5 Paraan Para Magka-Kapital at Magsimula ng Negosyo


Mabuhay if you have clear business idea at gusto mo itong i-pursue. Pero kung pera ang pumipigil sa iyo, ito ang aking mga tips para magka-kapital at magsimula ng negosyo. Ang mga tips at tricks ko ay base sa sariling opinyon, karanasan, at mga nabasa tungkol sa kung paano magkaroon ng puhunan pangnegosyo.

Paano magka-kapital para sa negosyo

1. Clearly identify your business concept and strategies

    Simple nito pero it’s true na may mga tao na gusto lang magnegosyo. Pero hindi klaro sa kanila kung anong klase at paano nila gagawin. Mahirap yun! Mahalaga na alam mo kung anong lucrative business na bagay sa iyo. Then, dun mo simulan kung magkano, estimately, ang kailangan mong puhunan. 

    May advantage ang may solid idea sa kanyang business for flexibility at adaptability sa gastos. Kasi kahit anong baba o laki ng puhunan kung hindi naman pakikinabangan ang negosyo, eddie waley. Tandaan na ang business ay money venture at ang pagiging entrepreneur ay lifestyle. Kung tataya ka na umutang, dapat kaya mong ilaban. Kapag gusto mo at profitable ito, makakagawa ka ng paraan para palaguin ito. 

    2. Simulan magkaroo ng savings for business at pataasin ang iyong creditworthiness

      Siempre ang unang puwedeng pang-finance ng business ay personal savings. Kung gusto mong makaipon ay I recommend yung 30-70 rule in saving.  Mayroon din akong (weird) money saving tricks at mayroon din yung ultimate tipid mode

      Ang ultimate tipid mode scheme ko bilang empleyado ay ganito: kung 2 beses akong sumasahod sa isang buwan, ang una ay piinaka-budget ko sa aking expenses. Iyong pangalawa ay pang savings or investment.

      Patalastas

      Gaya ng iba, nagsimula akong mag-ipon sa alkansya at garapon. Pero may advantage kung ang itinatabi mong pera ay idedeposito mo sa bangko.  Oo, ang hassle mag-bangko at mag- maintain ng balance. Ang good news naman ay may digital banks na no need ng maintaining balance. May iba ring benefits ang pagbabangko.

      • Pero matuturuan ka nito sa displina,
      • pagpapalawak ng iyong kaalaman sa pera (financial literacy),
      • at nabi-build nito ang iyong creditworthiness. Ano ang creditworthiness at bakit need mo ito? I will tell sa item no. 5.

      Tips para makaipon na pang-business

      3. Make every second count—earn through part-time or freelance job

        Noong fresh grad pa ako, ang focus ko ay magkaroon ng work isang prestigous company na may mataaas pasahod. Sinuwerte ako makapasok sa ilang reputable companies at gustong-gusto ko naman mga naging trabaho ko. Kaya lang, wala akong naiipon na ekstra.

        The reality is hindi lahat ng sikat na company mataas ang salary offer. Then, may mga financial obligation ako sa bahay o family namin kaya halos sakto lang sahod ko. So, mahirap kong iisa ang source of income. Career-wise bilang bago pa lang sa work-field kailangan ko mag-build experience and reputation.

        That’s when I realized na bakit hindi ako mag-freelance o mag-part time work?  Kung ang pasok ko ay Monday to Friday from 9am to 6pm, may oras ako after work or weekend. Nagsawa na rin ako manood lang ng TV.  Nung sinimulan ko yun, dun ko literally na napatunayan time is money or gold. Mahalaga ang pagamit ng oras kasi puwede itong masulit para kumita, mag-training for reskilling or upskilling, o ma-develop pa ang iyong pagkatao. Bale, ever since natutuhan ko ang rumaket, doon na rin ako nag-start hindi na manood ng TV.

        Sabihin na natin na Php 1500 to Php 3000 lang iyong kikitain sa iyong part time job. Maliit?  Eh kung ‘yon buong halagang na iyon ay maitatabi mo at hindi mo magagalaw. Isipin mo kung naka-anim na buwan, isang taon o limang taon mong naitatabi ‘yon? Maliit pa rin? Posible iyon lalo na kung mayroon kang day job o regular job na pantustos sa iyong monthly expenses.

