Ang kakayahan sa pakikinig o listening skill na siguro ang hindi masyado nabibigyan ng atensyon sa pakikipagkomunikasyon. Ang epekto? Nahihirapan sa pag-aaral, pakikipag-ugnayan at iba pang bagay. Subalit, sa listening is important to receive, understand, and remember a message. Sa malalim na aspeto, sa pakikinig ay mas maunawaan ng tao hindi lamang ang sinasabi ng bibig, kundi maging ng isipan at puso tao.
Benefits ng pakikinig nang mabuti?
Sa modernong pamumuhay ay para bang halos lahat ay hinihikayat na ipahayag ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng public speaking, pag-awit, pagpo-post sa social media at iba pa. Bagaman importante ang speaking, always take note that in communication someone will be the receiver ( kahit ikaw lang din ‘yon). Kaya nga di ba mahalaga rin ang magbasa, maliban sa pagsusulat. At ang pag-improve ng listening skill ay maraming bentahe gaya ng mga sumusunod:
Para mas epektibo ka sa communication. Ang kuro ko ay susi sa paggaling sa pag-aaral ang pagiging pagiging epektibo sa pakikipagkomunikasyon. (Ang post nga na ito ay isang bahagi ng tips ko tungkol home learning). Nabanggit ko ito dahil nag-aaral tayo sa pamamagitan ng lecture, class discussion, pagbabasa ng libro, panonood ng video tutorial o pakikinig sa radyo. Kung hindi ka marunong makinig paano masasagap nang maigi ang leksyon? Sa real word, ang importante ng pakikinig sa job interview, contract signing, foreign relations, business negotiation at iba pa. Kapag hindi ka rin marunong makinig, mapapabilis ang iyong panghusga sa paksa o taong hindi mo pa lubos naiintindihan. Marami nang napahamak sa maling akala. Isa pa’y maraming problema sa pagiging passive listener.

Ano ang passive listener? Bilang nakikinig ay mahirap intindindihin ang napakinggan kung may ibang ginagawa. Isa itong halimbawa ng multi-tasking nasa maraming pag-aaral ay sinasabing hindi maganda ang dulot sa productivity. Ang passive listening din ay ang nangangahulugan ng pakikinig para sa panandaliang pagkabisado o makatugon lamang.
Hindi nga ba’t nakakairita na makita na habang nagsasalita ka ay gumagamit ng mobile phone ang kausap mo? Kapag ginagawa sa akin ito ay madalas tumitigil ako sa pagsasalita. Ang dating nito sa akin ay hati ang atensyon ng aking kausap, hindi n’ya prayoridad ang makinig sa akin at baka pointless lang usapan namin. Bukod pa roon ang punto na nakakawala ng respeto.

Para gumaling ka sa pag-ananalisa at pag-aaral. Madalas nagkakaroon ng misinterpretation sa mga mensahe sa smartphone (SMS), chat at email kasi iba ang delivery ng boses. Ang isang salitang nakasulat ay maaaring maraming kahulugan at konteksto. Ano pa kung ito pala ay sarkastiko, pabiro o kasinungalingan? Minsan nga ay mas madaling malalaman ang isang di pamilyar na termino sa pamamagitan ng pakikinig kong paano ito binigkas at ginamit sa pangungusap. At hindi kayang tapatan ng emoji o gif ang boses na magiliw kung napakinggan.
Ang taas o hina, kalidad, at punto habang nagsasalita ang kausap ay nagbibigay pa ng clue sa mababaw o malalim na interpretasyon mensahe. Kaya paano naman magiging magaling sa pakikinig at pag-aaral? Nakakatulong ang listening skill sa mas mahusay na interpretasyon at pagpapalawak ng pananaw. Kung iisipin ang hindi pakikinig ay maaaring pagkansela sa maaari mong malaman o madiskbure.
Ang pagsasalita (speaking) pati ay pinakamabilis paghahatid ng balita at aral. Dagdag ko na rin dito ay hindi naman lahat ng tao ay kayang makipag-communicate sa pamamagitan ng pagsulat, pag-type sa smartphone at iba pa. May iba na wala na ring oras para gumamit ng iba pang paraan.
Masasabi ko rin na (sa malalim na pagninilay) ay maraming tao na ni hindi kayang pakinggan ang kanilang sarili. Nasanay na sila sa pagiging bingi sa sigaw ng kanilang kalooban o katotohan kaya mas nahihirapan silang makilala kung sino sila at saan ang kanilang tungo.
Paano paunlarin ang iyong listening skill
Just listen. Hanggang maaari ay ‘wag gumawa ng ibang bagay na makakaapekto sa pakikinig nang mabuti. Madalas ay maaaring isabay ang pagsusulat habang nakikinig. Pero kung hindi naman kailangan magtala ay maiging ‘wag ng magsulat at makinig na lamang sa sinasabi ng kausap o pinakikinggan. Kung ito ay nasa harapan lamang ay tingnan ito para makita rin ang kanyang facial expression at galaw. Isa pa’y nakakagulo din sa pag-intindi ng mensahe kung minamadali at isusulat lahat-lahat. I think it is a hard, and ineffective method.
Ano ang active listener? Ito ang taong may active listening nakikinig na may intensyong pagtuunang mabuti ang paksa, leksyon o pinag-uusapan. Ginagawa ito upang unawain o umunawa kaysa ano pa mang kadahilanan gaya ng makapagbigay ng opinyon agad-agad. Sa tuwing ginagawa ito ay mas naaanalisa at naproseso sa sarili ang dating paksa. Bukod pa siyempre sa nakapagbibigay ng respeto at pagkakataon makuha ang sinasabi ng iba.

Record. Kung gusto mong mabalikan ang lahat-lahat ng napakinggan ay mag-audio recording na lamang kung ito ay pinahihintulutan. Ginagawa ko ito sa lecture, research interview o pakikipanayam, training na dinadaluhan at iba pa.

Listen and note the important points/ideas only. Madalas ay kailangan na mag-notetaking habang nakikinig sa meeting, lecture at iba pa. Pero mas mainam pa rin ang makinig muna at saka gumawa ng note sa mahahalagang puntong nakuha. Sa ganitong paraan ay napo-proseso mo rin sa iyong isipan ang aral at ideya.

Listen and doodle/ scribble. Matagal na iniugnay ang doodle/ scribbling sa walang saysay na gawain habang nagkaklase. Subalit may mga pag-aaral na ang pagdo-doodle o scribble ay paraan ng noteking ng batang ma-visual or mas mataas ang visual literacy. Maaari mo rin itong gawin habang nakikinig, may kombinasyon man ng pagsulat o wala. Ginagawa ko ito lalo na sa pagkuha ng direksyon sa lugar, computer keys to use at iba pa.
