The power of self-study for transformation


Nung  isang araw nabasa ko ito “Formal ‪‎education will make you a ‪‎living; ‪‎self-education (or self-study) will make you a‪ ‎fortune.” Quote ito mula kay Jim Rohn, isang motivational speaker, author and entrepreneur. Pagkatapos nito ay naisip ko kung magaling ba ako sa pagse-self study, ano nga ba ang nagawa sa akin ng self-education, at may self-transformation nga bang naganap?

Casa Boix room door
pinto ka ba? sarap mo kasi katokin. este feeling ko ikaw ang daan sa mainam kung kapalaran

School is a place and your teachers are just your guides – but it’s you who will educate yourself.  Kung ako tatanungin mo,  ang payo ko sa pamangkin ko o mga estudyante ay ang basic ipasa mo lahat ng grades mo.  Subalit, ang pinakamahalaga sa pag-aaral ay ma-develop mo ang disiplina at  i-enjoy mo ang kabuluhan ng pagiging estudyante.  Iyon lang. Bonus na yung i-aim mo pa ang magkaroon ng awards o honors.  Sinasabi ko ito kasi at the end of the day, iyong attitude at mentality natin ang magma-matter kung paano tayo magiging successful sa buhay.  Tingin mo lahat ng may honor ang naging maalwal sa buhay at mabuting nilalang pagkatapos? In fact, marami akong kilalang matatalino at propesyonal na naging alcoholic, addict, unemployed, and underemployed.

Prof. JJ Disini iBlog11
Si Prof. JJ Disini  nagturo ng free about Cyber Crime issues sa iBlog11

Sa ibang banda; kahit ilang saway, palo at payo mo sa isang tao – ang matitira sa kokote n’yan ay ang kanyang moral stand.  Wala namang always perfect decision so wala ring always perfect result. So anong gagawin mo para makaiwas sa maling desisyon para ‘di ka naman makaranas ng maling resulta. Isa pa’y gaano ba katatag ang loob mo para kapag lumagapak ka ay makakabangon ka? Hindi rin naman palaging nasa cloud 9 ang stat mo.  IMHO, Educate yourself POSITIVELY so you’ll have positive mindset.  Education  is not only about IQ, it also involves superb EQ.

business and financial books

School is just a place, you can also learn anywhere and anytime.  Ito fact lang … ang natutuhan ko nung high school sa computer class namin ay enter, at control (A, C,B,I,U,Z , and y). Nung college,  ang  naalala kong natutuhan ay Excel, Power Point, Paint, paglalagay ng clip-art at formatting sa word.  Iyon lang…  Pero yung bilis ko mag-type (more than 40 wps) sariling sikap iyan sa kaka-type. Ganun din ang stock market, loading, mutual fund, eCommerce, handwriting analysis, ad posting, okay lang mag-sideline, mag-isip ng insurance o retirement, blogging, at iba pa ay self-study na.

11- no. 3 bookmark

Ang punto rito ay kung talagang open kang matuto pa or maka-discover ng bagay-bagay nasa sa iyo  iyan. Call mo na rin kung paano ka magse-self-study through reading books or blogs, and attending events or seminars. Option pa rin siempre ang formal education pero if can’t afford ka sa tuition fee, titigil ka na lang ba? Halos lahat naman yata ng field ay dapat never-ending ang pag-aaral para hindi maging utak phase out or obsolete.

Teachers can be one of your guides, there are more to meet. Hindi ko alam kung personality ko lang ito o kakabasa ko somewhere ay na-form na sa akin ang idea na ito.  I don’t want to be just an avid follower of someone dahil

  • gusto ko ng variety,
  • mahanap ka rin iyong sarili kong voice,
  • at ayokong maging eksaktong  katulad ng isang tao dahil successful siya. Unang-una may umangat ba na copycat lang?

Pero ang isang naaala kong nakapagbigay ng magandang insight sa konseptong ito ay si NCCA chairman Felipe de Leon. Ito yung video…

Patalastas

Maganda ang payo n’ya hindi lamang sa songwriting, kundi sa anumang art, passion, study o career. Magandang magkaroon ka ng impluwensya o mentor pero mainam na marami at iba-iba.  Mas masaya sa akin ang matawag na ikaw ang equal nina _ +__+__ kaysa duplicate ka ni___. Siempre nasa balanse at taste mo kung ano lang idea ang tatanggapin ng sistema mo. Pangit din naman ang OA  baka ma-analysis paralysis ka na o kaya  pipiliin mo lang yung  papabor sa iyo that’s confirmation bias.

Sa ibang banda, extracting positive lessons from experiences (bad or good) and people (bad or good) ay overall very good.  Naalala mo ba yung pamosong konsensya sa ad ng safeguard? Maraming pagkakataon na naalala ko yung lessons/ payo sa akin ng mga taong nakasalamuha ko ala second voice/ konsyensya. Halimbawa sa grammar, kung ‘di ka sure sa paggamit ng phrase o word sa isang sentence ay i-Google  ( voice of Len – my co-worker in Ortigas) at  huwag ka gagamit ng words na hindi mo  alam eksakto ang meaning (voice of Claudia – my co-worker in Makati) dahil iyon pa ang magpapamali sa buong sentence mo.  Iyon namang boses ng first ever supervisor ko  ang lagi kong naalala sa tuwing nasasaktan ako ‘pag may criticism.

WordCamp 2008, first blog event na napuntahan ko

“Kapag ipinaubaya mo na sa iba (supervisor/ boss) ang gawa mo ay ituring mo iyon na batang na ipinaampon mo para lumaking mabuti at mahusay na tao.”

Tara aral tayo!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.