The No-budget Budget: Paano makaipon ng pera mula sa suweldo?


May nagtanong sa akin “Paano ba mag-budget ng suweldo para hindi kapusin ang pera?” Technically hindi ko nasagot nang tama, kasi kung usapang budget plan ay hindi ko ginagawa ‘yon palagi. Ang alam ko ay 3 simpleng importante bagay kung paano makaipon ng pera mula sa sahod hindi masyadong nagba-budget:

Step 1. Gumastos in moderation

Ang budget is like diet. At ang diet sa pagkain ay hindi nangangahulugan ng paggutom sa sarili. Ang sinasabi lang ay moderation sa  pagkain lalo na sa nakakasama sa kalusugan. Kung itse-check mo nga ang food pyramid o diet pyramid ay hindi naman totally ipinagbawal ang pagkain ng karne o mantika. Ang kailangan lamang ay untian kumpara sa dapat palagi mong kinukunsumo.

Ganoon din sa pagba-budget, kahit ikot-ikutin mo lahat ng tips na mahahanap mo ay lalabas ang pagtitipid lamang o ang paggastos in moderation. Hindi ito pag-deprive sa kung ano gusto mo talagang bilhin, bagkus ito ay paggasta ng wais. Ang pagpili sa kung saan ka makakasulit o makakamura. Sunod na rito ay pagkonsidera sa kung ano ang pinaiikot na pera at tamang paglaanan nito.

Kung conditioned, habit o lifestyle mo na talaga ang magtipid ay medyo malabo na mawalan ka rin ng pera. UNLESS, may something…

Paano mag-Budget ng sahod mamimili sa mura gaya sa Divisoria
Paano mag-Budget? Mamimili sa mura gaya sa Divisoria

My Budget lesson: By default ang buyer’s guide/ factor ko ay sa kung saan ako makakatipid o makakasulit. Hindi ako partikular sa brand name, kundi sa quality at rarity (pagkabihira) ng bagay. Kung matagal ko na bang magagamit ay bakit hindi.

Step 2. Maintain ang lifestyle, magdagdag ng kita.

May pagkakataon na kahit anong pagtitipid ay hindi kakayanin. Iyan ay kung mababa talaga ang kita para sa pang-araw-araw na gastos. Halimbawa sumasahod ka ng Php 15,000 buwanan at ang monthly expenses mo ay talaga ay Php 20,000-Php 25,000. Parang wala ngang kuwenta mag-budget kung kulang o wala ka naman talagang titipirin pa. Anong gagawin mo? At paano naman kung sapat lang ang kinikita mong pera? Sa akin dalawa ang gagawin ko:

  • Maghanap ng trabahong may mas mataas na sahod
  • Maghahanap ako ng paraan para madagdagan kita

(Pareho kong nasubukan ang dalawang choices na ito, lalo na iyong pangalawa.)

Ang dapat tandaan ay kapag nadagdagdagan na ang iyong kinikita ay dapat hindi magbago ang iyong living expenses. Kung magbabago man ay hindi mabilis or at least mas mababa pa rin ang living expense kaysa iyong sinasahod o kinikita. Advisable para sa akin ito para rin magkapera ka hindi lamang pantustos sa gastusin, kundi para talagang makapag-ipon ka. Tipong kakayanin mo na ang makapag-emergency fund, investment, retirement fund, at mag-avail ng insurance.

mag-ipon mula sa sahod?

My Budget lesson: Isa sa karanasan ko ay magka-fulltime job na ang sahod ay halos eksakto lang sa panggastos. I realize na since na may free time naman ako after work o weekend ay naghanap ako ng freelance work. Iyong hindi naman makakaapekto o conflict sa day job ko.

Advertisements

After few months, na hindi ko nagagastos yung kita ko sa freelance work ko, ay nakaipon ako ng Php25-30k. Ipinautang ko iyon sa kuya ko para sa sari-sari store business n’ya. After a year nabayaran n’ya ako at ibinili ko iyon ng laptop para magamit ko sa work at freelance gig ko.  Noong nakabawi-bawi na ako ay saka ako naglakas-loob na mag-invest sa stock market, mag-business na sarili, at tuparin ang isa sa pangarap ko.

