Ilan sa natutuhan ko sa Economics namin noong high school ay ang Law of Demand and Supply. May adjustment sa presyo ng produkto kapag mataas ang pangangailangan ng mga consumers gayon din kapag sobra-sobra o kulang-kulang ang supply. Nariyan din ang tinatawag na Inflation. ‘Di ba kapag tumaas ang presyo ng langis, tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at dahil d’yan hihingi na ng omento sa sahod.
Sa isyu naman ng pagpapalit ng pera, ang sabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya nila binago ang mga itsura ng mga Philippine peso bills (20, 50, 100, 500,200 and 1000) ay para ma-upgrade ang security features na mayroon ang mga ito laban sa mga pekeng pera.
Wala pang laman na kahit anong bagong perang papel ang wallet ko. Subalit, inaasahan ko na sa pagdating ng mas batang mukha nila Manuel L. Quezon (pogi pala s’ya nung bata), Sergio Osmeña (feeling ko talaga kamag-anak siya ng daddy ko), Manuel Roxas, Diosdado Macapagal at pagdyo-join force nina Cory and Ninoy Aquino ay segurado na hindi sila peke. Lalong-lalo na ‘yong may mukha nila Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Vicente Lim.
Pero ano nga ba ang domino effect nito sa iba, ano pa eh ‘di mag-collect ng mga luma. Ang kaso nga lang ni wala ngang maitabi at maigastos, mangongolekta pa. hehehe! Isa pa ay may mga atat na gustong makakuha ng bago na sukat na magpapalit sila ng may konting pabuya ala-dollar.
Nanawagan lang ako sa iba, sana huwag babuyin ang ating pera. May mga social networking sites at bulletin board tayo para makapaghanap kayo ng text mates. May mga papel na puwede n’yong lamusukin, pilasin at sunugin ‘pag galit kayo at higit sa lahat huwag nyong kulayan at guhitan. Kaya di na pinangiti ang mga yan na labas ang ngipin e, baka bungian n’yo lang.
saan po ba pwede mag papalit ng lumang pera?
pwede ba sa BSP mag papalit?
salamat po!!!
sa pagkakaalam ko rin puwede rin dun.
tama ka. may mga taong ginawang classified ads ang ating mga perang papel…
oo po kuya doroastig, dun pa lang simpleng na sila sa pakikipagsosyalan.
astig yun mga bagong pera natin
parang play money
hehe
ganon pa;la ang law of supply and demand, ha
kaya siguro sold out si wifey kagabi
mataas ang demand at konti ang supply
pasok!
hehe
happy weekend, hoshi!!!
happy weekend din Raft3r!
oo nga nakita ko sa Kapuso Mo Jessica na sold out ang concert.
wish ko nga kumpletuhin yung footage kaysa video clips lang. hahaha!
congrats sa Wifey mo! mabuhay!
MABUHAY TALAGA!
YAHOO!
YEHEY!
naman!
Google
MSN
Lycos
Natandaan ko tuloy yung limited edition kong 100 Peso Bill na may tatak ng UP Centennial Logo. Ilang beses akong naTempt na gastusin kasi wala nga akong pera. Hahaha. Pero andito pa rin siya ngayon at nakaFrame. Hehe.
wow congrats Alps! malay mo yang sakripisyo mo na huwag gastusin yan ang siyang magdala sayo ng kaban ng pera balang araw. hehehe
suwerte ba ang naka-frame? kasi yung iba ibinabaon sa semento na sakto sa hamba ng pintuan nila. may ganun sa bahay ng kababata ko dati e.
hi. nakakatuwa naman ‘to. ako, merong collection ng old coins na two years ko na atang di nadadagdagan, he,he.. 😀
buti nga ikaw, ako 2 lang ata meron. hehehe
hmmm sayo ko lang nalaman kung baket binago ang pera. nung una kase kala ko binago para lang alaskahin si gloria. kasi inalis sya sa pera. hoho
ay bisita ka mamaya d2, meron na kong bente at singkwenta na bago. mukang plemoney 😀
sige bibisita ako sayo tito, tagal mo ring hindi nagparamdam ha!
na-meet na kita lahat, wala pa rin. hohoho!
actually baka yun pagpapalit, isang rason na yun. hohoho!
mabuhay!
Ako wala akong natutunan sa Economics. Maliban nalang sa magtaas ng kamay para may points sa recitation.
Pero meron ako nung bagong bente. Yey!
okay na yung bagong bente mo, vajarl! penge ako! heheh
wow teacher ka pala kuya Pong! alam ko na kung saan ako magtatanong kapag may mga katanungan ako. hehehe! Naisip ko dati, yun kaya kunin ko sa kolehiyo kasi tutal medyo mataas ang grades ko dun dati. kaso naisip ko wag nahhh. hehehe!
oo nga, bwiset yung mga nambaboy ng pera. akala mo sila lang ang gagamit. hehehe.
mabuhay ka Teacher Pong!
tama yun wag babuyin ang pera
sa loob halos ng two years ko dito wala pa akong nakitang may vandal ang pera nila o kaya naman lumang-luma
excited na akong makakita ng personal ng mga new genretion bills.
nung nagturo ako ng economics (oo sapilitan nilang ibinigay yu7ng subject na yun for two years huhuhuhu)yun pinagcollect ko sila ng pera bwahahahahaha
wow! di ko lam..magaling ka pala sa economics….hehehhe…tanong ko lang po…meron pa kasi akong mga peso bills (yung luma)…pwede ko pa kayang gamitin ito pagbalik ko dyan sa Pinas…malapit na ..end of this year!…pakisagot naman po Ms. Economics…
nyek hindi po ako magaling sa Economics, magaling lang talaga yung teacher ko doon.
ngayon sa tanong nyo, ang sagot ay oo. magagamit pa hanggang three years ang milyon-milyon nyong piso pagbalik nyo. kaya puwede nyo pa po akong pasalubungan.
Pingback: The domino effect of new Philippine money | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Ilan sa natutuhan ko sa Economics namin noong high school ay hindi para sa akin ang Economics.
Kapag pinambili ba ng baboy ang pera pwede nang sabihin na binaboy ang pera? Weird ko ano? Hehe!
Nangongolekta ka ng pera? Pareho kayo ng kapatid ko. Ang weird nyo din ano?
hindi nga ako makakolekta e, kailangan ipambayad lagi. saka sabi rin ng teacher ko, hindi dapat itinatabi sa bahay ang pera umiikot talaga ang merkado. chuz!
hehehe! pero sige makiki-weird na ako sa kapatid mo. buhahaha! para sa yo talaga ang economics salebehe, economics sa blog world.
mabuhay!