Gabi bago ang event ay nakatanggap ako ng email mula kay Rei Alba ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).Inaanyayahan niya akong dumalo sa kanilang kauna-unahang Bloggers’ Hour. Bukod sa isa ito sa piling pagkakataon na ako ay maimbitahan bilang blogger (nakakatuwa na ma-address ako na Ms. Hitokirihoshi),alam ko rin na marami akong matutuhan mula rito.
Hindi naman ako nagkamali dahil sa buong tanan ng pamamalagi namin sa NCCA building ay mas napatunayan ko kung gaano kayaman ang kultura sa Pilipinas, kung ano ang ginagawa ng komisyon para maipangalat sa lahat ang galing ng mga Pilipino at higit sa lahat mas minahal ko ang ating wika.
Nakakayaman ng kamalayan at kaalaman ang mga pahayag ni NCCA Chairman Felipe de Leon. Iminulat n’ya kami sa katotohanan kung gaano tayo kayaman na lipi kung atin lang kikilanin ang ating pinaggalingan, kagandahan, kultura at ating wika.
(Ang mga kuha kong video sa kanya ay ia-upload ko rin sa aking Hitokirihoshi’s channel (Yotube account) at abangan ang aking hiwalay na mga post tungkol sa kanyang mga tinalakay.)
Ano ang mga nangyari?
Marami. Una ay nakita namin ang naka-exhibit ngayon sa NCCA gallery na likha ni Egai Talusan Fernandez at maging ang Quinta Art2 na lahat ay pinta ng Tradigital fine arts students. Pangalawa ay mapakinggan ang mga malalamang pahayag nila Prof. De Leon na sinundan ng suporta ng kaluluklok pa lamang na si NCCA Executive director Emelita V. Almosara at maging ni Deputy Executive Director Marlene Ruth Sanchez.
Siyempre ang pinakaaabangan ding kainan, gustong-gusto ko po ang kapeng Kalinga, iced tea at halo-halo. Hehehe!
Pagkatapos naman ng talakayan ay inilibot kami sa ang iba’t ibang bahagi ng NCCA building nina Mr. Alba at ng head ng Public Affairs and Information office na si Mr. Rene Napeñas.
watch my AVP for Bloggers’ Hour here!
Dito ay napasok namin ang Sentro Rizal na isang proyekto na nililinang na makapaturo ng lengguwahe at iba pang may kinalaman sa kulturang Pinoy. Maihahambing ito sa Instituto Cervantes ng Espanya (Spain) at Goethe-Institut ng Alemanya (Germany). Nabigyan din kami ng maikling lecture tungkol sa sining ng paghahabi (weaving) na gagawan ko rin ng hiwalay na post.
Para mabigyan ka ng ideya, narito ang dalawang kuhang video ko kay NCCA Exec. Dir. Almosara sa kanyang pagbibigay pagpapahalalaga sa mga bloggers at sa papapakalat ng impormasyon sa Kayamanan ng kultura ng Pinas.
Pingback: Philippine Arts Festival 2014: Entertainment + healing | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: When is National Arts Month? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: My 10 Blog Events in 2012 « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
naku yan na naman yang matulis na yan na hindi ko mawari kung ano ang pinaghuhugutan. hehehe
hindi ka imbitado kasi wala pa munang guest of honor. sa senate ka muna raw. hehehe
teka, teka
bakit si raft3r hindi imbitado, ha?
that hurts
nyahaha
pero idol talaga kita
ang tulis mo!
mabuhay
Hehe. nagulat ka ba nung inaddress kita as Ms. Hitokirihoshi? 😉 hehe. di ko kse makita ung main email mo. haha. am so so thankful for this posting of yours. more power to your blog! mwah!
Oo nakakapanibago na may “Ms” then from government agency pero “Hitokirihoshi” hehehe!
salamat din sa inyo and super Mabuhay!
itayo ang bandera ng pilipinas para sa sining at kultura…
mabuhay 😀
Tumpak ka dyan Bagotilyo, sama-sama tayo!
Mabuhay!
looks fun! ikaw na ang ms.hoshi! 😀
oo masaya ito at marami kang matututuhan.
mabuhay sa lahat ng Pinoy!
Padayon! Para sa sining!
Yeah Mabuhay talaga!
Welcome sa Hoshilandia Bon!
Salamat sa pag-akag mo 😉 Nag-enjoy akong kasama ka!
Sharing you a link to your avid fans for this event: http://myphotographics.tumblr.com/post/20043296854/im-not-used-to-attending-to-a-sort-of-bloggers
More power to Hoshilandia!
Naman ako rin ay nag-enjoy din na kasama kayo. Halo-Halo na ang saya ng kaalaman, pagtuklas, pagkain at manginain. hehehe
More power din sa verjube photographics!
napakahusay! mabuhay! Sentro Rizal looks nice..
Salamat at mabuhay din! Sana maging maunlad pa yun!
mabuhay kayo sa adhikaing ito!
Salamat Apollo, sana next time ikaw naman ang kasama sa Bloggers’ Hour para International na!
Mabuhay!
Pingback: Hoshi in NCCA: Bloggers’ Hour « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI