Ang mga unang banking experience ko ay ayokong-ayoko, lalo na noong bata pa ako na sinasamahan ko nanay ko isang bangko. Ang haba-haba kasi palagi ng pila sa anumang counter doon, halos ‘di uso ang ATM card, at para malaman mo ang balance mo ay kailangan ipa-update ang passbook at humingi ng statement of account. Ang pinaka masaklap pa noon ay yung mga teller, mabibilang mo yung nakangiti. Kung bata ka ay nakaka-intimidate at malamang kung gurang ka, nakakasira ng mood. Parang utang na loob mo na client ka nila.
One time ay sinabihan ko si Manang Juling na isara na lang niya ang account niya sa isang bangko (teenager pa ata ako noon). Nabuwiset kasi ako dahil biruin mo pera mo yung deniposito mo ‘tas pahihirapan kang makuha ‘yon. Imbierna! Naalala ko pa na sabi ni Teacher Naanep na ang bangko kapag maaraw ay papayungan ka pero pag tag-ulan babawiin sa iyo ang payong.
Fortunately ngayon ay mas pinabilis at pinadali na ang pakikipagtransaksyon sa bangko. Dati rin ‘pag sinabing banking para lang yun sa pag-iimpok o pag-uutangan ng pera. Ngayon, marami na ring ibang in-offer na serbisyo gaya ng pagkakaroon ng housing, auto loan, at pati reward points kapag namimili ka. Mayroon na rin investing sa stock market, mutual fund, at iba pa. Naranasan ko na rin mag-open ng Unit Investment Trust Funds (UITF) via Easy Investment Plan (EIP) ng BDO.
BDO (Banco de Oro) really finds ways?
Itong ang bangko ng halos lahat ng mga kamag-anak ko lalo na dati. Sabi noong mga una kong nakausap ay na-downgrade raw ang system ng Equitable PCI bank ng mag-merge ito at ang BDO. Pero so far ay satisfy naman ako sa lahat ng service at pagka-high tech ng bangko na ito. Pero I think ang best trait talaga nila ay accessibility at availability.
Hindi ko kailangan magmadali or pumuslit sa oras ng trabaho dahil may branches na 8:30am hanggang 5pm bukas mula Lunes hanggang Sabado. Sa mga nasa SM malls ay hanggang linggo ata. Matse-check mo rin sa Internet or kahit sa cell phone ang lahat ng transaction. ginagamit ko na rin facility na ito pagbabayad ng utility bills namin. Ang mahalaga lang ay maging maingat sa internet banking. Wag kakalimutan na mag-log out at hanggang maaari huwag gagawin ito sa mga computer shops. isa rin sa unang nagusto ko sa BDO ay ‘yung autodebit nila.
You‘re in good hands with Metrobank?
Ang Metrobank ay isa pa rin sa nangungunang bangko sa ‘Pinas. Mayroon din silang internet banking at okay ang kanilang mga pasilidad. Marami silang mai-offer services at puwedeng investment at katunayan, sa kanila rin ako nagbabayad ng utility bills (pero wala silang Maynilad), Philhealth, at para sa aking BIR related transaction. Kumpara sa BDO, gusto ko rin na hindi sila basta nagsasara ng account kahit malapit na mag-one month na below sa maintaining balance ang anda mo. katunayan, ang Metrobank ang pinakamatagal kong bank na talagang original account number pa ang ginagamit ko. 🙂
Kapag nagtatanong din ako sa mga empleyado ay detalyado naman mag-explain. Pero so far mas friendly ang datingan ng mga taga- BDO (sa mga nabisita ko). Except yung bago ko na pinupuntahan. Like them sa lahat ng branch ng Metrobank.
Samantala, medyo napakaunti ATM machines nila sa mga malls. May iba nga ata wala talaga unlike BDO at BPI. Kung mayroon naman siguro bilang na bilang din. isang experience ko ay iyong one time na napaikot na ako sa buong SM North para hanapin lang ang ATM machine nila na nasa Annex (Cyberzone) pa pala. Hindi kasi puwedeng mabawasan ng Php 12 (na karaniwang kaltas pag sa ibang ATM Machine magwi-withdraw) ang pera ko. Mahalaga yun sa isang libo na kukunin ko no. Kailan ko lang din nalaman na may machine na rin pala sila na puwede ka mag-deposit. Iyon lang wala rin sa area namin.
Make the best happen sa BPI?
Samantala, medyo bago-bago ako sa BPI (Bank of the Philippine Islands) at nag-start lang ito kasi dahil sa dati kong company. Mas maganda naman ang serbisyo nila kumpara sa dating bangkong pinanggalingan ng (clue: May bao) ng company namin. Ginoo! Sirain na ang ATM machine ay nagpapa-delay sahod. Alam mo yung bangko nagpapa-delay ng sahod mo? Hindi iyong company at ikaw?
Sa ibang banda, ang sabi ang BPI ang naunang nagpauso ng ATM tienes at nagpababa sa fee na ikakaltas sa bawat kuha mo ng pera rito. So kung tama yun ay thankful naman ako sa ganoon kasi naranasan ko sa Nanay ko ang pumila ng pumila nga dahil sa naka-passbook. No wonder na ang BPI ang may pinakamaraming machines na nakakalat sa buong Kamaynilaan.
Marami rin silang perks or promo kapag nag-avail ka ng isang product or service nila. Sa ngayon nalilito pa ako sa BPI Family Savings Bank at BPI Express hehehe! At ilan sa mga nauna kong nagustuhan sa kanila ay deposit machine nila (like it sobra), may type of account na walang maintaining balance, at madali makakuha ng bank certificate. Bagaman nooong una ay diko type ang transaction machine nila later on gusto ko na rin. Isang kuha ng number at di na kailangan pang magsusulat ng magsusulat sa deposit slips. Ang ayoko lang talaga sa BPI ay lagi down ang internet banking nila.
Notice sa mga bangko:
- Sana ipadama ng bawat bangko sa kanilang mga kliyente na concern sila at handa silang mag-assist. Hello, sa panahon ngayon ay maraming option ang tao. Hindi lang sa dami ng bangko kundi sa puwede nilang paglagakan ng investment.
Naalala ko nung first time kong mag-open ng savings account. Ni hindi man lang tinuro sa akin kung ano ang bank account number ko at ano ang mga dapat kong gawin. Basta ibinigay lang yung paper na kailangan mo pang pilasin at wala naman sa ATM card yung number. Sa bangko ring yun, ako nadismaya na kapag kinukunan ka pala ng pera ng isang tao o institusyon ay ni hindi ka nila papadalhan ng notice. Ang masaklap pa noon, mukha pa lang nung kausap ko halatang ‘di concern sa problema mo. Dahil ba hindi PA ako big client? Pasalamat yun bata at kimi pa ako noon, ngayon kami magkita. Charrot lang!
- Akala din ata ng ibang bank employee na kapag inutusan ka lang ay wala kang bearing sa mismong may-ari ng account. Well, sinabihan ko lang ang Nanay ko na isara na ang account niya doon sa isang bangko na hindi ka lang pahihirapan sa requirements, pahihirapan ka rin sa pagkuha ng pera. Imbierna talaga ang experiences ko sa kanila. (Clue: wala sa mga nabanggit ko).
Pingback: I Need Tablet because… | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Salamat 2010 | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Bakit wala ang rural bank of malibay dito, ha?
ikaw kasi kulang ka sa promotion! hahha
Mag-iingat ka sa ATM machines ng BPI kapag christmas holiday, nagkakaproblema sila sa sobrang dami ng widrawals.
ah ganoon ba? sige tatandaan k yan.
Pingback: Banking | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI