Intense ang theme ng work of art na nagsasalarawan ng isang ina– ito man ay tungkol sa mother of faith, mother country, mother earth or anumang klaseng ina na maituturing. Hindi ko nga matukoy kung sa pagkakagawa ba ng obra maestra ang factor para sa malakas na impact nito sa mga tagamasid. Sa isang punto rin naman ay isang sensitive or emotionally appealing na kaagad ang sculpture at iba pang visual arts na tungkol sa pagiging parent ng isang babae.
Sa akin, nagiging mas nakaka-touch ang isang art kapag ito ay naiiba at malinaw na naipaparating ang mensahe sa akin. Iyong tipong hindi na kailangan ng explanation at puwede akong maglagay ng sarili kong interpretation. Unique kungg hayop o bagay ang gagamitin na subject para rito. Ewan kung mayroon nang gumamit ng puno at prutas; photocopy machine at mga bond papers; shelf at mga libro; dumpsite at mga basura; o balon at mga sinasalok na tubig dito (whew spooky!).
Pieta
Honestly, kay Carlo J. Caparas ko unang natutuhan ang term na ito. Mas una ko kasing nalaman ‘yong pelikula o komiks niyang Pieta. Although hindi ko pa napapanood alin man sa adaptations nito na movie noong 1983 (starring Charito Solis at Ace Vergel) o TV series ( na pinagbibidahan nina Cherry Gil at Ryan Agoncillo).
Pero ang Pieta ay marble sculpture ni Michaelangelo Buonarroti na ngayon ay nasa St. Peter’s Basilica, Vatican City. Itong kuha ko sa Manila Cathedral o Minor Basilica of the Immaculate Conception Manila Metropolitan Cathedral ay ilan lamang sa authorized replica ng Pieta.
Mother’s Revenge
Ito ay Clay (terra cotta) sculpture ni Dr. Jose P. Rrizal sa panahon nasa Dapitan, Zamboanga siya dahil sa pagkaka- exile niya rito bandang 1894. Ang obrang ito na kasama sa collection ng Philippine National Museum ay nagpapakita ng isang inang aso na nakatuntong sa likod ng buwaya (crocodile) dahil inaatake o nilalagpang nito ang mga tuta niya.
Ang daling makuha ang mensahe nito kahit mga hayop ang ginamit. Siempre ang clue d’yan ay ‘yong buwaya ay representative ng mga mananakop. Ang bigat ng dating nito sa akin dahil biruin mo anong magagawa ng aso sa buwaya na hayon nasa bibig na niya ‘yong isang tuta. Ang saklap kayang mamatayan ng tuta!
Ginayang mother’s revenge- mula sa mga boto ng hayop ( naka-exhibit sa Nat’l Museum)
Mother and Child
Sa solid adobe naman gawa ang lilok na ito ni Napoleon V. Abueva . Happy naman ang dating nito kahit kulay gray (kasi nga gawa sa adobe) dahil ipinapakita nito ang isang inang nakaupo habang hinahawakan ang kanyang anak na nakatungo sa kanyang mukha ang ulo. Hula ko medyo nasubunutan si Mother dahil nakahawak sa bandang tenga n’ya ‘yong baby, tapos haba pa ng hair n’ya. Guess lang!
Memorare-Manila monument
Kung maglalakad kayo mula sa San Agustin Church patungong Manila Cathedral, bandang Plaza de Santa Isabel, mapapansin n’yo ang Shrine of Freedom o tinatawag ding Memorare Manila Monument. Inilagay ito sa lugar na ‘yan noong Pebrero 18, 1995 na may kasamang inscription sa kung ano ang puno’t dulo ng monument na ito, eto oh…
“This memorial is dedicated to all those innocent victims of war, many of whom went nameless and unknown to a common grave, or even never knew a grave at all, their bodies having been consumed by fire or crushed to dust beneath the rubble of ruins.”
“Let this monument be the gravestone for each and every one of the over 100,000 men, women, children and infants killed in Manila during its battle of liberation, February 3 – March 3, 1945. We have not forgotten them, nor shall we ever forget.”
“May they rest in peace as part now of the sacred ground of this city: the Manila of our affections.”
ahaha, like! ikaw na ang maraming art na naa-appreciate, hoshi girl. nakakatuwa ang mga comments sa dulo ng reviews, hehe…
mahilig rin ako sa art appreciation ek-ek pero itong sculpture ang di ko gaanong napapagtuunan ng pansin, haha. di ko lang alam kung nalalakihan ba ako sa kanila or what. pasensya na, di masyadong artist ang lola mo, e. pero may mga art work namang sobrang kabigha-bighani, yong parang gusto mong lapitan? 🙂
naku hindi naman ako hard core sa ganitong art appreciation, iba pa rin for me ang mga performing arts. gaya ng sinabi mo , ito naman yung mga artwork na nabighani ako o kahit papaano ay nakapukaw ng aking atensyon.
thank you at nagustuhan mo aking mga sentimiento. hehehe
mabuhay!