Gadgets? Laptop,netbook or typewriter


Well kung may hormonal imbalance at quarter life crisis, ako nagkakaroon naman ata ng technophobia. Hindi naman sa tanga este takot akong maging updated sa mga cool gadgets pero malaki ang panghihinayang ko ‘pag bibili ng bago eh hindi pa sira ‘yong dati. Pero siempre kung libre, madali naman akong kausap.

At aaminin ko, isa ako sa mahilig magtitingin sa mga ipinapadalang brochure ng MACRO, SHOPwise, ABenson at PureGold. Hindi ko talaga makakalimutan ‘yong flashlight na may TV sa MACRO dati. Hehehe! Nung nakaraan binigyan at nangalap ako ng mga babasahin.

Ngayon, malayo pa rin ako sa pagiging technophile pero medyo nagkakainteres na ako na mag-check. Eh paano pumapasok na ‘yong hassle na rin sa kabuhayan showcase bukod sa mga personal kong mga pangangailangan.

typewriter_calling cardOkay pagkatapos na tumingin, problema ko naman ngayon kung alin ang okay na sulit pa at bagay sa akin.

  1. Laptop o netbook lang?
  2. ano ang pinakamagandang brand na mura?
  3. Saan magandang bumili?
  4. Cash or Installment?
  5. papalitan ko na ba ang pinakatatangi-tangi kong tape recorder?
  6. Kailan kaya ako magkaka-DSLR Cam?
  7. higit sa lahat, baka naman mako-consider na luxuries ang mga trip ko?

Bigla ko daw naalala na bilhan ng ribbon ‘yong typewriter namin na mas matanda pa sa akin.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

26 thoughts on “Gadgets? Laptop,netbook or typewriter

  • Marilyn reolizo navarro

    Ano po ang pinaka best gadgets na pwedeng cellphone pwedeng loptop at maging tablets sa iisang gadgets andoon lahat kumpleto na lahat?paki responce po ako sa fb.marilyn navarro 215 yahoo.com.ph sana mahintay ko po ang sagot nyo.god bless

  • jec mendiola

    ate, mas gusto ko ang lumang gadgets. Basta lang.
    Nga pala, ipo-post ko pa lang yung picture ng typewriter ko at mukang pareho tayo. olympia traveller de luxe S na white 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      pareho talaga tayo ng typewriter? ayos! siguro dati sikat na sikat na yang ganyan at kapag may typewriter ka. napanood ko sa Dead Poet Society yan talaga yung nasa dorm nila. hehehe!

  • salbehe

    1. Laptop o netbook lang? Netbook. Masakit sa likod ang laptop
    2. ano ang pinakamagandang brand na mura? Asus (Netbook)
    3. Saan magandang bumili? Greenhills
    4. Cash or Installment? Installment lalo na kapag walang cash
    5. papalitan ko na ba ang pinakatatangi-tangi kong tape recorder? Oo.
    6. Kailan kaya ako magkaka-DSLR Cam? Sa takdang panahon.
    7. higit sa lahat, baka naman mako-consider na luxuries ang mga trip ko? Hindi, kung sa tingin mong kailangan mo yan, kailangan mo yan. Ako ang iyong konsensya.

    • Hitokirihoshi Post author

      1. wah wala bang magaan-gaan na laptop? yan ang iniisip ko, gala pa naman ako minsan at laging mabigat na ang bag.
      2. good, ganda nga ng mga nakikita kong netbook nila.
      3. hindi ba mga refurbushed or puro second hand dun?
      4. kaya naman installment gusto ko lang ma-budget kasi may iba pa akong project na bilhin like digital recorder.
      5. okay, got it!
      6. tumpak ka dyan!
      7.oo kailangan ko ito para sa aking tagumpay, tama ka konsensya. hahaha

  • Vajarl

    1. Para saken, mas ok ang laptop. Lalo na’t ambababa ng memory ng mga netbooks. Ako kase yung tipo ng tao na madaling mairita pag mabagal ang computer. At saka maraming programs na nag rurun at a time.

