Mula sa National Culture and the Arts (NCCA), nalaman ko ang tungkol sa 4th Pandayang Lino Brocka: Political Film and New Media Festival na ginanap mula August 29 hanggang August 31 sa U.P. Film Center. Sa awa aman ay may chance na makapunta ako sa last day nito na kung kailan nakita ko in person ang award-winning screenwriter na si Roy Iglesias at premier actor Philip Salvador.
Social awareness
Mulat ako sa sari-saring protesta at halos parte ng aking pamumuhay ang mga raliyista, ito ay dahil mula ako sa Commonwealth kung saan nadadaraanan ko ang Batasang Pambansa at Department of Agrarian Reform (DAR). Dagdag pa dyan na ang University na aking pinanggalingan ay nasa bandang Mendiola, kung saan malapit naman ang Malacanang. Minsan na rin nakisama ang ilan sa aking mga kapatid sa ilang protesta noon.
Sa Pandayang Lino Brocka, naipamalas naman sa akin ang iba pang kwento sa lifestyle ng mga aktibista. Kung ano ang kanilang nakikita at ano ang una nilang naiisip kapag may problema silang napapansin sa palakad sa gobyerno. Napanood ko ang ilang production ng Tudla Productions at mga dating entry sa Pandayan pero ang tumatak sa isipan ko ay ‘yong Barikada (kwentong demolisyon) at ang paliwanag nila kung paano nakakaapekto ang mataas na presyo ng langis sa buhay ng mga mamayan.
Filmmaking: Political and Social
Naabutan ko ang ilang bahagi ng A la Juventud Filipina (experimental film) ni Placido Falsario II, Old News (public service announcement) ni J.L. Burgos at Agree Ka Ba (Public Service Announcement) ni Liezl Manatad. Maikli pero pasok sa banga ang ibig ipakahulugan. Malamang ganito rin naman ang ibang lumahok ngayong taon dahil ang tema ng festival ay History and Social Change.
Kung tama naman ako, ang nanalo ng Jury’s Choice Award ay ang Women at the Forefront (documentary) ng Kodao Productions at ang binigyan ng special award ng Rotary Club Manila Kalaw ay ang Memories of a Forgotten War (documentary) ni Sari Lluch Dalena.
Bukod sa mga entry ay nakapanood din ako ng libre ng 1989 classic film ni Lino Brocka, ang Orapronobis starring drama-actor Philipp Salvador, pa-humble na Gina Alajar, ever stariray na si Dina Bonnevie, papakalbo pa lang na si Bembol Roco, Ernie Zarate sa isa sa favorite n’yang role- ang maging pari, reel and real revolutionary na si Pen Medina, at Raquel Villavicencio nung artistahin pa siya ( kasi manunulatin na siya ngayon?).
Nakapanood na ako ng mga political film, ‘yong trip na trip ni direk Joel Lamangan, at ibang movie pa ni Lino Brocka pero itong Orapronobis ang dark, ‘yong next na sa level ng pagiging hopeless. Nakapanood ka na ba na ang naramdaman mo ay desperado ka na, gustong magtago sa napapanot, mawalang galang sa mga mukhang kagalang-galang pero hindi-hindi, at kahit sa totoong buhay ay ayaw mo maging tulisan underground ay parang na-imagine mo na rin na rumatrat sa mga nang-aapi. Iyon ganung level ang Orapronobis na timing na may pagka-anti Aquino regime.
Coming soon” tips about screenwriting by Roy Iglesias
hindi ba sya din yun pansan ko ang daigdig?
na-trauma ako don
ayoko makita si ate shawie buhat-buhat nanay nya
kao napapagod sa kanya
ang sarap naman nung impression mo sa akin sa last line. Oo gusto ko talagang natututo ng iba’t ibang bagay lalo na roon sa interesado kahit malayo o malapit sa larangan na mayroon ka.
suwerte mo naman nakadaupang palad mo na sila. dati gusto ko maka-attend sa workshop ni ricky lee kaso nahihiya naman ako kasi ang gusto ko lang naman ay makinig at mag-take down ng notes. eh sayang din naman yung slot na makukuha ko na para talaga sa mga gustong maging scriptwriter.
nakuha kolangyung idea ng pieta nung ipalabas ang version nyan sa TV starring ryan agoncillo and cherry gil. ewan kung yun talaga yun ha, kasi base naman sa komiks yung PR nila.
mabuhay din sa iyo!
hello, hoshi… salamat sa dalaw, kapatid. ito na pala ang kwento ng Pandayan, ahaha. hala, di ko pa nakikita in person sina Roy Iglesias and Phillip Salvador. Pero yun, naabutan ko pa sina Lino Brocka at Ricky Lee, hehe, sa theater through PETA friends dati. nakapunta pa noon sa mga bahay nila. ang cool lang. ^^
hala, noong nasa college pa, kina-career ko tuwing may Brocka festival of movies dyaan sa UP Film Center. yup, napanood ko rin ang Orapronobis. tama ka, it’s a dark, dark film, kapatid. a foray into the darkest corners of human nature and society, kumbaga. kwentong what could go wrong, will. ahaha. tapos, tipong ang hirap lumabas sa mga sitwasyong kinapapalooban kaya pakiramdam mo habang at pagkatapos manood, ang sikip ng dibdib, shaks…
dark din ‘yong isa pang film ni Brocka, yong Pieta, Dalamhati ng Isang Ina. starring Phillip Salvador din. iyon ang tipo ng film na parang wala ka talagang masusulingan, haha. despair and hoplessness, garntisado, hakhak. pero, maganda at mahusay ang pagganap. ayon…
natutuwa naman ako at ikaw ang blogger na parating on to educating and expanding herself. mabuhay ka, kapatid. 😉
Alam ko hindi naipalabas ang orapronobis sa local theaters dati,na-ban ata sya dahil sa political undertone nito.
ay talaga? hindi ko po alam. masuwerte na pala ako at napanood ko ito.
Pingback: Pandayang Lino Brocka: Filmmaking, Political, & New Media « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI