Sa post kong ‘Takot Ka Bang Maging Virtual Assistant o telecommuter‘ ay binanggit ko ang mga challenges. Isang pagsilip para sa gustong sumubok at pakikiramay sa mga nasa field na ito. After all, ang maging freelancer in general ay hindi glamorosa. In fact, napagkakamalan pa nga ang karamihan na tambay o batugan ( dahil naka-pajama?). Subalit, kapag tinanggap, niyakap, nilabanan, at pinahalagahan mo ang ginagawa mo ay ma-e-enjoy mo ang perks at benefits. So, ito na po ang Part 2 ng Part 1 :p
3. Takot factor: Unreliable internet connection in the Philippines
Ang halaga ng gadget ngayon ay pamura na ng pamura kaya mas tutukan ay paanong magigng sagot sa unemployment, traffic, at business (ecommerce/ digital marketing) ang telecommuting internet connection sa Pinas.
Ayon sa report ng GMA News, kung maging fast and reliable ang internet ng Pinas ay mababawasan ang traffic sa daan. Kasi maging ang mga estudyante ay puwede ng mag-teleclass. Bakit daw ba ang bagal ng internet sa Pinas? #RedTape
“Mahina po ‘yung internet speed basically because of so much red tape. We need emergency powers for the President to oversee the red tape on permits being granted by local government units for putting up cell sites,” saad ni DITC Usec. Eliseo Rio Jr sa Senate committee hearing tungkol sa emergency powers na makakasagot sa matinding problema sa traffic. “The reason we cannot move as fast as the other countries is one permit may even take one year, if you have so much red tape.”
Samantala, here are…
Reasons Why telecommuters like virtual assistants are cool people
- Freelancing reduces unemployment rate in the Philippines – may ilan na tumatanggap ng freelancing jobs para pang-sideline pero parami na rin ang talagang ginagawa itong main source of income. Hindi naman lahat kaya o dapat magtayo ng opisina pero puwedeng magnegosyo ng legal at mag-hire ng manggagawa ng legal. Marami rin ang gustong magtrabaho lalo na ang mga mommies at dads, PWDs, at iba. Kung mabibigyan sila ng kaalaman at proteksyon tungkol sa freelancing, may mga mabibigyan ng trabaho. Kumpara sa traditional employment, walang isyu sa mga freelancers ang kanilang age, height, at sinu-sino ang kapatid nila (ewan bat tinatanong ito?). Ang importante if they can do the quality and deliver on time.
- Telecommuting helps to ease traffic jams – kung mababawasan ang papasok araw-araw sa mga opisina ang laking ginhawa especially sa rush hour. So kabawasan ako sa kaagaw n’yo sa sakayan (mabilis pa naman akong sumakay), sa kapila mo sa tren o FX (isa ako sa nagagalit kung mag-a-alibi ka para mauna), at kasalubong mo sa foot bridge (ako yung tipong parang may hinahabol lagi kung maglakad).
- They enjoy “portfolio career”/ work-life balance – Ang sumusunod na larawan ay ilan sa passion at trip kong gawin. Hindi naman sabay-sabay, puwedeng sunod-sunod o sapat-sapat lang 😉
- Freelancers are the kabawasan in stiff Corporate World’s competition. Kung may kumpetisyon man between full-timer and freelancer/ telecommuter for me indirect lang. Parang shampoo at conditioner, nasa sa employer kung gusto n’ya shampoo, conditioner or both for smooth and manageable business. I don’t think lahat ay okay for telecommuting, freelancing, or to be virtual assistant. Choice pa rin yun.
- Freelancers help the businesses and Philippine economy. May mga freelancers at virtual assistants po na nagbabayad ng Tax.
Kung gusto mong i-explore pa mundo at pagiging telecommuter and virtual assistant ay mabuting um-attend ka ng seminar. Last year nga ay naging part ako ng VAPreneur seminar ng grupo nina Rochefel Rivera, Maria Cristina Pre, Mychele Chrystienne Tan Remonte, Bernice Biong at Sherlane Fortunado.
Doon ko ulit naranasan ma-refresh at makakuha pa ng dagdag knowledge at makipagsosyalan sa mga experienced/ Skilled pagdating sa Virtual Assistance, Telecommuting, Freelancing, and more.
Mahirap maging freelancer, lalo na kung basag ang internet connection at late pa magbayad ung iba mong raket. Pero masarap ung hawak mo sarili mong oras. Sabi nga bila, life isn’t perfect. Pasalamat na lang ako na hindi na ako nalalayo sa mga anak ko habang kumikita ng panggatas, kahit minsan nakakairita na ang bagal ng internet. Pasalamat pa rin ako dahil nakakatulong ako sa gastusin dito sa bahay sa kinikita ko online. Saka ang tagal ko kayang pinangarap maging homebased worker, ngaun pa ba ako magrereklamo. You get some you lose some, mas gusto ko lang mag-dwell sa good things na meron ako. Asa dugo siguro ang pagiging freelancer, calling sabi nga ng iba kase hindi ka tatagal kung hindi tlaga ito ung nagpapasaya sayo.
Hi Joie and welcome to Hoshilandia!
Sinabi mo pa! kawawa ka talaga kung per hour ang trabaho at strict sa communication or time ang client/ employer mo. So aside sa tiis -inis ay mag-isip ng alternative way kung paano mo isu-survive ang internet connection mo. IMHO, maganda rin kung swak sa personality mo talaga ang pagiging freelancer pero kung introvert ka better kung homebased pero kung extrovert puwede naman yung mag-ala digital nomad. Tyagaan na lang paghahanap ng klase ng work at client na aakma sa trip mo. Mabuhay sa iyo at natupad ang goal mo sa buhay. Kaya naman kung ang pangarap ay hindi lang inaabot, kundi pinaninindigan at pinapahalagahan. Mabuhay!
HELLO PO CAN YOU HELP ME IN FINDING A PART TIME VIRTUAL ASSISTANT? IM WILLING TO TRAINED .
hi Gemar Bulangis
kung sa school or training ay mayroong naman available like dito kay Rochefel Rivera (ProfessionalVA ) at Online Job University ni Sir Genesis Reonico.
Kung sa work marami kang makikita online – may makikita ka Best Jobs Philippines, Jobstreet, at iba pang job sites. ang hindi ko lang alam sa ngayon kung may willing to train na job na mismo 😉 Pero most likely once na maa-train ka ay baka matulungan ka ng school na maka-land ng job tulad nung ilan sa mga students ni Mrs. Rivera . mabuhay at good luck sa iyong job hunting .