May nare-realize ako sa pagtuturo at pag-aaral para sa home learning ng pamangkin ko. Iyon ay kahit halos anong asignatura ay may puwedeng magkakapare-parehong ang istratehiya gumaling sa pag-aaral.
Bago po ang lahat, narito po ang iba ko pang homes learning-related posts:
- Online learning + virtual (asynchronous and synchronous)
- Pag-aaral gamit ang telebisyon at radyo
- Pag-aaral gamit ang Modyul
- 5 techniques in studying or reviewing

Disclaimer: Ang aking ibabahagi ay mga sarili kong technique at na-research para gumaling sa pag-aaral. Maaaring makatulong ito sa mga magulang, guardians, nagtuturo at estudyante.
Linangin ang problem solving skills para gumaling sa pag-aaral
Apir tayo, kung pareho ka namin na nahihirapan sa pagsagot ng modyul! ‘Di ba parang mas madali ang sagutan lang ng sagutan ito para matapos na? Pero kung ikaw na magulang/guardian ang mismong sasagot sa mga tanong ay teka! Ano ang saysay ng home learning para sa estudyante? Pagsagot lang sa mga tanong sa modyul ang saysay ng pag-aaral? Marahil para pumasa pero hindi para matuto at gumaling sa pag-aaral.
Tandaan: Bagaman hindi lahat ng aralin sa eskwelahan ay nagagamit natin sa realidad, gamit na gamit natin ang mga kasanayan (skills) na natutuhan natin noong tayo ay estudyante. Isa na po roon ang problem-solving skills.

Ano ang problem-solving skills? Ito ay mga kasanayan sa pagtukoy sa ano, bakit, at paano nagkaroon ng problema. Kasama na rito ang paghahanap ng pinakamahusay na solusyon para rito. Siyempre, may mga tanong na madali o mahirap sagutan sa pag-aaral o sa totoong buhay. Sa pag-aaral, damang-dama ko ang hirap science, mathematics, at reading comprehension. hehehe!
Sa modyul, ang simpleng paraan para mapag-aralan at masagutan ang mga tanong na ginagawa ko ay:
- Basahin sa libro at modyul ang lesson
- I-check at analisahin ang tanong
- Hanapin at pag-isipan ang kasagutan base sa mga nabasa
- Sa mga pagpipiliin, alin ang pinakaposibleng tama base sa nabasa.
- Kung may dalawang posibleng tama, tukuyin sa mga ito ang pinakatama at dapat masagot kung bakit.
Sa research, reporting at scientific method po ay hindi puwedeng walang backup na ebidensya. Naalala ko yung isang doktor na makausap ko tungkol sa cancer. Aniya, kung ano ang paraan at kaalaman nila ay base sa mga pag-aaral. Maaaring may hindi pa nadidiskubreng lunas at paraang panggagamot sa mga sakit. Kaya, kasama sa linya nilang “May HIMALA” yung possibility na may lunas na baka hindi pa nadi-discover. Pero, hindi sila manggagamot nang hindi base sa mga napag-aralan at nasubukan na.

Additional tips tungkol sa problem solving:
- Sa problem-solving, mahalagang matutuhan huwag agad manghusga, intindihin muna. Kapag ganito ang nagtuturo/ estudyante, kahit sa instruction pa lang ay maaari ng magkamali sa interpretasyon. Kung mali ka na ng intindi sa panuto ay mali ka na rin sa mga sagot.
- Kung sa Math, ayon kay Dr. Peter Esperanza ay practice-practice-practice ng exercises ang kailangan para gumaling sa problem-solving
- Kapag libro pang Grade 1-3 elementarya ay halos lahat ng tanong at sagot ay nandito lang din. Maaaring iibahin lang yung mga termino sa tanong, pero halos ay hahanapin mo lang sa mga pahina o pangungusap ang sagot.
- Epektibo rin sa bata ang paggamit muna ng white board or scratch paper bago ilipat sa answer sheet. Nakakatamad sa bata, oo, pero mas napag-iisipan at nauulit sa kanyang isipan ang aralin.
Aaminin ko mas pinahihirapan ko ang sarili ko sa ganito. Pero ilan ang mga ito sa epektibong pag-aaral na magagamit ng pamangkin ko at iba pang mga estudyante.
Paano gumaling sa Math?
Paano gumaling sa pagme-memorize
Itaas ang kamay nang sumasaulo ng word for word sa binabasa, hehehe! Well, hindi effective, di ba? Kahit sa history na kailangan ang memorization ay tatandaan mo lang yung sino, kailan o paano. Hindi buong sentence o paragraph di ba? Ang naalala ko na lang ata na verbatim pa ay definition ng “matter” (anything that occupies space and has mass) at “verb” (is an action word). Pero kahit masaulo ko pa yung 8 parts of speech o definition ng plagiarism, kung hindi ko maunawaan, wala rin.
Makakalimutan ko lang din nang mas mabilis at walang saysay ang mga nababasa at napapakinggan ko kung…
- hindi ma-connect sa bagay-bagay, lalo na sa mga alam ko na
- nagagamit sa pagsasalita o pagsusulat
- o mabigyan ng kahulugan o interpretasyon.

