Visita Iglesia: Churches sa Rizal Province


Gaya nang nakaraang taon ay nauna na kaming mag-Visita Iglesia ni Syngkit.  Ako na ang nag-suggest na sa mga churches sa Rizal Province kami. Susundan na namin ang Visita Iglesia experience ng mga CEOs ng Verjube Photographics.  Konting research na lang kaya go na sa lakbay-pananampalataya.

Sta. Ursula Parish, Binangonan

Dahil mula kami sa Manila at Quezon City ay pinili ko na ang pinakamalayo. Dapat Pililia kaso wala raw sakto dun kaya dun ako sa gitna. Mula MRT 2 (Santolan) ay may sakayan ng Binangonan. Ang katotohanan n’yan hindi ko alam saan sa Binangonan ang Sta. Ursula Parish. Basta sa isip namin ay makarating lang kami roon ay saka namin hahanapin ang simbahan. Ang mabuting balita ay pagkababa ng pinaka-terminal ng Binangonan ay walking distance na lang ang simbahan.

1_Binangonan-Facade

Warning: Hanggat maaari ay magtanong kayo ng ilang beses para i-verify kung nasa tamang lugar na kayo. Ayoko manira pero sa experience namin ay gusto ko ng ipayo na huwag kayong magtatanong sa tricycle driver. Iyong 2 driver na tinanungan namin sabi malayo pa. Mabuti na lang natanaw ko yung bell tower ng church. Pinuntuhan lang namin ‘yon dahil nagandahan ako. Tapos, ‘yon na pala talaga ang church na hinahanap namin.

Mabuti at bukas ang simbahan kahit Sabado at halos tanghali na kami nakarating. Sakto lang din ang liwanag sa loob para sa digicam ko at pabor ‘yong wala pang gaanong tao. Prenteng-prente kaming nakapagdasal at mag-picture.

Our Lady of the Holy Rosary Parish, Cardona Rizal

Mula Ursula sumakay kami ng tricycle papuntang highway para dun naman kami sumakay ng jeep papuntang Our Lady of the Holy Rosary Parish.  Ito ang pinakamadaling matunton na church dahil madadaanan mismo ito ng mga sasakyan. Katapat lang din ito ng municipal hall ng Cardona.

Sa aming paglalakbay bago rito ay napagtanto ko na mayroon ding magigiliw at matulunging taga-Rizal. Lalong-lalo na iyong mga nakakatanda. Iyon driver ng sinakyan naming tricycle ay sinisingil kami ng mataas para special papuntang Cardona. Hindi kami pumapayag kasi mahal talaga! Hanggang sa binaba n’ya ng may 10 to 20 pesos ang halaga.

Papayag na sana ako kung ibinaba n’ya pa sa kalahati. Biruin mo, yung offer nya ay doble ng singil sa jeep at ang lapit-lapit ng simbahan. Mabuti ‘yong mama (parang may lahing Espanyol) na nakasakay naming pasahehro ay para kaming nasa bahay n’ya na ina-aassist. Tinuturo niya kung magkano at kung malapit na.

Patalastas

By the way, native from Cainta at Taytay, Rizal ang pamilya ng daddy ko. Nakakatuwa na may mababait na taga-Rizal, at nakakalungkot yong mga manloloko pa.

St. Jerome Parish, Morong Rizal

Madali na rin ang papuntang St. Jerome Parish dahil sasakay ka rin lang ng  jeep pa-Tanay.  Pagkababa ay lalakad lang ng papasok konti para marating ang grandyosang simbahan na ito.

Kung nainip ka sa byahe ay masusulit naman ang tipak ng pawis sa iyong kili-kili. hehe! Mapapahanga ka naman kasi sa antigong ganda ng simbahan. Nakahanda na rin ang simbahan sa mga gaya namin na nagbi-Visita Iglesia that time.

3_Morong_facade

St. Joseph Parish, Baras Rizal

Sakay lang ulit ng jeep byaheng Baras (8.50 -12 pesos) at konting lakad din papasok ang gagawin para makapasok sa isa pang kabig-bighaning church na ito.  Pagpasok pa lang sa gate ay alam mong naghahanda na rin ang simbahan para sa mga nagbi-Visita.  Puwede na rin kasi sa labas mag-station of the cross. Simple ang ganda ng antigong façade nito pero panalo gayon din ng altar at buong interior nito.

San Idelfonso Parish, Tanay Rizal

Sakay lang ulit ng jeep pa-Tanay at madadaanan na itong simbahan na ito ng Tanay mismo. Luma na rin ang simbahan. Hindi nga lang kami makaikot dahil may ikinakasal. Baka maimbitahan pa kami sa reception.

St. Mary Magdalene Parish, Pililia Rizal

Sadyain naman ang Pililia at walang bumabyahe na jeep. Wala kaming choice kundi umarkila ng tricycle papunta mismo sa simbahan. Sinuwerte naman kami kay Tatay tricycle driver na naningil ng abot-kayang pamasahe sa aming viaje. Napaka-hospitable ni tatang parang yung mamang nakasabay namin sa jeep sa Cardona. Tourist na tourist guide ang dating. Sana kagaya na lang n’ya lahat ng tricycle driver sa Rizal.

Kung  ready na ang simbahan sa Morong at Baras sa  St. Mary Magdalene Parish, hindi lang sila handang-handa, nag-uumpisa na. May area sila sa tabi ng simbahan para sa mga nag-i-station of the cross. Life size ang imahe ang makikita rito at mayroon na rin silang pabasa (kung hindi ako nagkakamali). Magiliw din ang nag-i-istima sa amin at sa mga kasabayan nagbi-Visita Iglesia.

Our Lady of Peace and Voyage, Antipolo City

Para makapunta ng Antipolo kailangan naming sumakay ulit ng tricycle sa halagang 12 pesos  para makasakay ng jeep  na ang bayad naman ay 28 pesos. Walang sakto na papunta  sa church pero yung layo naman sa babaan ay puwede ng lakarin.  Kung first time ko sa unang anim, sa Antipolo church ay ilang beses na akong nagpabalik-balik. Pero ‘wag ka gulat na gulat ako sa dami ng establishments sa paligid.

Pabalik ng Maynila ay madali na rito, may FX na biyaheng Megamall or Cubao (baka meron pang iba pero ito lang inalam ko).

 Para sa pics —watch this Video

(Invitation! Please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay  🙂

Kahit inulan, pinawisan, natakot sa mga manloloko, ako ay nagpapasalamat at naging matagumpay ang itong aming Visita Iglesia. Thank God!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Visita Iglesia: Churches sa Rizal Province