Everything about Greek Mythology


Nag-start noong high school ang fascination ko sa Greek Mythology, na-enjoy ko ito dahil sa lakas ng impluwensya ng teacher ko sa Economics at World History .  Gusto ko ang kuwento ng mga gods and goddesses [Zeus, Aphrodite (Venus), Palas Athena (Minerva), Hera, Poseidon, Hades], demigods, nymphs, Cyclopes, centaur, sphinx etc. Siempre kasama na rin ang struggles ng mga famous personalities like Odyssey (Ulysses) and his wife Penelope.

Acropolis Greece by Jen SyngkitAcropolis, Greece by Jen Syngkit

Mas gusto ko ang part na ito sa World literature/ history. Hindi ko na nga maalala ang kuwento ni Beowulf at ng Canterbury Tales eh. Pero gusto ko rin ang Divine Comedy ni Dante Alighieri kahit yung Inferno lang ang nabasa ko . Teka- siempre pinakagusto kong old novel ay ang Little Women ni Louisa May Alcott. Feeling ko ako si Josephine na may konting beauty ni Margaret. Ay teka back sa issue, bago ko sabihin na boring na boring ako sa pagbabasa noon ng Wuthering Heights.

Ngayon halos limot ko na ang Greek Mythology, basta naaala ko na lang ay gusto ko ito, na nagpa-photocopy ako ng ilang libro para lang basa-basahin ko, at naniniwala ako hanggang ngayon sa sinasabi ng teacher ko sa Economics na dapat pinipili mo ang ipapangalan mo sa anak mo kasi magmama-manifest yung name niya sa pagkatao niya. Kaya tanggal na sa listahan ko ang pangalang Aphrodite (Venus) yun kasi ang sabi niya hehehe masunuring bata- sabi n’y  karamihan daw ng may Venus na pangalan ay pagka-flirty.

Then pag may chance ay pinapanood ko ulit ang Troy, ang pelikula na kung saan ko na-appreciate ang pagka-Adonis ni Brad Pitt. hehehe. Well hindi naman ako naengganyo dahil ang gagwapo ng mga bidang lalake gaya nina Orlando Bloom (Pirates of the Caribbean and Lord of the Rings) at Eric Bana (The Hulk and Black Hawk Down).  Dati standing ko Orlando-Eric-Brad pero noong nakaraan Eric- Brad- Orlando na. hehehehe.

theater-piraeus, greece by jen syngkit

Theater Piraeus, Greece by Jen Syngkit

Troy is another adaptation of Greek Mythology na nag-revolve sa Trojan war Sa pagkakaalam ko ay nahanap ni Paris (Orlando) si Helen dahil alam ko kagagawan iyon ni Aphrodite eh, na goddess of beauty. Pero sa movie basta na-in love na lang si Paris.

Ang gusto ko sa Troy ay ang pagkakalahad ng istorya at ang pagkalabahagi ng character. Yes, ang bida rito si Brad bilang si mayabang na malakas na si Achilles pero may moment din yung ibang characters na hindi naman nag-i-steal ng limelight. Mayroon silang strength and weaknesses na makaka-relate ka kahit di ka pa demigod like Percy Jackson (The Lightning Thief) o masydong familiar sa mythology.

Patalastas

Same din yung awa ko nang binabasa ko pa sa book yung story ni Hector at noong napanood ko si Eric Bana. Baka humagulgol pa ako kapag naka-close up pa talaga si Eric habang patay na kinaladkad ng tricycle este karwahe ni  Brad. Oh di ba, galing magkwento ng mga Greek, nina Homer etc.  Maganda ka nga, hindi mo naman makukuha ang trip mong kelot. Malakas na nasa heel lang pala kahinaan. And in fairness, patuloy pang in-adapt ang kanilang story na ang latest na nga ‘yang Percy Jackson na yan.

By the way, okay naman na itong Percy na ito. Papasa sa akin ng kung babalik ako ng pagka-high school. Ang kaso lang dismayado ako sa anak daw ni Palas Athena. Naturingang anak ng goddess of wisdom, parang hindi naman nag-iisip kundi away lang ng away dapat anak na lang siya ni Aries e. Favorite ko pa naman si Athena. Ay teka di ba virgin ‘yon, paano nagka-anak?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “Everything about Greek Mythology

  • jube

    Isa sa mga kinabobobohan kong subkect noong HS ito. Revelation yan ha, pero hindi ko na irereminisce. hahaha

    Buti na lang ndi ko itinuloy ang pagtatapos ng AB English, aba eh may sangkatutak ang subject na ganito sa kursong yan! Nakakatakot! lol!

    Sana noon pa naisip na nila na ipapanood na lang sa akin sa pelikula ang mga mythology na ito para mas interesante kesa basahin, gaya nung TROY, syempre pa amfogi ni Brad Pitt dun hahaha

    mas naintindihan ko at na-appreciate sa ganung medium 😉

    • Hoshi Post author

      tama ka dyan, dapat pag boring para sa mga estudyante ang topic gawa sila ng way para maka-capture ng attention. like brad pit sa troy. lol

      hahahaha

  • len

    naalala ko tuloy ung isang literature professor ko. halos isang sem naming tinalakay ang iliad at odyssey. nakakasawa! haha

    Brad Pitt? I like! haha

    • Hoshi Post author

      hmmm malamang hindi siya kasing galing ng teacher konoong high school. hehehe pinag-away ang mga prof.

      kasi partida ginagawa lang namin yung kwentuhan sa tanghalian

  • Tim

    Medyo na-cornihan ako sa Percy Jackson, pero ok lang naman, kasi cute yung anak ni Athena. Kay Athena ako nailang kasi sya yung isa sa CSI NY. Hehehehe. Saka parang pointless sa akin yung pagkakaroon ng “camp”, kasi parang walang purpose.

  • jeniffer

    Naku ewan ko ba nung 2nd yr. HS kami, di man lang ako nahilig sa greek. Nakakatamad at nakakadugong basahin ang english sa book eh.. super lalim. Pero nung nagcollege naku, dun ako nahilig sa greek story.. Sunod sunod na ang panonood ko ng mga apocalypse.. nagbabago talaga ang panahon 🙂

    • Hoshi Post author

      korek nagbabaga este nagbabago talaga ang panahon. kahit ako rin, siguro kung hindi rin magaling mang-implwensya yung teacher ko e, queber ko ba dyan. ni hindi ko nga pnapansin noon si Shakespear e. hehhe

  • eloiski

    nahihiya ako. wala akong maalala sa greek mythology ko. wala akong maalala. as in blangko talaga. napag-aralan ko ding yan si beowulf kaso wala talaga. walang-wala. wala tuloy akong makwento sayo. 🙁

    • Hoshi Post author

      hehehe ako rin e. wala na rin maalala. basta naalala ko na lang ulti sila noong napanood ko yung Troy. hehehe

      okay lang yun, sa anime na lang. baka maging walking encyclopedia pa tayo.

    • Tim

      raft3r: ok lang naman yung CotT. siguro medyo mataas ang expectations ko kaya hindi ako na-wow sa kanya. saka medyo Greek / Roman Mythology buff ako kaya hindi ako natuwa na binago nila yung storya ni perseus.