    2. May mga murang Lenovo. Maganda naman yun 🙂

    3. Kahit san! Wag lang sa tiangge! Haha.

    4. Cash. Mas mura.

    5. Aba malay ko sayo. Hihi.

    6. Ay shet college palang ako pangarap ko na magka DSLR. Kaso.. kaso.. hanggang hiram lang talaga ako. Haha.

    7. Hindi naman siguro, except nalang kung ang mga bibilin mo eh jabongga sa kamahalan. Hihi.

    Pero go! Kung ako sayo bilin mo na habang may spur of the moment pa! Tas magsisisi ka sa huli. Joke. Haha.

    • Hitokirihoshi Post author

      1.hmmm dahil sa sagot mo at ni sakura, alam ko na ang isa pang dapat kong alalahanin
      2.oo isa yan sa tsini-tsek ko
      3. naman no, di bale na medyo mahal basta sure akong di patapon ang pera ko. pro makatingin nga rin sa mga tiangge. buhahaha
      4. kung pasok sa budget, go na ako.
      5. oo nga no, hindi ko siya papalitan dagdaghan ko na lang ng ka-tandem
      6. sige sasamahan pa kita ng matagal sa panghihiram. wahahaha
      7. ah no-no sa akin ang mahal na wala namang kapararakan.

      hmmm, isa sa lesson ko sa pagwo-work at pag-iipon ay bilhin mo yung bagay na nakikita mo at nagagamit. kaysa iipon ka ng pera tas magagastos mo rin sa wala. bandang huli sayang lang ang ipon mo.

      • tito jasonhamster

        ouch daddy vaj. namomroblema ko sa memory ng netbook ko. 1gig lang, di pa pede iupgrade.

        laptop nga pamangking hoshi ang masmainam.

        yung typrewriter naalala ko mga gradeschool pa ko huling gumamit, tapos electronic typewriter naman nung hayskul. hehe

        kung gusto mo talaga ng dslr, nakopo, pagkamahal. hahahaha

        • Hitokirihoshi Post author

          wahhh sana makakita ako ng laptop na di nalalayo sa price ng netbook at malaki ang memory.
          -ako dati, so precious talaga ang liquid paper. hahaa
          laging mali sa pagta-type. hindi ko na maalala kung kailan ko talaga huling ginamit ito.
          pero bandang college pa ata sapaggawa ng short essay. wala kasi akong pc dati at nanghihinayang pa ako mag-rent at mag-print para sa 3 pahina.
          hehehe.
          saka talagang antic na ito sa amin.

  • Sakura Yuki

    Kung konti lang ang diperensya maglaptop ka na.. may 12 o 14′ screen. saka may slim type nmn kaya magaan un. bibili ka na din lang itodo mo na,pwde mong gmitin sa trbho at pwde din pang entertainment. hehe MSI at ASUS mganda brand. Saan maganda bumuli? Sa BEST BUY hehe kaso sa US lang un hehe. malaki kasi masyado ang patong pag dito ka bibili. yung 80k dito 50k mo lng mabibili dun. pero magcheck ka din sa Gilmore. Mag lrt 2 ka hehe. sa ate mo na nagdubai, pwede ka mgpabili dun un lng panu maipapadala dito. mura daw elecronics sa Dubai hehe

    DSLR? kung di mo nmn msyado kailan, kht wag muna. pero pag balak mo talaga, kontakin moko may mabibilhan tau na mas mura kesa sa malls. hehe gusto ko din bumili kaso kinokontrol ko na wag muna, saka na pag makakaalis nko hehe

    TAPE RECORDER may gumagamit papala nyan haha. gaya ng sabi ni Alps, meron sa cellphone nun. hehe o pwde ka din bmili sa Raon na lagi mo pinaplano hehe

    ( ”,) kio tsukete

    • Hitokirihoshi Post author

      -sige tingnan ko, basta kailangan pasok sa ini-expect at budget ko.

