Isa sa mga paraan ng distance education, lalo na sa kasagsagan ng pandemic at lockdown ay ang modular learning. Para sa mga nagho-home schooling ay hindi na bago ang paggamit ng modules sa pagtuturo at pag-aaral. Pero magiging effective nga ba ito? Narito ang aking pag-aanalisa sa bagay na ito.
Bakit Modular learning?
Kung ako ang tatanungin, bilang magulang, guardian o kahit estudyante ay “oo” ang sagot ko. Iyan ay kahit pa may access sa internet at makakasabay naman sa online distance learning. Kaya po ganoon, ito ang mga pangunahing kong kadahilanan:
1. Para magaan ang pagtuturo/pag-aaral. Malaki ang responsibilidad na hinihingi sa mga parents/ guardians para sa distance education ng mga estudyante. Ito iyong role na bago at mahirap, pero kailangan gampanan sa ngalan ng education continuity sa new normal.
At sa teorya ko ay marami sa mga parents ng mga estudyante ngayon ay older Generation Y (millennials or xennials) to Generation X. Kung ganoon ay marami rin sa kanila ang naabutan ang magbasa ng libro/ magazine, makinig sa radyo, at manood ng TV para mag-aral.
Syempre may gumagamit din naman ng computer/smartphone, pero bihira para sa pag-aaral. Wala pa rito yung ideya ng pag-intindi kung paano ba gamitin ang apps, software, o websites. Kung hirap na sa asignatura at disiplina ng bata, dagdagan pa ang problema sa pag-o-online?
2. Para iwas distractions. Kadalasan ay nag-i-internet tayo para sa entertainment and leisure gaya ng pagso-social media, panonood ng series, paggi-games, etc. Kung nakagawian mo/estudyante ang mga ito sa paggamit ng phone, ang hirap kapag gamitin din ito sa pag-aaral. Mag-a-adjust ka sa attention span, tuksong mag-browse, hindi sagutin ang message or call, o mag-standby sa app/ website para sa diversion.
3. Para ma-appreciate ang payak, pero epektibong pag-aaral. Kung may nami-miss ako sa school, isa na roon yung pagtambay sa library. I-imagine mo ito, may hindi mabilang na libro o magazine sa isang tahimik na silid na may mga kumportableng upuan at mesa, aircon o mahangin naman, at maliwanag.
Bahala ka kung anong gusto mong basahin at walang iistorbo sa paglalakbay diwa mo. Bahala ka rin kung saan ka aabot—sa outer space ba, North Olympus, Mariana Trench, Quiapo o Philippine Stock Exchange. Mababalikan mo ang panahon ng sinaunang sibilisasyon o ni Rizal, mauuna sa hinaharap (kung kailan lumilipad na ang mga kotse o free ang internet sa buong Pilipinas), o pagtigil sa kasalukuyan para harapin ang pakikibaka sa realidad. Ganito kalalim at kakulay ang paglalakbay sa pag-aaral gamit ang libro. Ganito rin posibleng mangyari kung i-experience ang simple at low tech na paraan na pag-aaral.
Sa totoo lang din, hindi nakadepende ang pagkakatuto sa teknolohiya, kundi sa gana at pagsisikap sa pag-aaral. Dagdag pa rito yung saan ka ba talaga epektibong natututo. At…
4. Para bawas gastos sa kuryente at mobile data (internet connection). Kung maghapon ka talaga naka-connect sa internet at gumagamit ng gadget ay may disadvantage ito sa kalusugan at gastusan. Sa kalusugan, masama ito sa mga mata, tenga (kung naka-earphones/headphones), at buong katawan kung palaging nakaupo o hindi active. Ano ang isa sa problema sa ‘di malusog na katawan? Mahhhhgastos!
Ang matagal na paggamit ng gadget at mobile data /wifi ay mahhhhhhgastos. Mainam kung mag-o-online para sa pag-aaral kung naka- modular learning ay para sa pagre-research lamang. Kung maghapon sa paggamit, automatic tuloy ang pagkunsumo ng enerhiya.
5. Para ma-train sa self-study. Chance na po ang modular learning para ma-train ang iyong estudyante sa independent learning, na malamang na kailangan n’ya sa pag-aaral. Ang benepisyo nito ay hindi lamang habang estudyante, kundi sa kanilang buong buhay. Importante ito sa para sa kanilang personal na pag-unlad at propesyunal na pag-asenso.
Tipid Tips sa pagmo-mobile data para sa pag-aaral
- Search with purpose. Mainam kung may eksaktong purpose kapag nag-online. Halimbawa na mayroon kang paggastos ng Php 25 pesos (valid for 1 day) sa mobile data at apat na oras na worth ng battery life ng gadget. Dapat nakalista na at kung maaari ay may strategy ka na paano makakuha ng notes para sa iba’t ibang lessons/ subjects.
Exercise: Paano mo aaralin ang mga ‘to? 1. Benefits ng pagba-blog 2. Batang Pinoy actors 3. Ano ang vitamin b complex at benefits nito? 4. Isda o mammal ba ang pating?.
- Mag-time budget. Productivity wise, magandang magkaroon ng strategy sa paggamit ng oras. Mainam din na paghiwalayin ang mga tasks. Puwedeng magkaiba yung time sa search, reading at review. Puwedeng tig-isang oras sa bawat paksa o i-budget base sa madali para sa iyo. Halimbawa para sa paksa sa itaas, kung ako ‘yan ay iba-budget ko sa: 1) 30 minutes 2) 30 minutes 3) 2 hours 4) 1 hour
- Scan and save. Makakapag-save ka na ng articles, makakapag-screenshot o download ka ng video nun. Kapag satisfied ka na sa na-search ay move on ka na sa next step o mag-stop ka na. Stop as in mag-offline ka na at isara na ang data.
- Offline reading/ study. Kapag offline ka na saka mo basahin/panoorin ang mga na-search mo. Huwag mong gawin ang iyong pagka-research at note-taking ay diretso ka na sa study all at the same time. Mapapahaba talaga ang pag-standby sa pag-o-online noon at mapapamahal ka. Mainam din yung offline kasi iwas distraction at hindi ka nagmamadali sa pag-aaral.