Philippine architecture is diverse and exquisite . Kulang lang ang vocabulary ko pero ‘pag okay ang isang istraktura, puwede ko naman sabihin na “aba hanep ang arkitektura!”
Why Diverse?
facade of Metropolitan Theater
Bukod sa modernization, ang mga gusali sa ating paligid ay gawa ng iba’t ibang artists na may sari-sari background. Kung regular ka na sa Hoshilandia alam mo na mahilig ako sa Visita Iglesia at dahil dito ay mas nakikita ko ‘yong kagandahan ng mga Catholic Churches natin lalo na ‘yong mga old ones. Doon na rin ako nagkaroon ng konting idea sa baroque style (Paoay Church in Ilocos), neo-baroque (St. Jerome Parish in Morong, Rizal) gothic (San Sebastian Church in Manila), dome style (Holy Sacrifice Church in U.P. Diliman), Romanesque-Byzantine (Manila Cathedral Shrine, Intramuros Manila) at iba pa. Samantala, na-introduce naman sa akin ang art deco style (Metropolitan Theatre) sa pamamagitan ng Postal Heritage Tour ni Sir Laurence Chan ng Filipinas Stamp Collectors’ Club.
Iyon pa nga, hindi natatapos sa classic at lumang design ang lahat dahil hanggang ngayon ay maraming umuusbong na architecture design at mayroon din na hindi pa masyadong na-e-explore.
MasJID and Padyak Manila
Nung nakikinig ako sa bawat head committee sa Philippine Arts Festival 2013 ng NCCA, partikular akong na-curious sa mga proyekto ng National Committee on Architecture and Allied Arts para sa kanilang Archi[types/text] 2013 na pinamumunuan ni Arch. Gerard Lico noon.
Mayroon silang – Arkitstry: Padyak Manila na nag-tour sa iba’t ibang landmarks sa Metro Manila gamit lamang ang bicycle.)
Lunan: A History of Filipino Built Environments sa UP Theater – film screening ito tungkol sa pag-evolve ng interior design, landscape architecture at urban planning sa Pilipinas)
MasJid: Jewels of Filipino Islamic Faith Exhibit sa University of Sto.Tomas.
Hardin: Filipino Landscape Architecture in History sa Far Eastern University
ACARE (architectural research and education) sa Bicol University
Istilo: Guide to Architecture Styles in the Philippines sa Negros Museum
Mayroon din silang Sacred Spires: Iglesia ni Cristo Architecture of Carlos Santos-Viola , Siglo XX: Retrospective of 20th Century Design Exhibit , Arkwiz 2013 , at Critical Architecture: the Honrado Fernandez architectural Writing Competition. Hindi ko lang nakuha kung kailan at saan-saan.
Q and A with Arch. Lico
Interesado ako talaga sa MasJid at Padyak Manila na ayon kay Arch. Lico ay highlight ng kanilang mga proyekto. By the way, nagkaroon din sila ng Contempo 2013 (The 1st Annual Contemporary Filipino Architecture Photography Competition) na sayang hindi ko nasalihan ( pwede naman mangarap ‘di ba?!)
Ayon kay Arch. Lico ang Padyak Manila ay exciting kasi all in one na ito. Magkakaroon ng enough time ang mga sasali to take pictures sa bawat point na kanilang hihintuan. Ang mga kuhang larawan ay puwede isali sa kanilang photo contest at ang mga nanalo ay iso-showcase sa awarding ceremony nila sa UP Theater Diliman.
Tungkol naman sa Masjid ang sabi niya…
“These are also (mosques) architectural icons. Kapag sinasabi nating Philippine heritage, ang iniisip natin kaagad simbahan (Katoliko). What about other worship spaces that we don’t recognize or refuse to recognize?
Sinabi rin niya na ibang-iba ang mga alam nating mosque ngayon kumpara noon at kung makikita lang natin ang mosque sa Cotobato maihahalintulad ito sa mga mosque sa Middle East.