Music is magical


Music is not only about beautiful things, lovely persons, and empowered actions. Even if it’s only about slippers, magazine, or wondering nowhere, ‘pag na-magic ka, ‘yon na.

Lalayo ka pa ba, kung gusto mo lang mag-chill-chill o ipagsumamo ang laman ng kokote mo? Marami n’yan sa Original Pilipino Music (OPM) classic man or contemporary, mainstream or independent, solo act or group band. Naalala ko tuloy ‘yong independent film na Ang Nawawala starring Dominic Roco, kung may nagustuhan ako nang bongga doon ay iyon ‘pag feature nila sa mga simple gigs ng mga OPM artists. Pero na-try ko na ata ‘yon nung mag-trip kaming kumain sa Conspiracy Garden Cafe na ilan sa owner ay sina Noel Cabangon, at Gary Granada.

Pero cool din na kahit na paminsan-minsan ay may nasasagap akong mga bagong kanta na talagang nakukuha ang pihikan kong panlasa na kasing lalim lang ng awitin ng Esem at Tsinelas ng Yano; Huling El Bimbo, Magazine at Tindahan ni Aling Nena ng Eraserheads; Tao, Laguna at Nosi Balasi ni Sampaguita, Sulat at Torete ng Moonstar ’88 o Kahit Konti at Balon ni Gary Granada.

At kahit sabihn ko na  hindi ko masyado type ang isang singer o band, hindi ko rin maitatwa na kapag nagustuhan ko ang isang kanta nila pakikinggan ko sila gaya ng Beer ng Itchyworms, Sana ni Nikki Gil, Not Like The Movies by KC Concepcion, Smile at Me ng Rocksteddy, Kung Para Sa Iyo ni Willie Revillame, Nasaan Ka by Pupil

Giving chance for new sound

Lately may mga OPM mga artist or music na nagustuhan ko (o naimpluwensyahan ako ni Jovy) na makikitaan mo talaga ng galing, hindi lang sa tugtugan kundi sa mismong pagkakagawa ng kanta. Ilan ito sa mga gusto kong pinakikinggan:

Otomatik by Pedicab – Siempre kilala na natin si Raimund Marasigan (sa iyong hindi pa, siya ang frontman ng Sandwich at drummer sa Eraserheads), na isa sa member ng band na ito at mapapansin na ibang klase rin ang tugtugan ng bandang ito. Mapaglaro ang dating ng tunog ng kanilang mga instruments at ganoon din ang tabas ng kanilang lyrics kahit ang mensahe lang naman ay simple. Nagagandandahan din ako sa awit nilang Apoy.

Sa Ngalan ng Pag-ibig  at H.S. Romance by Sino SiKat – hindi ako masyado sa mga jazzy type of music pero iba rin itong group na ito parang naging classy talaga ang simpleng OPM song. Pakinggan nyo ang buong album nila, kung gustong-gusto nya ang Jazz.

Patalastas

Buksan by Where’s The Sheep – Matagal na ang kantang Who Am I pero alam n’yong banda lang ito ko na-appreciate o nalaman nang bongga ang kantang iyon ng Casting Crown parang On My Own lang sa Dawson’s Creek na kinanta na pala dati pa ni Lea Salonga sa Broadway musical na Les Miserables, nasaan ba ako noon, sa Crib o naliligaw? Hehehe!

Kesa by  Daniel Grospe – Kulit ng lyrics and suwabe ng boses n’ya.

Ikaw bat may nagustuhan ka ring bago at simpleng OPM song/artist ngayon?  Puwede mong i-share dito!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Music is magical