Mga katangian ng negosyante na matagumpay


Para maisipan na magnegosyo, hindi malabong mangarap ang isang tao na mapalago ang kanyang kabuhayan. Kung inspiration lang naman, maraming motivational materials and speakers na puwedeng mapagkunan ng tips. Pero isa sa dapat malaman ang mga katangian ng negosyante na matagumpay at di matagumpay. Iyan ay dahil sa pagnenegosyo, ang qualities ng tao ang magpapalago o magpapabagsak nito. Agree or disagree?

Ang layon ng post na ito ay upang magkaroon ng kamalayan at praktikal na pag-aanalisa sa pagnenegosyo. Ito ay base sa pag-aaral, pakikisalamuha sa mga negosyante, at personal na pananaw ni Hitokirihoshi. bow!

Gusali representasyon ng matagumpay na negosyante?
Yung matatagumpay na negosyante ba ay nasa building o may-ari ng building? (photo: somewhere in Shinzen, China)

Paliwanag sa Matagumpay na Negosyante

Kahit ano pa ang ibig sabihin ng matagumpay na negosyo ay kabuntot nito ang galing ng negosyante. Ibig sabihin nito ay ang kanyang ugali (behavior) at abilidad (skills) na mayroon s’ya para umunlad. Kaya mainam na matukoy ang personal na paliwanag sa matagumpay na negosyante. Kung negatibo, mali, kopya, o sabaw lang ay baka hindi pa nagsisimula ay palugi na ang isang negosyo. Sabi nga ng isa kong businesswoman friend,

Kung malulugi ang negosyo, kasalanan iyon ng negosyante.”

friend ni Hitokirihoshi

Sa bagay, ang katangian ng negosyante ay direktang may epekto sa pamamahala sa business, sa pakikisalamuha sa mga tauhan at business partners. Gayon din kung paanong magdesisyon lalo na sa panahon ng kasaganahan o krisis.

Ang matagumpay na negosyante ay nakapagpaunlad at nakapagpatatag ng negosyo/ kompanya na minamahalaga ng publiko, lalo na ng mga empleyado at kliyente nito. 

Hitokirihoshi

Kasama sa kahulugan ng “mapaunlad” ang:

  • ang pagpapalago ng kita, cash flow, o net worth nito – #sales
  • ang branding ng product o service nito ay maayos na naiparating sa mga tao  – #marketing
  • maayos na ang proseso at sistema  – #businessoperation #humanresource 

At iba pa

Bahagi ng terminong “napagtatag” ang:

Patalastas

  • reputasyon o public image nito,
  • ang sales ay aalagwa o mananatiling positibo o stable kahit anong lagay trend sa merkado,
  • pagkakaroon ng network ng loyal kliyente at business partners  

At iba pa.

Ang mga binanggit sa taas ay base pa lang sa na-achieve nila at kung ano alam ng tao. Wala pa ‘yong hirap at istratehiya para magtagumpay.

Steps para magkaroon ng katangian ng isang entrepreneur na matagumpay

Be aware. Sa palagay ko, wala namang super secret formula at short cut, pero may epektibong pamamaraan para humusay ang negosyo at maging matagumpay na negosyante. Siyempre kailangan nakasaalang-alang dito ang kanyang personalidad (ex. introvert or extrovert), civil status (single or married), money status, at tipo ng negosyo. Kung baga kailangan aware ang tao sa kanyang kakayahan at ano ang dapat nyang baguhin.

Be open to learn. Kung sa istratehiya lamang upang gumaling na negosyante ay marami ring mapagkukunan ito. Nakakabuti na magbasa ng marketing o sales book na nagbibigay na steps sa puntong ito. Kung hindi pagbabasa ang iyong studying style, pwede naman manood ng video tutorials, um-attend ng seminars/ webinars, o magtanong-tanong sa totoong may ALAM sa negosyo. Rekomendado ko rin na um-attend sa paid or free seminars (with certificate). 

Open to learn ang isa sa mga katangian ng negosyante
(Photo: @ #dimsummit2015)

Isa pa’y ang hirap isipin na maging matagumpay ang negosyante na puro stock knowledge, panay ang balik sa na-experience dati, puro lakas ng loob, at lalo na yabang. Mostly, ang mga successful entrepreneurs ay proud sa kanilang pinagdaanan, pero humble enough para aminin na marami pa silang dapat matutuhan. Napakahusay na behavior dahil sabi nga ni Kuya Kim, “ang buhay ay weather, weather lang.” Na susundan ni Hitokirihoshi ng “kung hindi ka open na matuto, mahuhuli ka sa pagbabago.”  

Flexible to change. Bukod sa pagiging mapagkumbaba at flexible, ang kapansin-pansin sa mga successful entrepreneur ay di matatawarang sipag, pagsisikap at diskarte. Hindi sila natitinag sa mga hamon, bagkus ay sinusulosyunan nya ang mga problema. Actually, kaakibat ng lakas ng loob ay iyong pag-asa at pagsisikap na maging problem-solver. Marami pang good qualities to adopt, ang dapat malaman ay yung ‘di dapat.

Do you know that the 3 of well-known tycoons in the Philippines started their business in Quiapo? They are Henry Sy of SM, Tony Caktiong of Jollibee and Cora Ramos of National Bookstore (photo: a scene in front of Quiapo, Manila)

Ito ang aking tutukuyin sa aking susunod na post na”

 Ang mga katangian ng negosyante na ‘di matagumpay



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.