Tuwing Semana Santa, isa sa aking ginagawa ay mag-Visita Iglesia. And this time and in this post, pitong simbahan sa Bulacan ang aking pinuntahan kasama ang kaibigan kong si Syngkit. Maliban sa Barasoain Church, lahat ng aming puntahan ay unang beses kong napuntahan.

Anong mayroon sa Visita Iglesia?
Traditionally, tuwing Maundy Thursday, nagpupunta sa pitong simbahan ang mga Katoliko kapag Visita Iglesia. Pero mayroon din na ginagawa ito kapag Good Friday o sa iba pang araw malapit sa Holy Week. Itong aming Visita Iglesia sa Bulacan ay one week before ng Holy Week kami nagpunta. Usually, may work kasi ako ‘pag holidays.
Ayon sa ulat ni Jervis Manahan ng ABS-CBN, entitled: Where did the tradition of Visita Iglesia come from?, ang ginagawa sa Visita Iglesia ay puntahan at magdasal sa “Altar of Repose.” Actually, ngayon ko lang nalaman iyo. Parang hindi pa ako nakakakita ng ganung altar, especially during Visita Iglesia. Siguro dahil madalas ay advance naming ginagawa. Subalit, kahit sa saktong araw ng Huwebes Santo ay wala rin akong maalalang may altar akong nakita.
Ang nakasanayan at nararanasan ko sa lahat ng Visita Iglesia ay magdarasal sa bawat isa ng 14 Stations of the Cross. May booklet na pang-Stations of the Cross. Kasama namin binabasa doon ang bawat kaganapan kay Hesus at dasal na sasambitin sa bawat istasyon. By the way, ang mga images, sculpture o sign ng Stations of the Cross ay nasa mga pader sa loob ng simbahan. Pero may ilan na nagtatalaga ng area sa labas ng simbahan para roon kapag Holy Week.
Sa aking pagre-research, mukhang sa Pilipinas lang ang pag-i-istasyon tuwing Visita Iglesia kapag Huwebes. Ayon sa Catholic Online, ang pagdarasal sa 14 Stations of the Cross ay tuwing Good Friday, traditionally.
Binalikan ko ang kauna-unahan kong Visita Iglesia noong 2008. Ginawa nga namin ng Good Friday, kasama ng nanay ko. Ang iba lang that time ay siyam na simbahan ang aming binisita. Baka sinipag lang ahahaha.
Historically, ayon kay church historian Aaron Veloso, ang Visita Iglesia ay nagsimula nang magrekomenda ang isang Papa noong 1500s ng pitong simbahan para sa pilgrimage. Sabi daw ng naturang Papa ay magkakaroon “plenary indulgence” kapag ginawa ito. Ibig sabihin noon ay makakatulong para totally paglilinis ng mga kasalanan o “temporal punishment.”
Taong 1633 nang gawin nga iyon ni St. Philip Neri. Nagpunta siya sa pitong simbahan na nirekomenda ng Papa. Kinabibilangan ito ng
- Saint Peter’s Basilica
- Saint Paul’s Basilica
- Saint Mary Major
- Saint John Lateran
- Saint Sebastian
- Saint Lawrence
- at Basilica of the Holy Cross
Bakit maganda mag-Visita Iglesia sa Bulacan
In general, ang pagpunta sa mga simbahan ay para sa ating pananampalataya. Sa aspeto ng Visita Iglesia, puwede naman gawin ito kahit saang convenient sa iyo. Puwede ito sa isa o 14 simbahan.
For me, ang maganda sa tradisyon ng Visita Iglesia ay it involves faith, travel, arts, and bonding. Nairito ang ilang dahilan bakit okay bumisita sa mga simbahan sa Bulacan.

1. Near the north side of Metro Manila.
Kung nasa area ka ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at North-East part ng Quezon City malapit sa iyo ang Bulacan. Tingin ko kahit pa sa mga taga-Montalban, Rizal. Mukhang malayo at matagal ang biyahe kung rush hour tutungo. Pero ang biyahe ko mula sa TriNoma/SM North hanggang Plaridel ay mga 40-45 minuto bandang 12 ng hapon. Mabilis din iyan kasi hindi sa mismong Holy Week kami nag-Visita Iglesia.
2. Kapag mahilig ka sa arts.
Nung nag-start akong mag-visita iglesia ay mas naging aware ako sa sining ng architecture. Dito ko natutuhan ang mga terms gaya ng Gothic, Basilica, at Baroque. Nakilala ko yung mga artists at ang kanilang art expression. Maraming simbahan sa Pilipinas ang nangungusap ang arts at vibe, isa na rito ang mga sa nasa Bulacan.
Sa aming pag-Visita Iglesia sa Bulacan, napansin ko na may mga simbahan na pintuan pa lang ay ang intricate na design. Mayroon din na may magagandang naka-elevate na pulpit o palpito, impressive na pagkakagawang confession room or booth at wall painting/ sculpture.
3. Gusto mo ng historical sites.
Basta Philippine History, isa na nababanggit talaga ay ang Bulacan. Bukod pa rito ay ang mismong mga simbahan ay may kasaysayng pinagdadanan. May ilan na makailang ginuho ng digmaan at lindol, gayon din naging kuta ng mga bayani o kalaban.
Mga simbahan sa Bulacan para sa aming Visita Iglesia
Si Syngkit na ang namili ng simbahan na ang aming pinuntahan. Ang basehan nya, bukod sa mga nabanggit sa taas, ay kung saan madaling i-motor para sa kanya. So, if you’re looking for churches na magkakalapit at madaling i-commute, di ko masabi na praktikal ito.
Ang pitong simbahan sa Bulacan na aming pinuntahan ay mga sumusunod
- Parish of Sta Rita de Cascia sa Guigunto
- The Saint Padre Pio of Pietrelcina Chapel sa Baliuag
- Simbahan ng Baliwag o Parish of Saint Augustine sa Baliuag
- Parokya ni Santiago Apostol sa Poblacion, Plaridel
- Hearts of Jesus and Mary Parish Church sa Mojon, Malolos City
- Barosoain Church o Our Lady of Mount Carmel Parish sa Malolos, Bulacan
- Malolos Cathedral o The Cathedral-Basilica Minore and Parish of the Immaculate Conception sa Poblacion, City of Malolos
Sa part 2 and part 3 ng blog series post na ito, ay aking idedetalye ang experience at ambiance sa bawat simbahan