Noong nasa junior high (high school) ako ay mayroon akong Journalism subject. Isa sa palaging ipinapagawa ng teacher namin ay bumili ng peryodiko (broadsheet) at ire-report ang importanteng laman noon. Ang bawat grupo ay may nakatokang brand ng broadsheet kaya sa rami ng naging grupo ko ay naging familiar ako sa Manila Times, Manila Standard, Daily Tribune, Malaya, Philippine Star, Manila Bulletin, at Philippine Daily Inquirer. Pang-umaga ang klase ko pero mas aagahan ko pa ang pagpunta ng school dahil ako ang tagabili. Ngayon kaya ay anu-ano ang available na peryodiko? At may bumibili pa ba o buhay pa ba ang newspaper industry?
May available pa bang peryodiko?
Ang sagot ay “aba’y Oo.” Noon ‘pag binabaybay ko ang EDSA araw-araw ay isa sa tanawin ko sa bus ay mga newspaper stand sa kalsada/bangketa. Aliw kaya akong magbasa ng mga news headlines sa mga dyaryo lalo na sa tabloid. Hindi lang kasi sa active voice eh, super active talaga to the point na nag-i-imagine ka na sa title pa lang.
Saka may time din na it matters kung ano ang klaseng peryodiko ang binabasa mo- ito ba’y broadsheet o tabloid. Siempre iba ang arrive noong nagbo-broadsheet kasi parang ang tali-talino nila…na mag-basa ng malalalim na English? Iyong mga nagbabasa naman ng tabloid ay masa, at saka yung ibang mahihilig… sa mga babaeng may star sa dibdib, hehehe.
Ang nakakaloka sa tabloid ay hindi lang mga kwentong parang hindi naman totoo. Aliw din ang mga paghabi nila ng wikang balbal na hindi ko alam kung nagagamit din sa kanto. Sa pagbabasa ko ng tabloid ay natutuhan ko ang wikang “utas,” “kelot,” “bebot,“ “boga,” “tiklo,“ at pag-“araro” sa sementong kalsada. Bago noon alam ko lang ay “katas”… “Katas ng Saudi” sa mga jeep, ganern!
May bumibili pa ba ng dyaryo?
Kung may available pa ay may bumibili pa siempre. Pero baka hindi na kasing rami ng dati. Ang isa sa kanila ay ang kamag-anak ko na nag-aabang ng resulta ng Lotto. Nasabihan ko na iyon na makikita na rin iyon online, pero bumibili pa rin s’ya. Ang teorya ko sa mga kagaya n’ya ay ganito:
- Nakasanayan na – Manood ka ng mga series o palabas bago mag-2007 (hula ko lang). Ang usual na kasabay sa umagahan ng mga lolo, lola, nanay, at tatay ay pagbabasa ng pahayagan. Minsan nga Kape at Dyaryo lang ay oks na. At katunayan ay tila masarap para sa kanila ang na isabay sa kainan ang mga balita. May pang-breakfast, lunch, dinner at pang mag-midnight snack. Pero I assure you, hindi masyadong magkakaiba ang ulo ng mga hilera ng balita mula umaga hangang hating gabi. Iyan ay mapa-newspaper, radio, at TV.
- Ayaw nilang pahuli sa mga tsismis este kaganapan – Hula ko sa mga nag-uulam ng balita ay mga nabuhay mula World War II hanggang sa EDSA Revolution. Parang kailangan alerto sila sa paligid dahil sa panganib at galawan ng mga nasa gobyerno. Pero may edge ang updated sa current events.
- Isa na ‘yong form of entertainment o commercial break. Isipin mo saan ka na ngayon madalas nakakakita ng nagbabasa ng peryodiko? Isa sa alam ko ay sa mga bangko o establishments na kung saan may pinaghihintay na customers. Mayroon din akong napuntahan na bahay na ang newspaper ay nasa loob ng comfort room. Hindi para pambalot ng napkin o pampunas ng ano… kundi talagang pambasa. Naisip ko nga ay baka matatagal silang mag-jevs. Hohoho!
Pero totoo na na napaka-unti nilang mga nagbabasa ng peryodiko kumpara sa hindi na nagbabasa. Naiintindihan ko kung bakit may pinipili na ang mga news consumer sa radyo, telebisyon, o internet. At alam ko na alam mo na kung bakit. Karamihan sa mga rason na iyon ang dahilan din kung bakit sinasabing “newspaper industry is a dying industry.”
Sundan: Part 2: