Why Raon is the Divisoria of Electronics in Manila


Sa Raon, Manila ko sinadyang bumili nang kauna-unahan kong naipundar na gamit noong unang taon ng pagwo-work ko—ang DVD Player. Ako na talaga ang cinephile. Pero dahil din yon sa matipid at magala ako. Ang Raon na kasi ang itinuturing kong Divisoria (underground market) lalo na kung usapang low-priced at brand new appliances and electronic devices. 

Why Raon is the Divisoria of Electronics in Manila

What’s in Raon ba?

Matagal ko nang trip magkukuha ng photo sa mataong lugar na ito na para ngang Divisoria—kaya nakakatakot din maglabas ng gadget. Pero dito sa Raon ay electronics at appliances ang specialty gaya na TV, radio, speakers, microphones at iba pa. Ang hindi ko lang binibili pa rito ay gaya ng laptop at smartphones. Dun naman kasi sikat ang Gilmore sa Aurora Ave. Quezon City.

Cheaper ang price ng mgan products dito sa raon dahil hindi naman siguro mahal ang mga puwesto ng tindahan. Marami ring choices at kung minsan ay makakakilala ka pa ng ibang brands. Kung baga, parang iyong mga generic pharmacies nag-aalok din ng mga di kilalang brand ng gamot.

isang bangketa sa Raon

Bukod sa aking DVD player, isa pa sa hindi ko malilimutang nabili namin dito ay ang dalawang magic sing microphone na ang isa ay ipinadala pa ni Manang Juling sa ate ko sa New Zealand. Kung hindi mo alam ang magic sing, ito yung microphone na may built-in ng remote at may chip(s) ng mga kantang pang-videoke. Ganoon ang Pinoy kahit saan kailangan may kantahan. 

Nung time na ‘yon ay nasa Php 11,000 to Php 12,000 ang magic sing sa mall. Pero nabili namin sa halagang 9,500 lamang sa Raon at may mga kasama na rin ilang accessories. Ganoon kalaki ang difference at buhay pa ang aming magic sing.

Puwede kang makipagtawaran sa mga tindahan. Nagbibigay din sila ng resibo na ibig sabihin ay legal and natse-check ng DTI/SEC/BIR. At dahil maraming ngang tindahan, pwede ka lumipat sa iba na may mas magandang presyo. Mahaba at malaki naman ang Raon. Tatagos na ito sa Quiapo at Avenida.

Dagdag ko na rin na hindi lang buong machines o gadgets ang available sa lugar na ito. Mayroong ding mga goma, pang-hardware products, chips o spare parts.

Patalastas

hardware sa daan

Kung hindi pa nagbabago ay may ibang street din dito na para naman sa medical or dental supplies na puwedeng sadyain ng mga professional at students na nangangailangan ng gamit. Mayroon din street na puro optical shop at bilihan ng ilaw.

Buying tip: Suki Scheme

Gaya ng Divisoria at Baclaran ay may mga araw na siksik ang mga tao sa Raon. Mag-ingat at huwag mag-inarte sa pamimili rito. Mabuti kung alam mo yung gusto mong bilhin dahil mate-tempt kang mag-iikot dahil sa dami ng iyong makikita. Katunayan, sa mismonng mga bangketa ay makakabili ka na ng mga speakers, microphones at radio.

Kung feeling mo rin na mapapadalas ka sa ganitong lugar ay tandaan mo kung kaninong store ka tiwala at nakamura. Ito ang tinatawag na suki scheme, na kung regular kang customer ay mas binibigyan ka ng value at discount.

Mabuhay at nawa’y maging wais, masipag, masining at maligaya tayo sa pamimili sa Raon!

di torotot, pang-pot-pot for New Year



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

22 thoughts on “Why Raon is the Divisoria of Electronics in Manila