Writing is my easiest way to express myself. Kung ‘di man ako creative, good in grammar, or my style is not impressive magsusulat pa rin ako.
Benefits of writing
is Therapy – Occasionally, nagda-diary o nagdyo-journal pa rin ako. I recommend ito dahil ilang beses na ba akong nakalma, nahimasmasan, at napagmulay-mulay ( reflect) sa kaka-diary ( parang diarrhea lang). Mabuti siguro ito for anger management at depression.
develops you – Naniniwala ako na ibang-iba na si Hitokirihoshi, na-enhance kakasulat kahit nagkakalyo na at malapit nang sumuko ang keyboard. Sa pagdaan ng panahon, nahahanap mo rin kasi ‘yong sarili mong style lalo na kapag may sincere comments kang natatanggap.
Inexpensive but effective gift – (Deep dapat ang explanation dito pero para madali) Ilang tao na ba ang sinulatan ko lang sa memo pad o scratch paper pero sobrang thankful sa akin? Iyong kahit, walang maayos na punctuation marks at buma-boundary na ako sa text-messaging-style of writing. Swerte lang kaya ako na mababaw ang kaligayan ng mga friends ko.
Rewards
Siguro nga depende sa klase pagsusulat at sinusulat ang revenue rito pero for me,
One of the greatest achievements of any writer ay mabasa ang kanyang sinulat at may isang tao man lang siyang mahipo (touch) sa kanyang sinulat.
Of course, maaaring sabihin ng iba indication d’yan ang pagtanggap ng recognition like Palanca Awards, magkaroon ng best-selling books, at iba pa. Pero sa isang plain Jane like me na wala pa namang courage to publish a book (pero okay ‘yong alternative publishing) ay masaya na ang paminsan-minsang comment or compliment. Big bonus na lang kung may mga maipapanalong awards.
Creative Writing in the Philippines
Nakausap ko (Exclusive!) si Dr. Priscilla Macansantos (head of National Commission on Literary Arts) sa media conference for National Arts Month ng NCCA . Napag-usapan namin ang tungkol Taboan: The Philippine Writers Festival at ang creative writing sa Pilipinas.
“Importanteng buhayin ang pagsusulat sa mga local languages. Sa Visayas, medyo buhay na buhay na ‘yan pero gusto pa rin namin makita ng mga taga-ibang rehiyon na buhayin at pagyamanin pa ang pagsusulat sa local languages.
Nakakasira ( nakakapigil) sa pag-angat sa lengguwahe at pagsusulat sa ‘Pinas?
Hindi naman nakakasira, maganda pa nga rin na nagsusulat pa rin ang mga kabataan pero minsan nakakalimutan pa rin ‘yong core of creativity and imagination. Pero marami ang nagbe-benefit sa ganitong technology ( i.e text messaging) para ‘yong iba na walang interes sa literature ay biglang magkainteres. Okay lang naman, basta ‘wag lang tabunan’yong traditional writing at (maging) irrelevant.
Sa gay lingo, jejemons at iba pang salitang balbal (colloquial terms)
Kung minsan din, writers and readers go through stages of literature. Stage lang naman ‘yon, kaya importante ay huwag i-discourage ang ganitong attempt to write down or to document ‘yong creative work.
workshops for writing?
We will remind those handling workshops, kasi marami dito funded by NCCA, na palawakin ang invitation. Kasi kung minsan pare-pareho ang nag-a-attend ng workshop na alam naman namin na mas marami pa ang gustong mag-participate.
Maganda bisitahin nila ( na gusto ng workshop) ang website ng NCCA dahil madalas nilalabas naman doon ‘yong mga workshops. Then mayroon din naman writing workshop sa UP, La Salle and even UST
Opinion sa estado ngayon ng creative writing sa Pilipinas
Actually ang dami-daming gustong magsulat kaya lang sa experience hindi mo alam kung mabubuhay ka sa creative writing. Very few who are able to survive,long term, na creative writing lang ang inaatupag. Ang problema, even our best writers have to do day-jobs and sometimes their day-jobs consume most of their time. Ang potential nand’yan, pero ang atmosphere to encourage more writing or more serious writing ay kailangan pang i-improve.
Saka ang mga readers din, kung minsan walang bumibili ng libro. Siyempre, uunahin muna ang food bago ang libro.
Pingback: How to make low-cost bookmarks | aspectos de hitokiriHOSHI
I agree with you. I think that if we are given good opportunities to hone our creative writing skills, whether in Filipino or in English, we will be better in expressing our innermost thoughts. Those skills are better represented through constant writing and blogging. Keep it up!
Hi Roland thank you for your comment and visit.
Welcome in Hoshilandia!
Salamat dahil nabahaginan mo ako ng inspirasyon sa pagsusulat. Magkagayon pa man, hindi ko pa rin maituring na pagsusulat ang ginagawa ko. Negatibo o positibo man ang dating, ginagawa kong lahat ang makakaya ko upang bigyan na hustisya ang pagsusulat. 😉 More power to you!
isa ba ako? your welcome Unni!
Kahit ako naman hindi ko pa rin naman maituturing na tunay na writer. katunayan, mas gusto ko ang nakikipag-usap sa tao bago ako magsulat pero hindi ko maitatwa na malaki ang naitulong sa akin ng pagsusulat at pagba-blog.
socially, financially, psychologically and spiritually. hohoho!
Yeah. Writing is the easiest way on how to express our feelings. So keep writing kahit wrong grammar o mali man ang spelling. Dito tayo masaya eh. Nice article!
hi Enad and welcome sa Hoshilandia!
Iyon naman ang importante sa lahat, ang gawin mo yung totoong nagbibigay ng happiness sa iyo. walang halong eklavu, true lang.
Mabuhay at salamat sa pagbisita!
Thanks for this wonderful post about one of our most favorite activities, writing. I agree in everything that was written especially the “reflection” part. It gives us more self-awareness that helps us see and observe our own self and makes us improved in the process.
Wow, thank you for your compliment! Isa pa ito sa gusto ko sa writing e, yung sincere ka lang sa message mo pero na-appreciate ka.
at yung sa reflection, oo kakaibang paraan ito pero free and unique. you don’t need to worry kung ano ang sasabihin ng makakausap mo. kasi somehow kausap mo lang yung other side ng personality mo. parang Conscience o subconscious mo. Mabuhay!
Tama Madam Hoshi. yan ang isa sa di matatawarang bagay ng pagsusulat kasi ito yung panahon na ang kinakausap natin talaga ang sarili natin at tatanungin natin ang sarili natin kung yun nga ba ang tama o mali at kung yun ba ang ginagawa natin o hindi. 🙂
oo mas katanggap-tanggap (o hindi weird) din sulatan ang sarili kaysa kausapin verbally di ba? hehehe!
hehehe. oo nga. pag may nakabasa, iisipin e “deep thinker” ka. pero pag may nakarinig na kinakausap ang sarili mo, nakow!
nakow talaga. ibang tama na yun di ba? hahaha