Ganoon din po ito sa kahit sinong mga estudyante, kailangan hindi lang masaulo—kundi maisip at masapuso. Ang corny ng masapuso, di ba?
Ang memorization daw po ayon sa karamihan ng diksyunaryo ay pagkakabisado o pagtanda base sa memorya, pagkakatuto o “learn by heart.” Sa mga research na nabasa ko tungkol sa neuroscience ay may “heart” nga sa mabilis at mahusay na pagmememorya ng bagay-bagay. Di ba nga, mas naalala mo yong pagkakataon kung kailan ka nasaktan, na-excite, nairita o na-in love? Naalala mo yong aralin kung kailan ka nakatanggap ng kritisismo o pinuri. Ang isang explanation d’yan ay pag-uugnay ng emosyon sa idea.

Ayon kay Margaret Moore, isa sa book author ng Organize Your Mind, Organize Your Life ay mayroon tayong “working memory” o impormasyon na kaya mong tandaan nang panandalian panahon. Isipin mo para itong pagsulat sa notepad o maliit na scratch paper ng sinabing title ng book o kaya phone number. Madali alalahanin di ba?
Ang kaso, ibang usapan na kung maraming bagong idea o info kang iisipin. Parang ang daming scratch papers sa isip mo na kalat-kalat. Ang sabi, ang utak ay hindi espesyal na ginawa para magsaulo lamang, bagkus ay para mag-isip. Tipong to analyse, decide o manage daily things.
Ang isa sa best way para mapainam ang working memory ay sa halip na gumawa ng bagong scratch paper sa isip ay dugtungan yung mga nag-e-exist na. Parang iko-connect sa alam mo na yung bagong impormasyon, idea, aralin na nakuha mo. Kaya sa pagtuturo ng bagong lesson sa bata ay iugnay mo ang pamilyar sa kanya sa bago mong ituturo. This works sa tinuturuan kong pamangkin. Noong nag-aaral kami ng noun (pangngalan), verb (pandiwa), adjective (pang-uri), at conjunction (pangatnig) ay lahat ng examples ko ay nasa kuwarto n’ya o sa paborito n’yang palabas.
What works naman sa pagme-memorize ko ay pagsulat na handwritten sa papel, pagsagot ng para saan at konsepto, o kaya keywords.
Paano gumaling sa English?
Read, write, speak, listen + Critical/Creative thinking
Sa opinyon ko ay may mga simpleng paraan para gumaling sa pag-aaral pero matrabaho ang karamihan. Ito ang magbasa, magsulat, magsalita, at makinig na sasamahan ng “critical thinking.” Ito ang itinuturo ko sa aking pamangkin at sa aking sarili sa tuwing ako ay nag-aaral. Kahit anong topic o lesson. Kasi hindi ka lang nagbabasa, dapat inuunawa mo rin ang ideya. Hindi ka lang nagsusulat, nag-iisip ka rin kung anong sinusulat mo at para saan. Hindi ka lang nakikinig, iniintindi mo rin kung ano o saysay ng sinasabi. Hindi ka lang magsasalita, kailangan malinaw sa iyo kung ano ang dating at halaga ng iyong winiwika.





Narito naman ang mga artikulo ko tungkol sa…
- Kung paano maging magaling na mambabasa
- Kung bakit mahalaga ang pagsulat
- Kung bakit kailangan i-improve ang speaking skills o kasanayan sa pagsasalita lalo na sa pag-aaral.
- Paano at bakit mahalagang matutong makinig
- at Ano ang creative at critical thinking
Ano ba ang critical thinking? Ito ay mahusay na pag-analisa sa isang bagay o issue na nakuha mo. I think it is a very important skill and part of problem solving.
Halimbawa:
Ano ang “Parian” (subject: Philippine History)? Ang keyword(s) ko d’yan ay sinaunang Binondo o Chinatown.
Ano ang Grit (subject: Psychology) ang konsepto nyan sa akin ay yung hindi titigil ka hanggang sa makuha mo ang pangarap mo.
https://www.facebook.com/educPinoy/