Refuge in Ninoy Aquino Parks and Wildlife


Ninoy Aquinio Park and Wild Life facade“Baka umiyak ako pagpasok natin,” sabi ko kay Syngkit nung papunta na kami sa Ninoy Aquino Parks and Wild Life. Sinabi ko ‘yon kasi cute na baby girl pa lang ako nung unang nagpunta ako rito.

Hindi naman ako naiyak kundi medyo napagod sa aming paglalakad at pangangalabit ng kamera. Sa totoo lang, medyo disappointed ako sa kaganapan sa loob. Nag-e-expect kasi ako ng marami-raming hayop lalo na nga yung sinasabi nilang wild. Ang kaso kasi ay sarado yung wild life rescue centers na may mga wild animals. Ang marami na makikita ng publiko ay ang mga lahi ng mga ibon na sa kabutihang palad ay pinangungunahan ng malaki pa lang Philippine eagle. Parang naligaw lang ‘’yong mga turtles at deer(s). At may ilang puwesto na abandonadong lugar na.

Pero okay pa na iyon kumpara sa amphitheatre na may mga nakasampay na damit at nakaparadang jeep. Inikot naman yung buong lake para makita iyon kaya naman nakakalungkot lang. Kung sana ay wala kami sa isang park, walang problema iyon. Ang hindi lang namin napasok bukod sa wild life rescue center ay ang gusali sa pinakabukana ng park baka hindi kami naka-abot sa oras na bukas ito.

Hep-Hep!

Kung ano yung binanggit ko sa itaas a ¼ lamang kumpara sa kagandahan ng parkeng ito.  Dahil kung gusto mo ng agarang nature trip na hindi malayo sa metro, okay na magpunta ng Wildlife. Ma-e-exercise ka na rin kung iikot ka sa buong lugar lalo na’t napakalawak nito.  Sarap na sarap ako doon sa pag-upo sa isang place na ‘di kalayuan sa mga hawla ng ibon. Ganda ng view, ang sarap ng simoy ng hangin, at tama lang ang dampi ng init sa aking katawan.

Siguro gaya ng mga ligaw na animals na dito muna panandaliang nilalagak ay sakto rin ito sa mga naghahanap ng mapagpapahingaan muna o ibang view sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sana lang ay marami pang maligtas at makuhang animals ang pamunuan ng Wildlife.

Patalastas

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “Refuge in Ninoy Aquino Parks and Wildlife

  • Pong

    natutuwa ako sa mga posts mo
    promise!
    info, awareness and eye-opener kasi
    from museums to parks and wild life.
    talaga bang andun yung 500 peso bill sa wall? xD

    ang napuntahan ko pa lang mga parks ang conservation center ay yung sa Mt. Makiling nung nagtuturo pa ako bilang bahagi ng Outbound Education ng mga kids namin, sa Manila Zoo, yung sa Avilon yata (di ko alam ang name) sorry naman,

    mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      promise talaga?! hehehe maraming salamat kuya pong!

      hahaha, yung P500 naisip ko lang kasi nagkakataon naman yung napupuntahan namin ay mga rebulto ng mga taong nasa pera.

      Nakarating na rin ako sa Mt. Makiling estudyante pa ako nun. hay hindi kinaya ng sapatos ko ang putik at saka pagod na pagod ako. pero okay yung experience, nature trip na nature trip.

      puntahan mo yung avilon zoo sa montalban rizal. maganda dun medyo may kataasan ang bayad pero ok na.

      mabuhay!

  • eloiski

    ATE HOSHIIII! Tuwang-tuwa ako sa poste mong ‘to. kasi kasi ito ‘yong pinakaunang zoo na napuntahan ko sa tanang buhay ko (siguro mg payb yers old ata ako nun eh). lumuwas pa kami ng Maynila para lang sa zoo na to. di joke lang! pumunta kami dati ng maynila kasi ipapagamot ako. di daw kasi kaya ng mga doktor dito sa amin. hahaha! pero napaaga kami ng punta at wala pa yung doktor kaya nagwildlife kami. takte! pinasaya lang pala nila ako. dahil pagdating ko ng hospital, WAAAAH! xray dito xray doon. tusok dito tusok doon. at napahaba na ang komento ko!

    so nag-improve na si wildlife. pupunta ulit ako dyan. pero this time sana wala ng hospital na kasunod. hahaha!

    • Hitokirihoshi Post author

      naku don’t expect too much pero kung gusto mong pumunta go. hindi ko alam kung ito pa rin yung lugar na naalala mo. sabi kasi ni syngkit eh nagbago na raw kumpara nung huli siyang pumunta.

      gaya ng nasabi ko sa text may ilang parts sa park na ito ang nakakadismaya.

  • Alps

    Ito ba ‘yung along Quezon Avenue papuntang Quezon Memorial Circle? Lagi ko itong kung papunta akong UP! Hindi ko inexpect na ganyan ang loob, maganda pala. I mean, relatively, mas okay yung actual sa iniisip ko. Haha. Dapat mag-invest ang Pilipinas sa mga Parks and Zoos, no?

      • Hitokirihoshi Post author

        i think siguro okay yung investment na pagdating sa pagpapaganda at pagmi-maintain ng mga existing parks and zoos natin. yung iba naman okay pa siguro promotion na lang din ang karagdagan.

        kasi kung ihahambing ang itsura at dami ng makikita, iba pa rin yong sa mga private (like manila ocean park at avilon zoo). ang maganda lang sa mga parks na napupuntahan namin kung hindi libre ay napakamura ng entrance fee. sana manatiling ganito sa mahabang panahon. kahit may mas magaganda pa, iba pa rin yung ambiance dun sa dati ng park namay mga memorabilia.

  • gnehpalle02

    naku, atleast may mga ganyang ibon.
    I remember nung first time kong pumunta sa manila zoo (last year) nasuper excite akong makita ung mga animals. buti naman bukod sa ibon at maraming unggoy ay may nakita akong hippo at tiger kaya ayos di ako masyadong dissapointed…

    • Hitokirihoshi Post author

      hmmm medyo naano lang ako, alam ko naman na hindi siya kasing glamorosa ng avilon zoo pero hindi ko ini-expect na ganun kaunti. pero okay lang din siguro talagang lagakan lang sya ng mga wild and naliligaw na animals.

      • gnehpalle02

        wala kasing nagmamaintain ng mga zoo natin kaya madalas yung ibang mga spot, abandoned na, ang dumi pa at ang bantot ng mga animals. hai… ayos lang kung lagakan lang para naman wala ng mapabilang sa mga endangered species…

        • Hitokirihoshi Post author

          yan ang naisip konung nakita ko nung naglalakad ako dun pala sa hawla o bahay na wala pa lang nakatirang hayop.

          sa pagkakaalam ko, yung mga ahas na nakukuhang mga tao sa kung saan ay madalas na sa kanila dinadala.