Medyo basurera talaga ako at kapag nakakita ako ng magandang junk materials ay mag-iisip ako ng “how to repurpose this one?” (In English daw talaga hehehe). Naisip ko na rin magtayo ng chain of junk shop sa future. Mabaho nga lang at madumi pero mukhang malabong malugi. Just in case, makikipag-tie up na rin ako siguro sa mga manufacturer ng air freshener, hand sanitizer, alcohol, detergent soaps at anti tetanus serum. Pero don’t worry hindi ko pa naisip ‘yong idea nai- IPO (initial public offering) ang business na ‘yan. Hehehe!
Pero come to think of it hindi madali ang kumita? Pero masarap gumastos. At kahit kinakapos sa pera ay bakit nga ba ang daling ihagis ang mga coins like 25 cents, diez at cinco? Tapos ang dali-dali lang iitsa ng mga mamahaling abubot o pinagkainan ano?
Narito ang ilan suggestion ko na sa awa naman ng Nanay ko ay medyo gawain ko:
- Keep and donate your coins – Imbes na ihagis kung saan ay ipunin ang mga coins na sinukili sa iyo. Kung walang kwenta ito sa’yo, marami itong kwenta sa ibang tao at pati sa Philippine economy. Kapag marami na ang small amount coins mo ay ‘di na ‘to dyahe ilagak sa donation box sa mga mall.
Dagdag ko na rin sa point na ito ay kapag tinatapon o ‘di ginagamit ang barya ay dumadagdag ito sa gastos ng gobyerno . Kapag kulang ang baryang umiikot sa merkado, babagal ang usad ng ekonomiya at kailangang gumawa ulit ng panibagong mga barya. (read this article)
- Alter your old clothes… from rugs to riches – Of course the first thing that you do sa iyong old clothes ay i-donate. Pero kung utang na loob ay hindi na maganda ang quality ng mga ito o hindi na kaaya-ayang maisuot, guray-gurayin mo na at gawin na lamang bimpo (towel) para sa likod, basahan (rug) para sa lamesa at mga upuan at pwede ring material sa iyong arts and crafts.
- ponytails or rubber bands – Kung bumigay na ang panali ng mala- alambre mong buhok, baka puwede naman ito pantali sa mga nakatiwangwang na electrical cords gaya ng extension or charger. Aba minsan parang magsyota rin ang mga ‘yan kanina magkahiwalay, kamukat-mukatan mo buhol-buhol na.
- The Cup-tain of your abubot – Favourite kong iuuwi ‘yong mga transparent plastic cups. Madali kasing makita rito ang maliliit na bagay na inilagay ko. Pero in general, puwede itong pencil holder, lalagyan ng candy, mga beads, clips at medicine. Basta siyempre okay pa ang quality at malinis na malinis.
- Your Stocks in a box– May mga file, book, magazine etc. tayo na hindi pa natin na maasikaso o kaya naman ay medyo ayaw pa nating pakawalan. Kaysa nakapatong sa lamesa at kumakain ng alikabok, isilid ang mga ito sa ‘di nagagamit na box ng appliances o iba pa.
- Gift wrapping materials – Nakakatuwaan ko lately ang manloko lang pagdating sa regalo. Minsan kasi ‘yong reregaluhan mo kundi mahirap pilian ay puwedeng nasa kanya na lahat. Alam ng mga kaibigan ko na hindi ako mamahaling magregalo pero special dapat (palusot 101). So apart sa nakakalokang gift, dinadaan ko na rin sa umi-statement na gift wrapper. Tama ka, gamit na gamit ang mga small boxes ng toothpaste, coffee at maging ang mga lumang magazine sa mga gift wrapping ideas ko. Hohoho parang donation lang din!
Pingback: The Blogger without Blog | aspectos de hitokiriHOSHI
oo naman magandang negosyo talaga yan.
hindi ako makakapayag na magkapit-bahay ang junk shop ko at beer house mo, maiingayan lang ako sa halakhak mo. Mababasag ang mga bote ko sa kakanta mo, mababasa ang mga papel ko sa mga ihi ng customer mo at malamang kakahuyin mo ang mga bakal ko para sa mga sirang upuan mo. hahahaha!
magandang negosyo ang junk shop
next sa beer house yan ang balak ko itayo
nyahaha
sosyo tayo, ah
“Medyo basurera talaga ako in person” natawa naman ako rito, hanep sa intro, haha… ^^
hay, hoshi kapatid, binaha kami ng bonggang-bonga, as in… ayon, linis-linis lang… gaganda ng aking mga kuko,hehe… wala nang recycle-recycle, tapon na lang(noong Ondoy kasi, may mga ni-retain kami pero di rin naman nagamit, inimbak lang at ginawang pampangit ng ambiance, hihi). anyway, cheers! 🙂
Oh,kasama rin pala kayo sa nadale ng hebigat (heavy habagat). terrible din ang mga nakaraan na araw mapapakanta ka ng “walang tigil ang ulan at nasaan ka araw” kasi sobrang nakaka-mood swing talaga ang mga kaganapan.
oo naman pag binaha na ang mga gamit mahirap na ring i-recycle. saka baka ipaalala pa ng mga yon ang horror moment di ba?
more power sa inyong paglilinis. bawiin na lang sa parlor kapag medyo nakabalik na sa normal.ingat kayo palagi!
great ideas hoshi! gumagamit din ako ng magazines bilang gift wrapper. minsan kasi maganda talaga yung print tapos glossy pa! bonnga! si mother goose super basurera. madalas pag nagliligpit kami ng mga kapatid ko tinatago naman sa kanya yung mga dapat ng alisin kasi kalat na. pag nakita niya kukunin niya na naman at ibabalik!
hahaha, mana pala ako kay mother goose mo. Tas pareho kayo ng nanay ko. ayoko naman siya papasukin sa kuwarto ko kasi yung mga pinakatatago-tago ko, itatapon nya lang basta. hehehe.
yeah, madami rinng gamit ang magazine. noong college ako pambalot ko ang mga yan ng libro. alam na tuloy kung sino ang gusto kong artista . hehehe
Ai trip ko rin ang magrecycle esp ang mga old magazines as pambalot!
di ba ang cool at cost effective! mabuhay sa atin!
Pingback: 5 Repurposing Ideas for Junk Materials « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
tama ka lalong lalo na dun sa coins part. mas malaki ang cost ng bsp (gobyerno) sa paggawa ng coin kaysa sa halaga ng mismong coin. kaya kung hindi natin ginagamit, nakakatulong tayo sa pagbagsak ng ating ekonomiya.
alam mo ba medyo ini-expect ko na rin na dyan sa bagay ka magko-comment. hehehe
pero seriously, oo tama talaga na pagalawin natin ang pera natin kaysa itapon o iimpok kung saan. sa akin kung hindi investment , mabuti pang itago sa bangko kasi at least doon safe naman at naipapautang ang perang naipon.
tas yun nga i-donate na lang kung hindi option ang magbangko.