      -ah yung sa dlsr magaganap yun pag na-settle ko na yung limang nasa goals ko for this year.

      -oo mayroon pa akong tape recorder, at buhay na buhay. hindi opuwede kasing laging sa cp. may ilang beses na habang ginagamit ko biglang may nag-text at call. wahhhh!

    • Juyjuy

      i agree. (nakisali sa usapan. :D). i agree dun sa statement mo na itodo na lang. hindi ka talaga magsisisi.
      parehas din kaming gustung-gustung-gusto na magka dslr. as in sa bawat pagbisita ko sa mga malls, ito yung unang pinupuntahan ko. i am a frustrated photographer. hehehe. pwede siyang i-credit card pero i think i will settle for cash. mag-iipon na lang ako. hehehe.

      • Hitokirihoshi Post author

        okay lang makisali ka sa usapan dito, kahit dalasan mo pa. hehehe!

        by the way, nakabili na ako laptop na pinangalanan ko ng Hugh William at digital recorder. sa dlsr hmmm medyo malayo ko pa ito matupad kasi may isa pa akong pinagkakagastuhan.

        tama na i-cash mo na lang. isang bagsakan yung gastos at makakakuha ka na rin ng discount.

  • Alps

    Laptop o netbook lang?
    Mobile ka ba or office/home buddy lang? Kung highly mobile ka, netbook na! 🙂

    ano ang pinakamagandang brand na mura?
    For Netbooks, okay ang MSI and Asus (And Acer na rin). Sila nga ata ang top selling brands for those more compact laptops.

    For high performing beasts, HP for me since it can perform nicely while looking good. 🙂

    For cheaper brands, we always have RedFox and Neo. Some top brands have cheaper variants too.

    Saan magandang bumili?
    Sa famous Gilmore. Best prices and widest variety. But for me, okay na ako sa isang major mall. Less hassle and mas madaling kausap regarding warranty concerns. The price difference is really not that big naman.

    Cash or Installment?
    Ikaw! Hehe. If you are a good budgeter and can manage your credit card before it manages you, then installment is an attractive option. Pero kung ayaw mo nang alalahanin ang pagbayad every month, go for cash!

    papalitan ko na ba ang pinakatatangi-tangi kong tape recorder?
    Haha, some recent phones have digital voice recorders na. 🙂 A good old tape recorder can suffice if its performance doesn’t annoy you that much.

    Kailan kaya ako magkaka-DSLR Cam?
    If you have a flair for photography and want to take another notch for this hobby, then go. But if for social conforming’s sake, then think about it.

    higit sa lahat, baka naman mako-consider na luxuries ang mga trip ko?
    Luxury isn’t luxury for me if:
    1. You need it
    2. You are highly passionate about it (not just plain want)
    3. You can afford it without thinking about your savings. Relative naman ang term na “luxury”. 🙂

    Good luck and spend wisely!

    • Hitokirihoshi Post author

      wow, napa-believe mo ako sa nakapaka-comprehensive mong comment.sinagot mo talaga in detail ang mga nagpapasakit sa ulo ko.

      -sabi nga sa akin maganda yung acer at asus dun na talaga ako naghahanap ngayon. bukod dyan sabi okay din yung lenovo pero since sinabi mo ok din ang MSI, papatulan ko na rin.
      -tingin ko between sa laptop at netbook, netbook na lang din ako. tama ka -kasi ayoko ng mabigat na dalahin kasi araw-araw mabigat na ang pasanin kong bag.
      -gilmore? sa aurora qc yan di ba?
      -hmmm may point ka, medyo may budget na rin so better ngang cash na lang parang isang bagsakan na gastusan.
      -ultimately, hindi pa siya need pero papasa ng want.

      thanks alps malaking tulong itong comment mo para mapadali ang decision making ko. mabuhay!