Kumusta Single? Bakit Wala Ka Pang Asawa?


Wala naman sigurong taong gustong tumandang single o mag-isa. Priceless treasure ang makahanap ng life partner na kasama mo sa tagumpay, kasawian, saya o lungkot. Iyong minamahal ka nang totoo at walang kundisyon maging ano o sino ka man.  Ang post na ito ay hindi para siraan ang pag-aasawa o para masabing masaya ang pagiging single. Ito ay pagbubukas lamang ng kamalayan kung bakit ‘di malungkot ang maging single o pagtakhan ang isang babae o lalaki kung bakit ito ang status n’ya.

Ang bawat estado at aspeto ng buhay ay may phase. Pero bakit nga ba big deal  at sentro ng kumustahan ang mga tanong na “May asawa ka na?” “Bakit single ka pa?” Wala pa bang nagkakamali? Oo puro sila mali, kasi ‘di pa sila natatamaan ng alindog ko charroooot! ‘Pag kinamusta, puwede bang health,  fruit of my labor o achievement na lang. hehehe!

 Bakit hindi malungkot maging single at anong puwedeng purpose nito?

Sa lahat siguro ng magandang irason para mag-asawa ay para makagawa na ng anak. Oo nga naman  mahirap manganak ng parang apo  muna, ‘di ba?  Pero maliban sa “body clock” na ‘yan at kung wala ka rin naman balak mag-anak ay ano pa nga ba ang good reasons para magpasakal este kasal? Steps para yumaman?

Love Desserts interior
Mag-isa ulit sa Food Trip?

It’s doable to achieve whatever goals, passions. Sa totoo lang, mga old school na lang ang kaintindi-intindi kung ang tingin nila ay ang pag-aasawa ang ultimate life goal.  Pero even if halimbawa masaya ka naman sa pag-aasawa, it will not stop you to aspire for something worthy for you. Unless talaga pag-aasawa at pag-aanak nga ang trip mo lang, na reasonable naman. 

Sa ibang banda ay may mga kaibigan at kamag-anak ako na nag-asawa na looking forward sa kanilang “me time.” May iba tinatrabaho rin na ma-fulfill  naman ang kanilang dreams, sa kabila ng pagiging busy sa kanilang masayang pamilya. Busy di ba?

What more sa single moms, househusbands, at plain housewives?  Iba iyong  nagagawa mo yung passion mo or you can try something. Hindi dahil it’s a matter of life and death.

Iba rin ‘yong kailangan mong kalimutan na ang gustong-gustong mo dahil may iba ka na dapat ipina-priority.

Patalastas

No Guilty Pleasures/ to Live to the Fullest. Dahil single, kung gumagastos man ako para mag-travel, movie time o pang food trip, ang iniisip ko ay budget ko o effect noon. Hindi iyong ‘di ko deserve ito.  ‘Di ko naman sinasabi na bawal na magsaya o mag-aliw kapag may asawa na. Madalas nga lang nakakaramdam ng guilt kapag may dapat kang bilhan.

Alangan naman din kasi ipagpalit ang gatas at sabon ni baby sa pagpapa-spa.  Mahirap din manimbang at ‘di malayo sa selosan at sumbatan ang isang mag-asawa. Ito ay lalo na kung walang klarong pag-uusap sa pwede at hindi, may isang insensitive o kaya ay may iresponsable.

Looking for? [Love Padlock, South Korea]
Looking for Love (Padlock in South Korea]?

To discover Your self-worth and happiness . I think…

one of the important things to discover in life, especially while you’re still single, is how to love yourself and know your worth

Maraming rumerelasyon na ang trip lang ay maka-hook.  They give 101% of themselves when in fact they don’t have enough self-esteem, self-respect, and capacity to have healthy relationships.

Magkaiba ang pagmamahal sa tagumpay at kaligayahan.  Makakapagmahal ka pero hindi ka magiging masaya o kayong dalawa, kung ‘di mo alam maging masaya para sa sarili mo at sa inyo.

Hindi mo rin naman makukuha ang lalim ng definition ng happiness kung  ‘di ka dadaan sa maturity and soul searching. And ideally, you have to find it on your own.

