. Hindi ko alam ngayon alin ang mas mura kasi yung desktop ko ay hindi rin naman mahal at 8-10 years ko nang ginagamit.

dito ang gamit ko ay smartphone ( kita mo yung liit?)

Maging digital literate. Kahit na may pinakamahal at pinakamaganda na gizmo ang estudyante, balewala kung hindi nya ito alam gamitin. Ganoon din naman kung may mahal, mabilis at reliable internet–balewala kung di naman ginagamit sa kapaki-pakinabang na gawain.  

Ayon sa isang digital marketing professor na nakausap ko ay “Facebook is the internet of Filipinos.” Sad reality iyan, dahilan din kung bakit unverified ang sinasagap na information, news, or learning. ( Dagdag pa yung basta nabibibilog sa ads at opinion ng iba). Sana mahubog ang mga estudyante na maging responsible and critical thinkers online. 

Are you digitally literate?

Sa pag-establish din ng virtual learning sa tahanan, malaking tulong sa mga guro at eskwelahan na ang mga magulang ay maaalam sa digital / technology. Kasi ma-anticipate natin na karamihan ng estudyanteng mula sa traditional set up ay mahihirapang mag-aral sa bahay. Doble o triple ang hirap na ‘yan kung walang support ng parent/guardian. At mahirap din naman sa mga magulang ang magbigay ng support sa online distance learning kung hindi s’ya digitally literate. Kasi…

  • Ang digital literate parent ay makakatulong sa troubleshooting sa paggamit ng gizmo at software. 
  • A digital literate parent ay makakaagapay ng estudyante sa nararamdaman o naiisip (fear, excitement, embarassment) nito sa kanyang online class. Kailangan n’ya ng motivation.
  • A digital literate parent can assist his/her student to do right web research, typing review, do projects/ presentation, exploration (sa isang virtual learning environment), etc.
  • And a digital literate parent surely knows how to co-teach sa virtual learning at co-guide his/her student pagdating sa virtual learning behavior. Learning behavior ay masyadong mabigat for teachers lalo na sa virtual learning. At mas effective kung ang parent ang una at tutulong para maituro ito. 

Sa personal na aspeto, ang laking bagay na marunong at matalino ang tao sa paggamit ng internet/ gadget. Digital literacy (as well as information/ media literacy) is the best answer against fake news and online negativity. And it’s the solution to empower parents and student sa life-long learning. 

Maging masigasig na partner nina student at teacher. Walang ibang magtutulungan noon, ngayon at magpakailanman sa edukasyon sa Pilipinas kundi ang buong school community members.

Ang isa nga pa lang istratehiya pa para maengganyo ang estudyante na mag-aral ay bigyan s’ya ng materials na mas madali at mahusay nyang magagamit. It matters kung mas madali na-explain, na-relate, o na-connect sa kanya ang aralin.

Share ko lang…nakuha ko ang proseso ng stock market nang gamitan ito ng chocolate store analogy ni Pastor Bo Sanchez at business branding nang magpa-guessing game si Chinkee Tan ng logos/slogans,

Kaya maaari ring makatulong ang mga sumusunod:

  • educational video or video tutorials na mapapanood sa Youtube o iba pang websites. Ilan sa recommended kong channels sa Youtube Channels ay Number Recipes ni Teacher Sheryl Laristan, Numbr Bender ni Dr. Peter Esperanza, at Team Lyqa ni Teacher Lyqa Maravilla
  • Audio book/ Podcast
  • e-books
  • at siempre printed books (masarap magbasa Mama/Papa)
NCCA Library

Kung interesado ka sa teaching and learning tips and news, please  like my Facebook fanpage: TALE

TALE or Teaching and Learning Empowerment is for educators, students, parents and entire school communities through

Kung ikaw rin ay bahagi ng school community, isang education advocate, naghahanap ng program or project for school teachers, comment ka lang below or PM mo ako sa TALE fan page. 🙂



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.