Paano nga ba magPasko ngayon?


Siguro sasabihin natin na ito na naman ang Pasko. Paano nga ba magPasko ngayon na may krisis? Magkakapera ka pero dadaan lang sa palad mo. Uso na ulit ang Midnight sale at lalala pa ang traffic. Marami na ang magsisimulang mag-caroling kaya sagana rin sa pagpapatawad. Pending na naman ang planong diet kasi ang hirap ng hindi kumain lalo na kung iga-grab mo na lang ang opportunity.

christmas-gifts-by-hitokirihoshi

Kung noong bata tayo ay abot-abot ang hiya natin na humarap o humingi ng aginaldo sa ating mga godparents (ninong and ninang). Ngayon ang mga inaanak magaling sa timing at audience impact. Wala pa d’yan iyong kailangang maglagay ka ng Christmas tree, magsabit ng decorations, at sumali sa kung anu-anong activities mapa-office o community.

Nega no?

Puwede! Kung ‘yan lang iispin natin at kung hindi natin makikita ang ibang cool stuff sa Yuletide season. Kapag dito ka sa ‘Pinas parang routine ‘yong mga kaganapan, halos pare-pareho. Pero sa pagkakaintindi ng diwa ko ay kung ano yung bagay na kinaiinisan o ipinagwawalang-bahala mo ay maaaring yon ang ma-miss mo?  Malay mo, katok sa bato tumama, mawala lahat sa iyo ang pagkakataon na makiPasko eddie ano na?

Sa Pinas mabuti may mahahabang bakasyon ‘pag ganitong kapaskuhan. Iyong kahit ata kumain ka ng sandamakmak at hindi ka matunawan o magdudumi ng magdamag, okay na rin. Kasi wala ka namang pasok kinabukasan.

national book store books-for-only-50-pesos-2

Mabuti uso yung mga tiange/baratillo/ sale at least marami kang pagpipilian na mura may mga libre ka pang makukuha.  Ang saklap kaya na binili mong mahal, isa lang at hindi ka pa kontento sa quality o service. Alam mo bang sa buong taon sinasakto kong magpa-print ng picture ng bulto ‘pag Pasko para may libreng makukuha (photo frame hehehe).  Kahit nakakaloka ang itsu- naka-frame naman!

May ilang nagrereklamo kapag nakakatanggap ng part ng top 10 gifts gaya ng calendar, planner, wallet at frames. Naman! Pero marami ang laging atrasado sa deadline, kinakapos sa pera at nagugulumihanan sa kanyang favourite boyfriend/ girlfriend.

Patalastas

Tanungin mo ako?

 At sasabihin kong nakakaramdam ako ng lungkot at pangamba pero hindi ako titigil na maging masaya. Hinihiling, hinihintay at kusang hinahanap ko ito. Mabuti may Christmas ako, kaya masaya.

At kung pipilitin mo akong tanungin kung anong concrete nouns ang gusto ko this Christmas simple lang… Makatanggap ng regalo lalo na ng Planner (Everything is Possible/ Blogberry for Yuppies), portable external hard drive,  completion and success of  my store,  makapag-travel sa Davao,  makapag-work bilang freelancer  sa trip kong companies, at maituloy-tuloy pa ang mga investments na nasiimulan ko. Hohoho!

Giant Chocolate @ Atom Gallery

Sa abstract nouns sana ay  maging healthy pamilya ko at makapagbigay ako ng saya sa ibang tao kahit konti at simple lamang. Hindi man sa financial, at least man lang ay sa moral.  Sana rin ay gumaling na ang mga taong ipinagdarasal kong gumaling at pagpalain ang mga taong alam kong nagkakagawang-gawa upang makapaghatid ng saya sa mga kabataan.

gift from city gov't of pampanga


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “Paano nga ba magPasko ngayon?

  • tin

    Ako pud maswerte ako sa mga ninong at ninang ko kasi binibigyan talaga ako ng christmas gift way back before. but now my God sons and daughters were hunting me hehe kaya I used to go on sales para kahit mura lang ang gifts atleast may naibigay. Happy blogging po

    • Hitokirihoshi Post author

      hi Tin and welcome sa Hoshilandia!

      pareho tayo pero sa akin iilan lang naman yung talagang dinadalaw ako saka yung mga yun ay bitbit pa ng kanilang mga magulang, ha!

      Gaya mo ay pareho tayo na mahilig sa pagbili sa mga sales. isa siyang chore kung iisipin pero masayang experience for me lalo na pag mababalot ka na at ibibigay mo na sa kanila. kaya buhay na buhay pang lalo ngayon ng Divisoria.

      this year September pa lang nag-shop na ako – http://hoshilandia.com/2011/09/13/ang-bata-ko-sa-divisoria/

      mabuhay!

  • doon po sa amin

    hello, hoshi…

    ganda ng article. gusto ko ang attitude as in, attitude! ahaha!

    happy yuletide sa ‘yow at sa ‘yong loved ones. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      Advance Merry Christmas din Doon Po sa Amin!

      Salamat at nagustuhan mo itong post na straight from the heart, walang edit-edit. hehehe!

      kumusta na at ang iyong blog?

    • Hitokirihoshi Post author

      I know ganyan ang sentimiento ng mga OFWs or mga Filipino sa abroad.

      kaya dapat malaman ng mga Pinoy na nasa Pinas kung anong tinatamasa nila. hehehe

      mabuhay and advance Merry Christmas!