I’m neither photographer nor photo blogger (but I can try, why not?!). Pero isa ako sa mga taong enthusiastic na humawak ng camera for documentary purposes especially kung ang kukunan ko ay about travel, special events and VIPs.
But here’s the thing…
Mas na-appreciate ko ang sense ng photography noong mag-umpisa na akong mag-blog, scrapbooking, mag-travel at makausap ko si Itang (my lolo). Why?
Personal purposes ng Photography
- Because sometimes you don’t need to explain happiness
- In times of trouble, you need inspirations/reminder to feel that you are blessed
- When you are alone, it’s easy to smile when you have evidences that you are (alone but) not lonely
- And God is good , you have beautiful eyes to see marvelous things
Blogging
- Para sa mas alive na blog post
- Mas marketable ang nais mong i-advocate like me
- Let’s Recycle!
- Let’s discover and promote interesting places in the Philippines!
- Let’s support Pinoy arts and culture!
- Let’s uplift our financial literacy! (dami rin pala ano?!)
Scrapbooking purposes
Autobio-photography
No’ng cute na cute na pupil student (redundant lang) pa ako mahilig ako magsasali o isali sa mga school program. Wala akong kasamang ate, kuya, nanay, tatay sa mga ‘yon. Sanay naman ako, kaya sanay rin ako na walang kukuha ng picture para sa performances ko. Galing-galing ko pa naman! Hehehe!
<Nabasa mo na ba ang monologue kong ito>
Nag-iba naman kapalaran ko nung high school at college, kasi may mga kaklase ako na mala- documentary reporters and cameramen. Kahit props at backstage kinukunan sumasama na nga lang ako sa mga background makunan lang… joke lang hehehe.
Kaya thankful ako kay classmate Jannah Mendoza at sa mga barkada kong sina Cherime at Grace, dahil may souvenirs pa ako nung umaarte, sumasayaw, kumakanta, kumakain ng apoy, at iba pang kabulastugan ko sa school. In fact, ‘yong isang picture ko na nanalo ako ng isang major award ay nanggaling sa kaklase kong lalake na nakaaway ko. Hayaan mo classmate, hindi ko inisip na crush mo ako at lalong-lalo na crush kita.
From still camera to digital cam
Naalala mo pa ba ang pagbili ng film, battery at pagpapa-develop. Tapos sasabihin sa iyo may error sa negative? Eh kuha mo pa naman ‘yon with someone? Magastos and time consuming din ‘yon, kaya thank you sa pagpasok ng digital cameras– super delete ng pangit at repeat-repeat ng nicer wacky shots.
Pero masaya rin ang paggamit ng still camera, may something dito na angat sa quality ng napo-produce ng digi cam. For me, okay ang generation ko (ako lang talaga?) kasi ‘yong latest innovation and major transition when it comes to photography ay nandoon. Buti na lang kamo ay naibalik din ang sigla kahit papaano ng polaroid.
Remember nanalo pa ako nito dito
Iyon nga lang hindi iyong magandang camera ang nahawakan ko na. In fact, ginagamit ko pa rin ang digi cam na ang screen ay parang laging naka-white balance.
Pero I like landscape, panorama (o kung ano pang tawag dun) dahil feeling ko ay isa ito sa pinakamadali. Hindi kasi gumalaw ang subject at ang kailangan mo na lang ay tamang lighting, angle at pag-iisip.
“Capture this very moment”
Pero more than sa ibang klase ng photography, talagang saludo ako dun sa mga concert/music, photo journalism or sports photography o ‘yong mga kagaya ng ganito na may kinalaman sa human interest. Iba kaya ang hirap na makakuha ka ng timing na maganda ang angle at mahusay ang quality ng shot. Kahit nga minsan na nakahinto ‘yong kinukunan mo, ‘pag wala kang madama na emosyon wala talaga. Sana bato na lang kinunan ‘di ba?!
Oh well sana next year my DLSR na ako, may nagsabi sa akin may improvement ang mga shots ko kailangan ko na raw mag-upgrade ?
Pingback: Outside the Darkroom: How to capture Manila By Night? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Photowalk in Chinese New Year | aspectos de hitokiriHOSHI
Akalain mong may special mention pala ako dito? hehe Salamat.
Let photography adds an inspiration to the things you loved to do and spread your purpose to people, that’s the fulfillment.
Alam mo naman na bago lang din ako sa paghawak ng camera, kung sana noon pa nalaman ko na pwede pala akong humawak ng camera.. pero may nadiskubre ako.
Hindi ko alam kung talent nga ang tawag dito, pero nalaman kong.. kung gusto mo talaga ang isang bagay, you have the interest, desididong pag-aralan at ma-develop as the time goes by, may sipag at passion.. posible pala. 😉
Mabuhay!
agree ako sa lahat ng sinabi mo. siguro nga wala pa akong magandang camera pero hindi ito ang pipigil sa akin para tumigil na matuto at magpi-picture.
mabuhay!
pwede po ba magpaturo sau sa photography? 😀
nung high school ako, isa ang photojournalism sa linya ko sa press conferences. aminado naman akong hindi ako maalam sa teknikal na aspeto pero gustong gusto ko talaga macapture ung human emotions (human interest) ng tao. kaya marami sa mga kuha ko, stolen shots. tsmabahan na lang.
hmmm sige tuturuan kita sa photographic style ko tas ikaw turuan mo ako sa videography.hehehehe!
oo iba pag human emotions…mahirap at parang wala lang sa iba lalo na pag hindi kakilala pero para sa akin para syang painting ng mga photographer.
mag-Instagram ka na lang
lahat do instant photographers
nyahaha
hmmmm puede rin siguro mga 5 months from now. polaroid ang technology ko ngayon e.
pahiram kita ng scanner para ma-upoload mo ang polaroids mo sa Instagram
nyahaha
akin na! hindi ko tatanggihan yan.
Masaya talaga humawak ng camera. Gaya mo, hindi rin ako photographer pero kapag nakahawak na ako ng camera pakiramdam ko nasa ibagn mundo ako na ang tanging purpose ko ay kunan ang mga masasayang pangyayari o bagay sa buhay ko na kailaman ay hindi na mauulit, a sort of remembrance kung baga pa. Kaya goodluck sayo and keep taking pictures.. Ganda ng blog mo..
naku xander sana nakuhaan mo ang pagkakangiti ko 😉 to the max dahil sa comment mo. hehehe
salamat sa iyong pagbati. ipagpapatuloy ko ito talaga ng bongga. kasi sa pictures life is beautiful and interesting! mabuhay!
Oo nga congrats ulit na nanalo ka ng cam sa iball,sobrang ok ang slr pero need mo aralin ng aralin at karirin, kahit ako I enjoy photography kaso sobrang walang time 🙂
salamat kuya. actually kontento pa naman ako sa mga camera ko. naiisip ko lang mag-dslr pag may travel or events ako na napupuntahan.