Bata pa lang ako ay ilang beses na akong nakabalita ng nabiktima ng pyramid scheme. At hanggang ngayon ay mayroon pa ring naloloko, kahit pa yung mga celebrity at mga propesyonal.
Ano ba ang pyramid scheme?
Ang pyramid scam ay pag-aaya na mamuhunan ng pera sa pamamagitan ng pagre-recruit ng iba pang gustong mamuhunan sa isang venture o company. Ang pangako ay kikita nang madali at malaking pera sa pag-i-invest lamang. Usually, walang klarong ibinibentang produkto o serbisyo rito. Kikita ang investment sa tuwing may mare-recruit na iba pang investors.
Kaya pyramid, kasi parang tatsulok ang organizational chart ng upper line at downline. Kung ikaw ang magre-recruit, minimum ay may dalawa kang makukumbinsing sumali. Yung dalawang yun, kailangan din may dalawa o higit pang maisama. Mula sa ganitong istraktura, kung sino yung pinaka-upper ay nakagawa nang malawak na network para maging source ng pera. I agree, ang panalo talaga rito ay founder, owner o pasimuno.
Kaya may easy money ang pyramid scheme, kapag masipag ang tao sa upper or downline ay halos wala ng gagawin ang investor. Hihintaying n’ya na lang ang payout. Yun ang big promise, malaki ang kita ng wala kang ginagawa halos. Iyan as for as long as may nare-recruit at walang nagtatakbo ng pera.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pyramid scam sa networking o multilevel marketing?
May downline recruitment din sa mga legal companies nagmu-multi-level marketing o networking. Mayroon silang legitimate na ibinebentang produkto o serbisyo. Madalas, ito yung mga company na nag-aalok ng mamahaling gamot, pampaganda, apparel o iba pa. Iyong mga produkto ay bihirang mabibili sa lokal na pamilihan.

Sa pananaw ko, kaya ginagawa ang networking and multi-level approach sa ganito ay para ma-sustain ang business. Mas marami kasing nagbebenta palagi at nailalako ang products through word of mouth o referral. Makakatulong ito para hindi dumepende sa mga mamahaling marketing channels gaya sa TV at billboard ads.
PERO hindi rin excuse na may binebenta na product o service kaya nalalayo sa pyramid scheme.
Pwede naman kasing may produkto o serbisyo pero front lang. Bukod pa diyan, may produkto o serbisyo na hindi kabenta-benta lalo na kung low-quality o ineffective.
Ang rule of thumb ko dito sa pagbebenta ng product or service na may multi-level marketing ay talaga bang reasonable na ibenta? Hindi ba sobrang mahal, over-promise, at maipopromote talaga. Tandaan ang totoong solid na source of income ay sustainable at consistent mong mabebenta. Hindi one big shot lang. Dagdag pa, isipin din ang tiwala at kaligtasan ng iyong customers sa produkto o serbisyo
Top 3 Tips to avoid pyramid schemes based on my reports/interviews:
1. Magtaka ka na kung 10% + interest ng investment nang wala kang masyadong gagawin.
May legit investment naman na kayang mas mataas sa 20%. Pero bihira; it takes time, skills, and money involved. For skilled and professional investors/entrepreneurs, ang rule of thumb ay mas mataas ang kita, mas mataas ang risk at puhunan. Para maiwasan ang risks at kumita, they learn the fundamentals and tactics.
Ang realistic and practical base sa research and interview ko, years ago pa, ay 14-15% is maximum rate per annum sa legit investments. Though competitive na rin ang 8% to 13% interest. Ang estimate na ito ay para sa mga big corporations gaya ng mga nag-public company sa stock market.
Kaya yung nangangako ng 25-50% interest o kita sa iyong investment sa negosyo/kompanya ay TOO good to be true.
2. Bukod sa business permits mula sa SEC, DTI, at BIR, analisahin kung logical ang business approach.
Practically, ang labo ng negosyong kumikita pera walang products o services. Tumatakbo lang sa recruitment ng mga tao? Ano ginagawa ng mga nare-recruit? Kung wala ma-recruit o mare-recruit, paano magsu-survive ang business? Unless manpower agency iyan na yung mare-recruit ay empleyado para sa kliyenteng naghahanap ng empleyado.
Ang ibang cunning na pyramid scammer ay nagpi-present ng innovative ideas. May produkto o serbisyo kuno pero di pa nalo-launch o nasusubukan. Pero kumukuha na ng investors?
So hindi lang dahil sa may permit, mag-invest sa business na may profitable and legit business operation. Tama ang payo na kung di mo alam kung anong meron sa business, ‘wag ka ng sumali. Kahit sino pang endorsers o gaano kalaking perang kikitain d’yan. Kung gusto mo ng investments na lalago pera mo, maraming options!
3. Alamin ang tunay na nakasalalay sa “easy money” approach.
Meron bang investment na easy money o requires little work na legit? Oo, meron naman. Pero karaniwan ay hindi mataas ang kita lalo na sa simula. Valid ang point na “it takes money to make money.”
If you don’t have much money yet, dagdag mo sa calculation ang time and consistency sa pag-i-invest. Dito papasok ang mga terms gaya ng compounding at passive investing. It takes effort, patience and tactics to make your money grow.
Sa business o investment din, ang level ng taas o baba ng kitaan ay nakadepende sa takbo ng economy, industry trend, at iba pang salik. Sa economy side pa lang, ang laki ng epekto ng political o good governance para ito lumago. Kaya ang binobotong politiko ay may epekto rin sa investment ng mga tao sa isang bansa.
Ano-ano ang legit investments na papasang easy money?
Ang ilan halimbawa ay ang sumusunod:
- Save money in digital banks – savings and time deposit. Ang mga digital banks ay nag-o-offer ng 3 to 15% interest depende sa kanilang conditions
- Investing in Pag-Ibig MP2 and SSS WASP – May 6-7% ang current na interest pagsi-save ng money sa MP2 sa loob ng 5 taon. Ang maganda pa rito protected ang kapital mo.
- Stock and mutual fund – Depende sa performance ng company o fund, pwedeng mag-interest ito ng kahit lagpas pa sa 30%. Ang risk dito ay hindi protected ang iyong kapital. Easy money in terms of hindi required ng physical work, pero hindi sa mental knowledge at emotional resilience.
- Sa business, in my opinion
- Room/ House for rent
- Car Parking
- Machines like vendo, bill payments, reloading
