Dalawang beses ko na noon nagplanong maglayas; maranasan ang magmukmok sa kisame o sa toktok ng mataas naming cabinet; humikbi sa ilalim ng aking may sunog na kumot, ang magising na nililipad na ng hangin ang dingding ng aming kuwarto, ang ma-witness na katayin ang paborito kong aso; ang madenggoy ng pekeng pera, ang makatanggap ng bagsak na grade (pusa ‘yang math na ‘yan, nakaka-meow) noong college; ang pahiyain sa harapan ng klase; ang ma-sad dahil hindi ko na mapapanood ang paborito kong anime dahil naputulan na kami ng cable; ang malaman na ‘yong kababata ko at ‘yong prospect ko ay…mga kaklase ko rin (hehehe); at anu-ano pang kasawian.
Marami beses na akong nagtanong- “what about me?” “Tell Me why-why,” “Who’s Bad?” Magkagayon man, sa bawat sapak ko sa unan at paggawa ng mapa doon, nare-realize ko ring ‘di puwede na laging malungkot. “Walang ibang daan para mahango ako sa kasawian kundi lumabang maging masaya.”
Ano ginagawa ko?
1. Sound trip – sa aking post na When There’s Sonata ni-share ko ang aking mga paboritong kanta na “yung tipong pakikinggan ko kapag nalulungkot ako, pinanghihinaan ng loob, at kung gusto kong mangarap o magtagumpay.”
Napakadaling makinig para mag-senti para mailabas ang iyong uhog este mga pinipigilang luha. Ang mag-rock and roll para mawala ang iyong kabatuhan at magsayaw-sayaw para muling mag-circulate ang iyong laman-loob at kadugaan.
2. Watch Films – Que DVD o VCD (o sige Blu-Ray na raw), ang pelikula ay ihahatid ka sa ibang dimension. Better of course na manood ng feel good movie kapag sad ka. Alangan naman sad ka na about tragedy pa panonoorin mo. Huwag mo ng tortahin ang utak at mata mo. ang importante yong masisiyahan ka at makakakuha ka ng inspiration.
Hmmm ayoko masyadong i-reveal ang favorite movies ko, apart sa “Lion King” pero kadalasan doon ako sa mga dance flicks. Nai-inspire ka na, napapaindak ka pa.
3. Play computer games o sa arcade – hindi n’yo na kailangan ang mag-iyakan kundi pumalo na lang ng mga lumalabas na mga palaka o buwaya, pagsikapan na makasipit ng mga stuff toys, ang mag-shoot ng mag-shoot ng balls, pulbusin ang mga characters ng Capcom at Marvel o pumalo ng pagkalakas-lakas sa machine para makakuha ng tickets. Medyo magastos ng lang ito ‘pag nawili ka pero iba pag ‘yung galit mo, eh talagang pinaghahampasan mo pa talaga. Favorite ko ang baril-baril lalo na ‘yong point blank video games. Tigok sa akin yang mga pasulpot-sulpot na goons damay nga lang yung mga pahara-harang biktima. Eh mga loko e, alam ng may nagbabarilan ‘di na lang dumapa. Idamay ko na nga. Hehehe
4. Read magazines and blogs – Puwede ring books depende sa trip mo. pero ako kapag sad talaga mas gusto ko ang magazines. Binibigyan nila ako ng idea sa paraang makulay at spicy ang dating na mai-inspire ako in the end.
5. Write-write – kahit sa blog, diary o letter yan ang mahalaga ay ma-express mo ang sarili mo. puwede ring mag-paint ka.
6. Travel – pasyal ka doon sa pasyalan kasama ng iyong kamera o friends. Huwag ka na doon sa lugar na ikaw lang, lalo ka lang malulungkot.
7. Sing-along /videoke – sige ilabas mo yang lungkot o galit mo to the highest note.
8. find something you like to do – kung gusto mo maggitara, go! gusto mo ng photography,take it! gusto mo mag-dance, shake it! huwag ka lang magda-drugs. Hindi mo naman talaga gusto yan at hindi kailangan sa buhay.