Bakit nga ulit kailangan panatilihin ang lifestyle o living expense kahit sumasahod na ng malaki? Sa mga nakausap kong OFWs at kahit corporate employees ay dito sila nadadale pagdating sa money management. Kapag itinaas o isinabay mo kasi ang living expense mo sa iyong kinikita ay lalabas din na wala kang matatabi. Ang tawag din dito ay Lifestyle Inflation na baka nga mas okay pa ang mababa ang sahod mo, basta matipid ka. I can attest to that kasi may mga kakilala ako na ang taas ng suweldo pero kinakapos palagi ng pera. At hindi nila napapansin na dahil iyon sa everyday- payday-money-diet nila.

Step 3 Magtabi ng pera palagi

Isa mga money saving tricks na na-develop ko ay basta magtabi ng pera. Ulit! Basta mag-TABI ng pera. Hindi pa iyan ipon ha. Katunayan, ito rin ang nirerekomenda ko sa nagtanong at magtatanong sa akin kung paano mag-budget ng sahod na hindi na nag-iisip pa paano mag-budget plan. Una nakakabagot at ang hassle naman talaga na iisa-isahin mo pang i-compute ang bagay-bagay. Although siempre advisable naman ‘yon. Pangalawa, hindi naman sinasabi sa pagtatabi ng pera ay pinipilit mo ang sarili mo na mag-ipon. Ang thought pa naman ng marami sa pag-iipon,  pagtitipid, at pagkukuripot ay kung hindi  negative ay  tedious.

Pero subukan mong itabi ang mga ekstrang pera na mula sa sukli, bonus, o incentive. Balewala yan ‘pag paisa-isa at umpisa, pero ‘pag naipon ay malaki na pala. Narito ang budget lesson/ money trick ko para makapag-ipon ng pera mula sa sweldo/ kita

Ang kwento nina Wally, si Piggy, at Banker

Ang kay Mr. Wally at ang kay Mr. Piggy. For a whole week halimbawa ay may budget ako na Php 500, kasama na roon ang transportation (trike, bus, at jeep) at food (merienda or lunch) allowances. Kapag hindi ako magta-tricycle (Php 9 or Php 18), ang perang nakalaan doon ay ekstrang pera ko na.  Ganoon din kung hindi ko nagastos ang pang-merienda. Pero sa halip na hahayaan ko ang ekstrang pera ko kay Mr. Wally (wallet) ay ihihiwalay ko na iyon at ipapatago ko na kay Mr. Piggy (alkansya o anumang lalagyan ng pera.

Wally Wallets

Hanggang maaari kung ano ang kay Wally ay panggastos lang. Kaya hanggang maaari ay hindi n’ya hawak ang ekstrang pera na dapat itinatabi ko o hindi naman panggastos. Isa pa’y ang hirap ikondisyon ang sarili na ‘wag galawin ang perang nasa wallet mo, ‘di ba?  Makakaiwas ka pa ba kung may makikita kang masarap na pagkain o napakagandang damit kung may pera sa Wally mo?

By the way, ngayon ay itinatabi ko na agad ang mga nakakalitong barya gaya ng Php5 at Php10 kay Piggy.

Ang kay Wally, Piggy at Banker.  Bibihira na may laman na malalaking pera (Php 1000 o Php 500) si Wally. Medyo hindi n’ya rin trip dahil sing laki lang s’ya ng typical coin purse. Kaya tutupiin at ipagsisiksikan ko pa ang mga money bills sa kanya.  Ang ginagawa ko sa perang malalaki ay ideally ibinabangko na o ipinapaubaya ko na kay Mr. Banker agad. Bakit?

  • Delikado kung na kay Wally o dala-dala ko parati. Marami na rin akong nakilala na nalaglagan ng Php1000 sa pagbunot ng pera.
  • Delikado kung alam mong ‘di safe sa bahay. Dagdag pa d’yan, kapag alam mong ang dali sa iyo gumastos kapag may nakikita kang pera.

  Ilan pang simple money tricks or budget style ay para hindi maubos ang sahod (kung ATM/ Bank)

  • Huwag kunin lahat sa ATM. Withdraw ka lang kung ano muna ang pagkakagastusan mo. ( ginagawa ko ang mag-withdraw lang Php 200 to 500 lang hehehe)
  • mag-auto transfer ka mula sa payroll account mo patungo sa iyong savings account

bakit magbabangko?

Sana nakatulong sa iyo ang mga tips ko. Ikaw ba mayroon masi-share?  Comment down below na!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “The No-budget Budget: Paano makaipon ng pera mula sa suweldo?