Basurero? Iyong madumi, mabaho, at tagapulot ng kalat. Ito ang ilan sa adjective na binanggit ni Kuya Boy na naririnig niya mula sa ibang tao. Si Kuya Boy ay ang binebentahan namin ng papel, bote, karton, containers, bakal, at iba pa na pang-junkshop. Kung alam lang ng iba, ang laki ginagampanang tungkulin ng mga basurero o nangangalakal na gaya n’ya. Ganun din ng potensyal na kita sa kanilang hanapbuhay. Gusto mo alamin? Good!

Basurero, the environmental warrior
May nabasa akong artikulo na nagpaalala sa akin na environmental warriors ang mga basurero. Sila ang literal na gumagawa ng dirty works hindi lamang bilang kabuhayan, kundi para rin sa ating kalikasan.
Ano ang halaga ng mga basurero sa ating kapaligiran at modernong pamumuhay?
1. Our comrade against thrashers. Kung wala sila ay mas marami ang nagkalat at nakatambak na basura. Marami pa naman ang burara kahit man lang sa pagtapon sa tamang basurahan. Marami rin ang walang paki sa ibinabasura nila. May iba pa nga na puwede pang ibenta sa junkshop kaysa itambak sa dump sites.
Nakarating ka na ba sa Smokey Mountain at Payatas dumpsite? Alam mo makailang beses na rin na nabalita na may natabunan ng gabundok ng basura roon. Gayon din, kapag gabundok na ang basura ay toxic chemical o subtance na ang lumalabas rito. Tandaan ang basura ay nagiging polusyon lalo kung di tama ang pagma-manage.

2. Interfere with industrial solid waste production. Kung walang mga basurero at nangangalakak, patuloy-tuloy lang ang pagputol ng mga puno (papel), paggawa ng mas marami mga bottles, at tambak na ang nakakatetanong kinalawang na bakal (appliances).
- Comrade of eco-friendly enterprises. May mga proyekto at negosyante na gumagamit ng recycled materials. Pero kung hindi dahil sa mga basurero ay walang makakarating na materyal sa kanila. Ano pa kaya sa negosyong junk shop, ang mga basurero o garbage collector ang buhay nila. Kung walang nangongolekta ng basura ay paano ang inventory at negosyo nila. Sa kanila kumukuha ang may-ari ng bote ng alak, suka, at toyo. Sa kanila rin bumibili ng karton na lalagyan ng itlog, grocery stores at iba pa.
3. Partner in cleaner modern living. Kung walang humahakot ng basura (kasama na ang mga garbage trucks), paano na ang kalinisan sa modernong panahon? Mabuti kung may lupa na pwedeng hukayin para pagtambakan ng basura. So paano pa kaya yung mga nasa condo, apartment houses, tenement at iba pa?
Ang mga lugar din na maraming basura ay favorite go-to place ng barkadahang langaw, uod, ipis, at daga. Wala pa d’yan na kahit iilang bote at plastic pa lang, babara pa rin ang mga ito sa mga tubo at estero.
4. Sickness, Disaster Prevention Squad. Ang pagbabara sa mga estero dahil sa tambak na basura ay puno’t dulo ng pagbabaha. Ganoon din ng kontaminadong tubig at pagkakasakit tuwing tag-ulan. Ilan sa sakit na dulot ng baha ay leptospirosis, dengue, at iba pa. Wala pa d’yan ang mga sakit na konektado sa basura at maruming kapaligiran gaya ng;
- typhoid fever,
- gastroenteritis,
- cholera
- hika (asthma),
- sakit sa balat- galis,
alipunga, pigsa at mga sugat - pagkalason dahil sa mga kemikal
- kanser
Kaya imbes na maliitin ay dapat kilalalin natin ang ambag ng mga basurero at nangangalakal. Hindi lang sila tagasalo ng ating kalat, sila ang katuwang natin para sa maayos na waste management system. Kasangga natin sila sa pagiging environment warriors. Sila ang literal na pumupulot at namimili ng basura para mailagay sa tama o ma-recycle/upcycle.
Social Entrepreneurship and Junk Materials
Sa post ko na “Garbage Sale: How much is your junk” ay nabanggit ko ang mga iba’t ibang bagay na itinatapon na ng nakakarami, pero puwede pa palang magamit at maipagpalit.

Bakit magandang mag-garbage segregation?
- perang ekstra, pandagdag sa budget
- magkaroon ng espasyo sa masikip na tahanan
- kalinisan sa marungis na bahay
- makakatulong sa hanap-buhay ng iba.
For Real, may pera sa basura
1. The millionaire basurero. Sa pagpapatuloy ng pag-uusap namin ni Kuya Boy ay natalakay namin ang pagyaman dahil sa basura. Paano naming nasabi? Napag-usapan lang namin ang milyonaryo naming kapit-bahay na nag-start sa pagdya-junk shop. Yumaman iyon dahil sa paghahakot ng basura simula sa mga maliliit na resto hanggang sa malalaking malls.
Kung iisipin din ay maraming produkto at serbisyo napagsasawaan at napag-iiwanan. PERO ang basura ay hindi nauubos.
2. The smooth pre-loved items trader. Bata pa lang ako ay namulat na ako ng mga lolo’t lola at nanay ko na okay ang pangangalakal. Ang pangangalakal na tinutukoy ko ay pagbebenta ng mga di na ginagamit ng bote, papel, container at iba pa. Ito na ang first taste ko ng trading actually. I experienced selling items bago pa nagsidatingan ang mga classified ads sites. Oo even before ako makapagbenta ng libro sa Recto.
3. Social business out of scrap materials. Ang social business o social entrepreneurship ay klase ng negosyo na may tulong din sa komunidad. Nasusuportahan nila ang ibang negosyo, nakakapagpatayo ng tahanan, o nakakapagpaaral ng mga kabataan. Kung baga, kumikita na ay nakakatulong pa dahil sa negosyo.
Sa pangangalakal ng mga junk materuals o pag-recycle ng mga lumang gamit ay social entrepreneurshio para sa akin. By reducing waste, you automatically help your community and the world. Maliban sa junk at art shops ay marami pang negosyong puwedeng maitayo mula sa pagbabasura.

By the way, please comment below ang mga junk shop sa inyong lugar na puwedeng pagdalhan ng basura. In that way, matutulungan natin sila at mga nagbabalak na magbenta ng bote, dyaryo, karton at iba pa.
Maraming salamat!
Hi Hitorikihoshi- San,
I was hoping to get in contact with you regarding your article. Hope you can send me an email or share your contact details.