Iwwwwness! Lalo na kung bumabandera sa iyong harapan at hindi pa nililinisan. Pero kung iisipin,
garbage sale
Isang araw na inaasikaso namin ang paglalabas ng mga naipon naming lumang karton, plastic bottles ng soft drinks o mineral water at kung anu-ano pa ay kinapanayam este tinanong ko ang suki naming magbobote na itatago ko na lang sa pangalang Mang Danny.
Ayon kay Mang Danny, walang silbi ang mga imported at may kulay na bote gaya ng mga wine dahil ito nabibili. What’s worth to keep and sell ay iyong kasangga ng mga manginginom, gaya ng bote ng gin at brandy na walang kulay. Bibilhin nya ito ng Piso isa at ibebenta naman daw niya ng 1.50 sa junk shop.
Sabi rin niya kahit basag na o bubog na lamang ay tutunawin ang mga ito para gawing bagong bote. Kaya naman hindi ito masasayang kung mapupunta sa tamang kamay. Ang mga pinaglumaang bote na babalik sa mga kompanya ng alak ay dadaan sa masinsinang paglilinis at dadaan sa quality inspection.
manang juling shows an empty bottle of lotion
Isipin n’yo na lang na kahit sa huling sandali na wala ng pakinabang ang mga appliances na ito ay may makukuha pa rin kayong silbi. Kaysa sa hayaan na lamang mga ito na anayin, lumutin o bumaon na lang sa lupa, hanggang sa maging basurang sisira sa kalikasan at magbibigay ng sakit.
Tinanong ko ngayon si Mang Danny, kung naitatawid niya ang pang-araw –araw nila sa pamamagitan ng kanyang hanap-buhay. Sabi niya ay okay naman, nairaraos kahit papaano. Hanggang sa nagpalitan na lang kami ng kuro na ang basura ng iba ay kabuhayan para sa kanila.
Mabuhay sa mga Magbobote!
Related article:
Hello po..bumibili oa dinnoo ba kayo ng mga sirang gamit?
nyek nako wala pa akong junk shop. pero i suggest check nyo po sa OLx… last time i check mayroon po roon.
Salamat po! Marami akong natutunan. 🙂
Pingback: 5 repurposing ideas | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: tips and tricks to have paperless room - aspectos de hitokiriHOSHI
oo naman ganun talaga yun len. kinuha ko lang ang side o angle na puwede itong pagkakitaan.
Naks, mag-interview pa talaga! hehehehe
Hindi lang naman din dahil sa pera, mainam na gawin ang segration ng mga basura para sa ating mother Earth. Ipagbili ang mga pwedeng ipagbili at itapon maayos iyong hindi.
okay lang makulit din naman talaga ang mga hoshilandia kaya welcome ka-kulitan!
naku hindi ko ata ma-take na ang kakainin ko ay mula sa basura at basura pa ng iba, ha? da[at maimbento na lang ang pampakalimot wahehehe.
pero di ba may mga pagkain naman tayong kinakain out of tira. like yung alam mo ba yung tinik ng tuna na mabenta sa farmer’s plaza at siempre ang famous chicken feet.
pero sana nga ay maimbento na magamit pa ang mga basura, sa magandang paraan, apart sa iyong iba ay ginagawa na talagang business na.
narating ko rin tong hoshilandia…environment friendly pala nakatira dito.
sa papatinding global warming,dapat talaga mag recycle.kung meron lang makaka imbento na gawing pagkain ang basura as in literal na masustansyang pagkain…ewan ko lang kung may basura pa.
hehehe…sorry ang kulit ng komento ko!
ay tumpak ka dyan girl. marami na ngayong negosyo na bumibili ng tambak ng iba. like yung mga tetra pack at retaso. business talaga sa basura at gustong-gusto ko ang mga ideyang ganun. hindi nga ba ‘t hindi pa rin nawawala yung mga kagamia na gawa sa pinagtupi-tuping lumang papel ( or directory).
hmmm oo nga minsan nakakaaliw yung mga business, nadadaan sa packaging and presentation.
oo may pera sa basura at kay Rafter. hehehe
may pera talaga sa basura!
ui may alam ako na nagnenegosyo sa multiply… mga junks ang tinda nila. mga estudyante mula sa UP. basta kwekwek ang pangalan eh. ang cool cool. marami naman bumibili… ayun lang naman!
gaganda naman ang mga basura gamitan lang ng creativity! baka yumaman pa nga eh!