Ace Your Online Research: Top Tips to Avoid Misinformation


Ngayon ang online research ay para na sa lahat para sa halos lahat ng pagkakataon para makakuha ng tamang impormasyon. Naglipana na rin kasi ang peddler ng misinformation o fake news at scammers. Bukod dito, ang research mo ay napakahalaga para sa iyong paniniwala (principle) at desisyon (decision-making) sa bagay-bagay. 

Kaya ikaw man ay estudyante, magulang/ guardian, negosyante, o OFW ay sipagan at alamin mo ang pinakasimpleng paraan ng pananaliksik sa impormasyon na kailangan mo. 

 3 Basic Online Research Tips

1.  Check information using search engines over social media.  Research on Google, Bing, Ecosia, Yahoo, Brave or any search engine instead of social media sites. Hindi man direktang research ang ginagawa, pero marami ang automatic at agad-agad na naniniwala sa impormasyon na nakita sa social media site. Avoid misinformation talamak ito lalo na sa TikTok, Youtube, at Facebook.  

Kung mayroon dapat paniwalaan sa social media ay impormasyon mula sa mga verified accounts ng lehitimong kompanya o reputable indibidwal. Note na kadalasan sa mga account ng companies ay snippets lang pero may link sa website nila, kung saan nandoon ang kumpletong impormasyon. 

2. Prefer reputable and reliable websites. Matututong mamili ng maaasahan at mapagkakatiwalan na source of information and knowledge. Bukod sa maaaring makakuha ng maling impormasyon, ang isang iingatan mo ay basta pumanig sa ideya o opinyon ng isang nag-post sa social media. 

Sa panahon ngayon, ang daming mapagbigay ng opinyon o palagay, at madalas dahil sa maiksing video clip o post message. Walang kumprehensibong pag-aanalisa. Papadala ka ba sa chismis o impluwensya lang ng tila hate/negativity peddlers? 

Sana kahit man lang ay iyong taong papaniwalaan mo ay may maibigay na valid points o ebidensya na pinagbasehan ng opinyon n’ya. Magkagayon man, mainam pa rin na may sarili kang palagay at opinyon sa nababasa/napapanood mo.

Patalastas

3. Read fine prints, reviews and comments carefully. Ang tip na ito ay bagay lalo kung may bibilhin kang produkto o kukuning serbisyo. Siyempre gusto mo ng kalidad na produkto/serbisyo at sulit ang bayad mo. Halimbawa sa Shopee, hindi lang dapat 4.8 to 5 stars ang rating ng store. Dapat magbasa ka rin ng 3 or more reviews (between good and worst) ng customers na naka-order at nakagamit na ng product. May iba kasi basta nag-rate pagkatanggap agad ng package. Siyrempre ang mainam ay nung nasubukan na ang produkto.

Bukod sa comments and reviews bashain mo rin ang tungkol sa product at kondisyon ng seller/ companies. Kadalasan kasama rito yung expectation kung kailan maa-avail ang service o made-deliver ang producto. Kasama na rin dito ang instruction sa proseso, instruction sa paggamit ng product, at iba pa.

Samantala, kung bago ang business at wala pang mahanap na reviews o comments (Shopee or not), mag-chat/ call ka kanila. Ask questions na (utang na loob) wala sa info ng ads nila at mahalaga sa personal mong kailangan. Ilan sa madalas kung itanong ay kung mayroon s’yang mapapasang valid ID for proof at maiisyuhan ako ng BIR approved sales invoice o receipt. Ito ay lalo na kung malaking halaga ang bayad.     

Best Sources of Online Sites to Avoid Misinformation

Ang pinakamainam na pagmulan ng impormasyon lalo na kung studies, medical explanation, public statements, at news ay ang mga sumusunod: 

  • Websites ng isang eskwelahan – local or international man kasi bini-verify ang studies at binabasa ng mga professors (at dumaan sa thesis defense hehehe) 
  • kilalang publication company
  • respetadong medical hospital o company 
  • reputable research firm 
  • News sites and media companies –  pinakamainam kung may interview sa isang personalidad
  • government agencies – lalo na sa opisyal na pahayag.

The key is the “reputation.”

Avoid CTTO in online research and social media reposting 

Laganap sa mga social media sites, especially sa Facebook, ang post na may CTTO (credit to the owner). May ilan namang klase ng content gaya ng meme na alam mong patawang opinyon lang. PERO para sa medical information, studies, news at importanteng kaalaman wag naman sa “CTTO” type of post kasi walang mention ng original source/ link. 

Kaya, I guess, patuloy ang fake news/ misinformation fabrication kasi hindi natutukoy ang source o original na nag-post. Para sa isang media and data researcher, ang ganitong klaseng content ay automatically unreliable—a mere opinion or for personal purposes.  

Paalala ng Intellectual Propery Office of the Philippines tungkol sa CTTO

Benefits of Quality Personal Online Research

1. Develop your critical and creative thinking skills. Sa mga simpleng paraan ng online research, napapaibayo natin ang ating curiosity at problem solving skills. 

2. Prevent being a victim and peddler of misinformation. 

Isa pang malilinang sa personal research ay ating information and media literacy—kung saan malalaman mo ang pagpili at pagproseso ng impormasyon. These also help you to differentiate true and fake news. 

Narito ang  7 Tips ako paano malaman at hindi maloko ng fake news sa internet

3. Discourage spoon feeding education, foster self-direction and self-confidence.  Lalo na kung kaya na ng estudyante na maging independent at gumamit ng school materials, maiging turuan s’ya kung paano ang online research. 

Sa pag-aaral ko sa Montessori, Waldorf, and Reggio-Emilia teaching methods for early childhood education, ang common na paraan nila ay hayaan ang mga estudyante na turuan ang sarili (self-education and self-direction). Ang papel ng mga guro ay maging facilitators o gabay lamang. Sa ganitong paraan din they help to foster self confidence and life-long learning in their students.

Pangwakas

Sana nakatulong ang simpleng mga tips and guide para maengganyo na mag-double check ng mga information online.

Ikaw ano ang tips mo sa online research at paano ka nakakaiwas sa misinformation?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.