Year 2001 nang mag-decide ang nanay ko na mag-business ng house for rent. Ang lugar na pinatayuan noon ay dating garahe o tambayan. Kalahati nun ay ginawang pang-commercial space o pwedeng gawing sari-sari store. Kahit di natin masabi na palaging okay, hinuhusayan ni Nanay ang kumilatis ng mangungupahan. Kailangan din talaga!
So far, may tumagal na nang ilang taon sa paupahan nya at napakabihira ang yung nang-iiwan ng babayarin. Dahil naobserbahan ko na magandang negosyo, pinapangarap ko rin magkaroon ng apartment units or building na paupahan. Isa pa’y ang bahay o shelter ay talagang necessity palagi.
So based sa observation and experience, here are my tips for the House Rental Business

1. Have a decent and presentable house. Hindi gaya ng beauty ng isang tao na puwede mong ibase sa sarili mong pamantayan. Ang bahay ay bagay na puwede mong pintasan kapag hindi mo nagustuhan. Huwag mo lang ipaparinig, siempre, sa landlady. Saka sino naman ang uupa sa bahay na sa tingin pa lang, walang tibay na maaasahan.
2. Secure water and electrical connection – Puwede ring telephone, pero option na ito ng customer kung gusto niyang magpakabit gaya ng internet connection. Again, next sa shelter ang hahanapin ng renter ay ang tubig na kanyang iinumin at kuryenteng puwedeng mag-init o magpalamig nito.
3. Have a lease/rental contract – May iba na verbal lang ang usapan sa pag-upa o pagpapaupa tulad sa kaibigan ko. Ang pinakamasaklap na nangyari sa kanila ay magkabaranggayan dahil di magkasunduan. Para hindi na humaba ang kaso, nagmulta na lang sila. Talong-talo ‘di ba? Iyon ay dahil wala silang malinis na kontrata kung magkano ang buwanang renta at mga kondisyon. Of course, ‘pag may kontrata ay dapat naka-notaryo yun para may power o maging legal.
4. Choose your lessee/Renter wisely – Promise sa dami ng nangangailangan ng bahay, iba’t ibang tao ang titingin ng inyong paupahan. Nakakatuksong patuluyin agad yung mabilis magbigay ng down payment o magsasabi na kahit taasan ang monthly fee. Mahirap ang padalos-dalos kasi pwede ring sa una lang kayang magbayad. Nagbigay nga kaagad ng one month advance at deposit, pero baka ’yon na ang first and last.
‘Di bale na magbaba ng presyo ng paupa for as long as regular and on time nagbabayad. Ang hirap din makisama sa tinatawag nilang balasubas o tumatakbo sa babayaran. Maganda yung long-term na mangungupahan sa iyo at may care din sa property.
5. Be accommodating and hospitable – I believe kapag ganito ang approach ng kahit sinong entrepreneur, magiging close siya sa kanyang clients. Isang kapuri-puri daw kay Nanay ay ang kanyang motherly approach. Nandoon yung concern kapag may sinampay na naiwan at palaging paglilinis sa paligid. Ma-appreciate ng renters kung ang landlady, landlord o may-ari ng paupahan na hindi lang naghihintay sa perang ibabayad nila.
6. Avoid involvement in personal matters – Siyempre, may pakialam ka sa bahay ng kanilang tinutulugan. Pero kung paano yung position nila sa pagtulog, tatanungin mo pa ba? Hindi maiiwasang may nag-aaway na mag-asawa o maiingay na magkaibigan. So for as long as walang lumilipad na plato sa bintana mo o matindi na ang gulo ay silent lang dapat. Huwag magsimula ng tsismis.
7. Directly talk with your lessee if you have concerns. Kung naisip mong magtaas ng renta (may batas ukol dito), masyado na silang nakakaapekto sa buong compound. Although ikaw ang may-ari, dapat marunong kang makipag-usap sa umuupa. Maging diplomatiko at bigyan ng respeto ang kanilang karapatan.

Pingback: 7 of 7-Day Gratitude Challenge: Salamat 2014 | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Why You Need Life Insurance? | aspectos de hitokiriHOSHI
Very informative , may business po akong ganito, at masasabi ko na kikita ka talga ,at ok po ang mga tenant ko maayos, thanks for the tip. Mabuhay ka
Hi Krs and welcome sa Hoshilandia!
maraming salamat sa iyong comment! ikinagagalak ko na makatulong sa iyo at malaman na boom na boom ang iyong house for rent business!
more power!
sakto ang tips..sa iniisip kong business!
mabuhay at nakatulong ako sa iyo. Sana mag-prosper ang iyong business.
welcome sa hoshilandia Cez!
ahaha, this is very informative and practical. ikaw na… ^^
salamat doon po sa amin a.k.a sa saliw ng awit!
parang cartoon character yun huling drawing
hehe
ganun talaga, pang cartoon din yung blogger eh. hohoho
dapat gawin ng Business category ang Hoshilandia! Ting! 😉
hahaha! malayo pa ako sa ibang certified business blogger. ni isang guhit waley! hohoho!
maganda to, sa bubot mong edad, business minded na!
salamat McRich sa iyong pagbisita at pagbati!
mabuhay, welcome sa Hoshilandia Jr
Number 5 is spot on! Very nice read ~
what the… thanks! This post is for all dreamers and business minded.
salamat sa tips. isa din to sa pangarap kong business balang araw.
your welcome Apollo, for sure high end yang magiging apartments mo… oh baka naman condo units ang maipatayo mo? heheeh
mabuhay sana maganap yan!