Masakit na katotohanan na maraming nag-aasawa at nagiging magulang ang hindi pa pala handa wholeheartedly.  Ngayon ang next na tanong d’yan ay sino bang naging handa sa buhay, na full of surprises? The answer is no one.  Being financially stable doesn’t guarantee that you’re ready to get married.  Baka nga kahit wala kang gaanong pera, basta emotionally and spiritually buo ka, ay pwedeng-puwede ka na.

Ang pera ay nauubos at napapalitan, pero yung barag na pagkatao ay mahaba-habang proseso ‘yan. Paano pa kung hindi lang si asawa ang masasaktan mo kung gusto mo ng mag-quit? Puwede bang mag-resign sa pagiging magulang? Mag-abandona, oo.

Bakit Wala Ka Pa Ring Asawa?

Wedding Bell
lalaki ring itong wedding bell, at para sa akin na ang tunog

Nitong week lang ay nakapanaginip ako  ng ganito “1+1 =0…” di  ba dapat isa lang sagot d’yan = 2?  Ayon sa mismong kausap ko sa panaginip ay ganito raw ‘yan,  may mga taong nagliligawan, nagkaka-in love-an at nagiging sila. Pero mayroon din na naging magkaibigan muna bago naging sila o nagkakilala na dati pero ngayon lang nagkaroon ng feelings. Para bagang ang gusto N’yang sabihin ay

ang buhay ay hindi lang automatic 1+1 = 2 dahil puno ito ng probabilities o possibilities. Puwede rin na sa pagsasama ng dalawa ay maging ‘di compatible, so 1+1= zero. Maaari rin ang 1+1 = 22. Kasi yung dalawang magkarelasyon may tig-10 na anak 😛

May ilang rason daw bakit single pa ang isang tao  gaya ng…

  • Pihikan ( sa totoo lang nagagamit na lang ang word na ito sa ganito)
  • Sobrang busy
  • Perfectionist
  • Can’t move on sa past experience/ person
  • Bahala na …Si Destiny, Tamang Panahon, Mommy and Daddy, etcetera-etcetera

Ang rason ko lang na maidagdag d’yan ay wala pa akong nararamdaman na kakaiba o yung love na worthy to fight for. Hindi naman siguro kalabisan ang i-enjoy ang buhay bilang single. Ito na lang ang balik na  tanong ko:

  • Mag-aasawa ba ang tao para mag-anak lang talaga? Puwede para roon  sa health reasons. Kung liberal at syensya na nga- puwedeng diretso pag-aanak na.
  • Paano kung hindi pa naman s’ya handang maging magulang o mag-asawa?
  • Kung wala kang asawa o mapapangasawa, titigil na ba ang buhay?
Love Padlock 2

Hindi ba mabuti na ang mag-asawa ka dahil nagmahal ka o single ka kasi pinili mo ang buhay na gusto mo.  Kung balang araw lumabas na mali ang desisyon mo (pero ‘di rin ako naniniwala roon) ay masasabi mong nabuhay ka. Kaya Mabuhay ka-Single! Date tayo charrot!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Kumusta Single? Bakit Wala Ka Pang Asawa?

    • Hitokirihoshi Post author

      an ailment? Ouch! But I guess some people become single or intentionally want to stay single because of some abnormalities in their lives :p
      And yes, it’s a choice!

      Thanks for dropping by and welcome to Hoshilandia!

  • SlickMaster

    “Hindi ba mabuti na ang mag-asawa ka dahil nagmahal ka o single ka kasi pinili mo ang buhay na gusto mo.”

    Mismo. Masyadong stereotypical ang mga tao sa mundo, as if na requirement dapat sa eskwelahan ang mga ganitng bagay bago ka grumaduate. Nakakaloka.

    • Hitokirihoshi Post author

      Tumambling ako sa “Nakakaloka” mo Slick, hehehe! Pero yeah ganun nga sa araw-araw naman hindi mo iniinda yung bakit ka single pero dahil sa tao sa paligid… parang nagiging sobrang bigat nito. As if single people are celebrities na nakakasagap ng sari-saring opinyon. :p