My journey w/ Mr. Harry Potter


Reklamo ang friend  ko na puro kwentuhan daw tas biglang tapos na kaagad ang pinanood naming  Harry Potter and the Death Hallows. Agree ako sa kanya pero hindi ako nagrereklamo siguro kasi matagal na akong na-magic nina Harry at J.K. Rowling.

harry potter and syngkit

2001 sa sinehan ng Ever Recto ko unang nasilayan si Harry. Cute na cute na ako sa kanya at manghang-mangha ako sa mundong ginagalawan n’ya. kahit minsan “napapa-ha” ako kasi hindi ko maintindihan ang English accent nila. Ang Harry Potter ang unang movie na sinubaybayan ko talaga sa sine. Isa lang ang absent ko d’yan yung Harry Potter and the Goblet of Fire. kaya hindi pa ako masyado aware noon kay Cedric  Diggory (Robert Pattinson). Ang kilala ko lang ay Si Prinsipe Cedric ng Cedie, Ang Munting Prinsipe. hehehe

 

hermione of harry potterDark na dark na nga ang tema ng Deathly Hallows at binatang-binata na si Harry (Daniel Radcliffe). Hindi ko na nakikita sa kanya ang cute na batang nagustuhan ko. Pero crush ko pa rin siya hehehe at si Hermione (Emma Watson) lalong gumaganda. Para siyang sina Keira Knightley at Winona Ryder kung tipo ng beauty ang pag-uusapan.

Siguro kung di ko nasundan ang Harry baka mawindang ako sa mga eksena sa pelikula ngayon. Minsan nakakalimutan ko yung huling part kapag napapanood ko yung bago.  Pero tama naman yung ibang critic na kaya naman niyang mang -entertain kahit ‘di ka solid na sumusubayba dahil nandoon lagi yung nakakahangang magic at aksyon, na for me ay hindi kataka-taka or lumlabas na pilit. may iba kasing movie iisa-isahin yung pagpapakita ng mga kakaibang nilalang na ‘di mo aalakalain at ‘di nakakatuwang malaman.

Luna of harry potterAng pinakagusto ko na segment sa movie ay yung papapakita ng kwento ng deathly hallows. ayos yung mga itsura at pagkakalahad, hindi nakaka-boring at kakaiba. Pero naalala ko na ganito rin ang paraan ng pagkukuwento sa character ni Lucy Liu (O-ren Ishii) ng Kill Bill.  Nakakalungkot yung mga part na alam mong ito na ang katapusan at pihado sa second part ng Deathly Hallows iiyak ako.

Wahhh sampung taon akon pinasunod , pinaiyak, pinatawa, at minahika ng Harry Potter. Tapos yung una kong nakasama noong 2001 ay siya ring kasama ko ngayong nanoood.

Note:

Patalastas

diagon alley Hogwarts motto



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “My journey w/ Mr. Harry Potter