9. Read Our Daily Journey/ Our Daily Bread and Bible – Of course kahit Bible pa lang solve na. Pero kung gusto mo ng additional tool to power up your spirit and mind, better na magbasa ka rin ng ODJ o ODB. Hindi ako relihiyosang tao at aaminin ko na nahihirapan akong magbasa ng mga ito araw-araw. Pero once na magbasa na ako ng sunod-sunod, hindi puwedeng hindi ako mapapaisip o matamaan. Iba yung wisdom niya sa Knowledge na nakukuha ko sa ibang babasahin.
10. Visit any church – Hindi rin ako palasimba tuwing Linggo pero gusto ko sana ang magsimba ng ganun. Pero kung may chance at punong –puno na ang dibdib ko. Nagpupunta ako sa malayo sa amin. Para kahit gumawa ako ng eksena, deadma lang. joke. Kahit feeling mo wala kang pag-asa, pero pag dumaan ka ng simbahan medyo napapanatag ang loob mo. Nagkakaroon ka ng thought na “malay mo?!” “manawari” o “sana nga”
Pingback: Groove Tourism: Dance Xchange, Sayaw Palawan! - aspectos de hitokiriHOSHI
hi! hiroshi, matindi pala ang karanasan mo sa buhay. Bakit hindi mo ipasadula ang buhay mo sa malala na kaya este maalala mo kaya, kay ate charo. he..he. pero i like yong sinabi mo na mas mag punta na lang sa churh. God bless.
salamat at may nagustuhan kang part sa post na ito, hehehehe!
naku sige pag-iisipan ko po yan ng binggang-bongga. tingnan ko lang kung paano ako papayuhan ni ate charo sa matindi niyang tagalog. hehehe
mabuhay po!
para sakin ayos lang maglayas
hwag lang uli babalik, ha
nakakahiya, eh
hehe
nyek kaya ka nga naglayas e, para magbalik. alangan naman magbalik para maglayas.
nyahahaha
Wow, ganun ba yun.. Galing ng idea ah!
salama tim!
Idadagdag ko lang: no.11 – Itulog mo na lang lahat. (Pero yung magigising ka pa ha.)
Lalo na kung may gagawin ka pa, tingnan lang natin kung may panahon ka pang malungkot dahil hindi ka na magkakanda-ugaga sa pagaasikaso nun. LOL.
tumoak ka dyan. minsan ang pagiging busy ay kasiyahan na sa akin nakakapagod lang. pag nag-isa ka matutuwa ka pa. hahaha
hi, hoshi! like ko ‘to!
have a blessed and meaningful lenten season. pakabait ka, hehe. 🙂
salamat doon po sa amin!
sige pipilitin kong pakabait kahit ngayon lang. hehehe
mabuhay! and have a blessed lenten season din!
Ang sa akin naman.. retail therapy. =)
wow naman salbehe, may retail therapy. massage ba yun?
mabuhay!
saktong-sakto ito para sa scheduled post ko bukas. i’m feeling down, so down talaga but trying to be ok.
Siguro kailangan ko ng masinsinang usap kay Bro nito.
Like ko yung sound trip, o kaya naman go to church.
Bakit yung mga sulatin ko nung high school parang wala akong natatandaan na binalik sila sa amin ng teacher ko? ang alam ko lang binabalik sila kapag Muling Sulat na part na. xD
sa amin binabalik naman at may I yabang pa ako pag mataas ang grades ko. pero pag hindo ako ang nawawalang parang bula. hehehe
sakto ba? kaya mo yan kuya pong. ako rin naman medyo down din ngayon kaya siguro pinapasaya ko na rin ang sarili ko sa post na ito.
pindutin mo yung word na sound trip… at i-play mo music video doon. baka sakaling sumaya ka. hehehe
mabuhay and May God bless you!