Top Picks: Movies ni Eddie Garcia, Interview Kay Manoy


Nagpaalam na nga si Eddie Garcia, ang 90-old award-winning actor na kilala rin sa tawag na Manoy.  Pero hindi lamang sa pagiging versatile artist s’ya sikat. Pamoso rin ito sa kanyang professionalism at pakikisama sa kanyang katrabaho. Bilang pagkilala sa alala at markang iniwan ni Manoy, narito ang listahan ng aking Top picks movies ni Eddie Garcia na pinaka hindi ko makakalimutan: 

movies ni Eddie Garcia

Tinimbang ka ngunit kulang

One of my faves, Tinimbang Ka Ngunit Kulang is a classic Filipino film with powerhouse cast. Powerhouse dahil narito ang magagaling na aktor nang henerasyon nila. Kabilang na sina actress-director Laurice Guillen (Milagros), award-winning actress Hilda Koronel (Evangeline), at actor-director-write Orlando Nandres (Mr. Del Mundo) Sa movie na ito ay gumaganap na ama ni Christopher de Leon ( Junior) Si Tito Eddie bilang si Cesar Blanco. Isa s’yang istriktong ama, abogado  at kiniklalang persona sa kanilang lipunan. Pero sa kabila pala ng kanyang kapita-pitaganang imahe ay nakatago ang lihim na s’ya ang sanhi kung bakit nabaliw ang kinukutya at pinagkakatuwaang si Kuala (played by premier actress Lolita Rodriguez). Nagkaroon pala sila ng affair ni Kuala na nung magbuntis ay ipinaglaglag nila. Hayun na nabaliw after Si Kuala. Naging kaibigan ni Junior si Kuala ( not knowing the secret) at ng Ketongin na si Berto ( played by another award winning actor-director Mario O’Hara).

Ganito kami noon, paano kayo ngayon?

 Okay this is more of Christopher De Leon Film again, pero hindi mo talaga puwedeng hindi mapansin ang karakter at acting dito Tito Eddie. Siya si Tibor na isang abogado na nagturo ng bagay-bagay kay Kulas ( de Leon).

Kasama sa cast nito ang 1st Miss Universe Filipina na si Gloria Diaz. In fairness, magaling din s’ya umarte dito pa lang.

Public Enemy No. 2: Maraming No. 2

Patalastas

Ito pa lang ata ang comedy  film ni Eddie Garcia na napanood ko o tanging naalala ko. Dito ay gumaganap siyang asawa ni Nida Blanca na kung saan marami s’yang anak. Kabarkada n’ya rito sina Paquito Diaz at Dencio Padilla na kasama n’ya sa pambabae. I am not sure, pero mukhang dito na s’ya nakilalang bilang Manoy. Well, ‘yon ang name ng character n’ya rito. Tapos May na-search ako na isa movie n’ya after nito na Manoy na mismo ang title. Matatawa ka sa kabalastugan nila, lalo na yung pagtakas o pagpapalusot nila kapag nahuhuli sa pambababae.

Kapag Puno na ang Salop

Noong napanood ko ito, parang naiba ang pagtingin ko sa hustisya at mga hukom dito sa Pilipinas. (ikaw ba naman makapanood ng old films na ganito, anime genre ko bata pa lang hehehe). Pero galing kasi ni acting ni Tito Eddie at ang  build up ng character n’yang si Judge Valderama. Dahil nga sa sama ng pag-uugali n’ya ay iconic ang pagkakalibing sa kanya ng buhay ni Fernando Poe, Jr ( Tenyente Guerero) Nakalagay sa kabaong at ipinasok sa compartment.

Siempre di malilimutan ang quote sa movie ni FPJ para sa kanyang karakter: “Hindi ka na sisikatan ng araw…”

Ang movie na ito ay isa lamang sa maraming movies na pinagsamahan nila. Ilan sa naalala ko pa ay Muslim.357.