        Php 1500 x 6 months = Php 9000 (puwede ng pang-online selling or buy and sell)

        Php 1500 x 12 months = Php 18,000 (puwede na T-shirt printing/ maliit na sari-sari store)

        Php 1500 x 60 months (5 years) = Php 90,000 (mini grocery store na ito)

        1. Mag-sideline business o magkaroon ng income-generating assets

        May pagkakataon na may pera ka pero maliit pa lang.  Puwede mo rin itong palakihin gamit ang ibang mas madali at maliit na business.  Magagawa mo ito basta gamitan mo ng compounding method.

        Sa investing, ang “compounding” ay pagkita sa iyong kinikita sa iyong investment. Halimbawa, kumikita ka sa prepaid loading. Kung susumahin ang liit-liit ng kita rito, pero subukan mong pagsamahin ‘yong capital at yung profit mo mula rito. Huwag mong kunin yung kita. Baka from Php 1000 initial loadwallet ay umabot ito ng Php10,000 dahil sa compounding method mo. Kung ang pinakabalak mong business ay nasa Php10,000 ang capital, eddie achieved na!

        Isa pang magandang subukan ay pagkakaroon ng income-generating assets. Examples nito ay mutual fund, T bond, stocks, at iba pa.  Sa aking opinyon, mas maganda ang mga ito kaysa ordinary time deposit sa mga traditional banks. Though may risk din ang pag-i-invest sa gaya ng stocks. Kaya kailangan mag-invest ka sa mapagkakatiwalan na profitable company. Ang good news ay yung may mga digital banks na nag-o-offer ng mas mataas na interest.

        Tricks para may ipang-business kung walang pera

        1. Use your credit card as your initial capital

        May kumukuha ng business loan, cooperative at iba pa.  Okay ang mga iyon lalo na sa mga long term at malakihan na type of business. Pero let’s say short term, maliit lang ang kailangan mo. Then, sure ka na buwanan ay mababayaran mo ang iyong utang.  Why not use a credit card?

        Sa store ko ay ginagamitan ko ng dedicated credit card ang ilang pinamimili ko rito (yung iba kasi cash only) o ibang transaksyon ko para rito.

        Kung babalikan natin ang item no. 2 o yung pagbabangko, may kinalaman dito kung paano ako nagka-credit card ng walang ibinibigay na requirements. I am sure it’s all about sa aking creditworthiness. Mababa lang ang savings account ko (wala pang Php 10,000 at that time. Pero wala akong credit card debt at iyong savings account ko ay lagpas 5 years na.

        lalagyan ng cards (isa d’yan credit card ko), bakit?

        Sa usual process and requirements, hindi ko ma-meet ang hinihingi ng ilang financial and bank institution. Hindi rin kasi malaki ang monthly income ko. Pero nung sumadya ako sa bangko ko para sa ibang transaction sila pa nag-offer sa akin ng credit card.

        Ang creditworthiness ay ang score card mo for financial companies para pautangin ka. Tipong pauutangin ka kasi kapani-paniwala na makakapagbayad ka. Isa sa basehan ay iyong wala ka namang utang o may utang ka pero nababayaran mo naman nang maayos.

        • Paano magagamit ang credit card sa iyong small business na hindi ka sumasabit? Sabihin na natin bibili ako ng grocery items na worth Php 4,000 at ititinda ko within a month. Siempre bukod sa patong na presyo ay sa loob ng isang buwan ay mababawi ko na Php 4000. Kahit ‘yon man lang para sa initial. Iyong mga grocery items naman especially ‘yong nasa lata at bote ay aabot ng 3-6 months so hindi na talo.  Kung gagamitin ko ulit yung credit card ay para roon na sa mabilis maubos o mabili. Malamang din ay yong mga susunod na hihiramin ko sa credit card ay mas mababa na ang halaga.
        • Ang special tip ko sa paggamit ng credit card ay be mindful sa cut off and due date.  Halimbawa, ang due date ng electric bill namin ay every 29th of the month, habang ang cut off ng credit card ko ay every 22nd  of the month.  Kung magbabayad ako ng 21st of the month o pababa ay sasama yung babayaran ko sa Meralco sa ibang expense na ginagamitan ko credit card. Sa isang buwan maiipon o magpapatong-patong yung malalaking amount. Pero kung ipambabayad ko ito after ng 22 ay sa next billing na ito a-appear at babayaran. May halos isang buwan na gap din yon.  Kaya mas gagaan ang pagbayad at yung cash ko napaikot pa sa negosyo.

                       Habang tumatagal at maayos ang iyong credit history ay mas lalaki rin ang iyong credit limit.



        About Hitokirihoshi

        Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

        Leave a comment

        Your email address will not be published. Required fields are marked *

        This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.