Blog Commenting….problem


Mahalaga sa akin na nakakapag-comment ako sa aking mga friends dito sa blog world.  Ipinapabatid nito na…

  1. Nagba-Blog hopping ako – kahit hindi pa nagko-comment sa akin basta matagpuan ko ang site na may maganda at interesanteng topic, mag-iiwan ako ng message.  Hindi nga lang ako pasensyosa kapag ang dami-dami pang kailangan gawin unless gustong-gusto ko talaga mag-comment.
  2. Saying thank you – puwedeng hindi ako  laging nagsasabi ng thank you pero (halos) automatic kong bibisitahin ang site ng blogger na bumisita rin sa akin.  Sabihin na natin linking kasi ‘yon pero dapat isipin ng lahat, ‘yon na kasi ang simula ng communication between sa mga bloggers. Kung paanong natutuwa ako ‘pag nagko-comment sa blogs ko, ganun din ang gusto kong gawin sa iba. Kahit may ilan na okay lang naman na walang nagko-comment at nirerespeto ko naman ‘yon basta ako gusto ko nag-iiwan ako ng comment. Sana i-approve  pero kapag hindi okay lang din.
  3. I’m existing –  this is my advice at ilan sa mga unang lesson na pinaraktis ko kagad- ang bumisita sa ibang blogs at mag-iwan ng bakas (comment). Mabuti ang wordpress.com kasi once na mag-post ka medyo napo-promote  na kaagad ang post mo, pero iba pa rin ‘yong nagpapakilala ka sa ibang blogger through your comment.  Hindi mo naman kailangan ilagay ang url mo sa sa comment area basta i-fill up mo lang ‘yong  questions na name, email at pook sasapot blog url or maganda kung may gravatar account ka.

Lalo na sa mga naka-dotcom o may sariling domain like sa akin na naka WordPress.org at gumagamit ng ibang blog platform like Blogger, TypePad, Tumblr, LiveJournal, Weebly – nakakatulong mai-promote ang inyong site (manually) kung nag-iiwan kayo ng comment.

The Problem

Lately, napapansin ko na nagiging spam message ang mga comment ko particularly kung ang binibisita kong blogger ay naka-wordpress.com.  Nung una hinahayaan ko lang kasi masipag pa ako at napapakiusapan ko ang mga blogger ko na maghalungkat sa spam  folder nila. Eh kaso hindi naman laging ganun at nakakapagod din naman sa part ko at nakaka-dyahe dun sa binibisita ko.

Nagta-try na ako ng mga ways  para ma-solve ito pero habang hindi pa, manawagan na rin ako  through sa post na ito na please check your spam folder baka may comment ako and baka may suggestion kayo kung ano ang maganda kong gawin.

Thank you very much and Mabuhay!  



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Blog Commenting….problem