Cinemalaya 8: Ang Nawawala

Kumpara noong nakaraang taon na sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ako nanood ng Cinemalaya 7, sa Trinoma Mall naman ako ngayong taon. Pagbigyan naman ang feel ng independent film sa mall ‘di ba?  And take note tatlo ang pinanood ko, ang  mga pinanood ko ay Ang Nawawala (What Isn’t There),  Kamera Obskura at Mga Mumunting Lihim.

Ang Nawawala (What Isn’t There)

Full length New Breed category ang film na ito na directed by Marie Jamora at pinagbibidahahan naman ni Dominic Roco. Narito rin sila Annicka Dolonius ( na puwede na ), Dawn Zulueta ( na kahit mommy na ay beauty pa rin), Boboy Garovillo, Marc Abaya (sa isa hindi niya pinakaguwapong papel), Felix Roco (oo yung kakambal ng bida), Alchris Galura ( very effective!), Mercedes Cabral ( na dahil kilala sa  indie circle hindi mukhang support), at Kelvin Yu ( na kahit unti ang eksena 2nd effective comedian).

Ang unang kapansin-pansin sa pelikula ay pagsuporta nito sa underground o independent music at maging sa mga lumang kanta. Iyong iba hindi ko na masakyan dahil sa kalumaan at tingin ko masyado ng gasgas para gamitin pa pero okay lang kung ‘yon ang trip nila.  Ang maganda lang nabuhayan ako ng loob na hindi lang pala ako ang nagpa-plaka at nagsusuot ng mga kagaya ng sinusuot nilang accessories. Yes, I’m still human!

watch the trailer here

Bilang bida, maganda ang paggamit ni Dominic ng kanyang mata para maipahiwatig ang kanyang mga nararamdaman na hindi niya masabi. Gamit na gamit ‘yon sa bed scene nila ni Annicka. At kung parte ng pag-arte niya ang tamad na tamad sa paglalakad at magmukhang eng-eng sa buhok niya, napaka-effective. First time ko lang makita si Annicka  (baka nga first time or ito ‘yong pinaka-bida siya), okay naman.  Damang-dama ko sa accent niya na galing nga siyang Tate at interesante na gustong-gusto niya ang Pinoy underground music.

By the way, namataan ko sa movie si Raimund Marasigan (o kanyang bandang Sandwich kung hindi ako nagkakamali), Ebe Dancel, Jugs Jugueta (ng Itchyworms). Bukod pa d’yan ay may super special na participation ang kantang Minsan ng Eraserheads. Nakita ko rin ang mga artworks sa Nemiranda lalo na yung Mirror painting ni Katrina Miranda-Tuazon. Yo, kilala ko raw ang mga artista!

Bilang una niyang full length film (kung tama ako), congrats kay Jamora puwedeng-puwede na. Napansin ko lang ‘yong pagka-indie nito roon sa smoky kissing scene nila Enid (Dolonius) at Gibson (Dominic)  maalog ang kuha at kahit doon sa humahangos si Pretty mommy Dawn sa may field para sa bandang huli ay magtaka kung sino ang namatay si Janno  Jamie o si Gibs? Maligoy lang ang takbo ng istorya o script siguro dahil sa dami ng sinaksak na ingredients pero panalo sa mga funny punch lines.

next attraction  review Kamera Obskura by Raymond Red. Then  next-next Mga Mumunting Lihim  by Jose Javier Reyes 


15 thoughts on “Cinemalaya 8: Ang Nawawala”

  1. Pingback: Supporting Filipino Independent Films - aspectos de hitokiriHOSHI

  2. Pingback: Music is magical | aspectos de hitokiriHOSHI

    1. okay lang kahit ikaw lang mag-isa. noong pinanood ko ang pelikulang ito ako lang mag-isa. mas mapi-feel mo yung pagiging moviegoer mo kapag mag-isa ka lang. yung mata mo naka-focus lang talaga sa big screen. hehehe

      mabuhay! balita ko may campaign para ma-extend ang run nito at sa august mayroon din nito sa UP.

    1. hindi mas drama sya pero maraming nakakatuwang banat sa punch lines.
      natural nga siyang umarte parang walang wala lang sa kanya ang kamera. yes mukhang kumakawala na siya sa ganoong genre. nasa TV na siya di ba?

  3. Buti ka pa nakapanood na, sawi kami sa pagpanood bukas dahil wala ng avbl tickets for Bwakaw.. SOLDOUT! hehehe

    Mabuhay ang pelikula at musikang Pinoy!

  4. Pingback: Cinemalaya 8: Ang Nawawala « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.