The Life Story of Boyong Mañalac

Hindi ko ito personal favorite o napanood ng buo, pero naalala ko na sa tuwing ipinapalabas ito sa TV, lagi ring pinapanood ng mga barako sa aming sangbahayan (yun ba ang Filipino ng compound?). Basta hango ito sa totoong buhay ng title role na dating pasaway at nag-pulis. May sikat siyang linya/quote rito na sinabi n’ya sa isa kanyang kasamang babae:

“Hindi Boyung, Boyong. May lambing sa dulo, Yong…”

Judge Max Asuncion: Hukom Bitay

Marami pang ginampanan na true to life character/ movie si Eddie Garcia. Dagdag na rito ang role niyang si Judge Maximiano Asuncion. Title pa lang ng movie, alam mo na ang ideya, ‘di ba?

Ang ilan pa sa naalala kong movie o character niya base sa totoong tao ay sina Andres Manambit (pulis), Gen. Tomas Karingal, Mayor Cesar Climaco, at NBI Dir. Mariano Mison.

Gumapang Ka Sa Lusak

Isa sa mga huling nagawang film ng isa pinakamahusay na Filipino filmmaker na si Lino Brocka, ang Gumapang Ka sa Lusak ay may pagka-socio politcal (like other notable films ni Dir. Brocka – Tinimbang Ngunit Kulang, Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag, at iba pa). Dito ay ginagampanan ni Tito Eddie si Mayor Guatlo na ang asawa ay ginagampanan ni Charo Santos at may querida na starlet ( Dina Bonnevie), na may dyowang nakakulong (Christopher).

Hintayan ng Langit

Sa Hintayan ng Langit ay gumaganap s’yang si Manolo na napunta sa purgatoryo. Doon n’ya muling makikita ang kanyang eks dyowawer na si Lisang, ginagampanan ni Gina Pareño.  Nakakaloka ang asaran ng dalawa rito pero sa huli ay mapapaisip ka sa dinadalang mensahe ng kanilang mga karakter at buong movie.

Honorable Mentions:

  • Buwakaw
  • Rainbow Sunshine ( last film n’ya)
  • Igorota – a classic film starring Charito Solis
  • Nagalit ang Buwan sa haba ng gabi – starring Dindo Fernando, Gloria Diaz, at Laurice Guillen
  • Kung mahawi man ang ulap – co-star Hilda Koronel, Amy Austria, Christopher de Leon, at Gloria Romero
  • Deathrow

Siguro marami pa akong napanood na movies ni Eddie Garcia. Hindi ko na lang maalala ang eksaktong title at istorya. Pero tumatak sa akin ang pagiging epektibo niyang aktor—bida o kontrabida man— ang kanyang ginampanan. Isa rin s’ya sa paborito namin na kontrabida ni FPJ, parang nakakatakot at makapangyarihan kasi ang kanyang datingan. Ganoon din, kung ama ang kanyang ginagampanan. Nakakatakot suwayin, parang ang istrikto pero kung mahal ka n’ya alam mong hindi ka n’ya pababayaan.

Mga pagkakataon with Eddie Garcia

In-demand hanggang huli, nagtatrabaho pa si Tito Eddie bago mamatay. Kung nakaraang taon ay dalawang movie n’ya ang ipinalabas pa ang Rainbow’s Sunset at ang Hintayan ng Langit. Sa huli ko siya na-interview, narito oh:

Ito ang second time na ma-meet ko s’ya in person. Ang una ay sa URIAN award’s night sa Ateneo. Doon ay okay na sa kanya magpa-picture pero sa dami ay hindi na n’ya alam kung saan titingin. Dito sa pangalawa, hindi lang pa-picture ang nagawa ko YES!

Kapag nakausap mo sya para syang karakter lang din sa ilang movie n’ya. Para sa akin Mas dikit sa Praybeyt Benjamin character n’ya na istrikto ang dating pero makakausap at nakakabiruan mo. Taong mahihingan mo ng payo at lalapitan mo for moral support.

Salamat Tito Eddie Garcia, maraming salamat sa iniwan mong obra sa Philippine movie and television industry. Isa ka sa peg na mahirap masundan, pero mainam na ehemplo ng mga batang aktor sa ‘Pinas. Mabuti rin at naabutan kita at nakadaupang-palad palad pa. Two Eddie Garcia’s trademark traits? Versatility and professionalism.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.