Bawat bata ay may karapatan na magkaroon nang mahusay na edukasyon. Pero alam naman natin na sa hirap ng buhay ng marami sa ating mga kababayan, may mga out-of-school youth. Mayroong nga ni hindi na nakapag-aral. Samantala, may iba rin na nagsasabing, ‘di mahalaga ang mag-aaral. Mahirap din naman daw maghanap ng trabaho. The thing is, education has immeasurable value higit sa tulay ito para magkaroon nang magandang trabaho.
Mahalaga ang mag-aral kasi
1. Watching is not entirely learning
Naalala ko ang isa sa paborito kong movie na Matilda, starring Mara Wilson, Pam Feris and Danny DeVito. Bukod sa magic na taglay ni Matilda, ipinakita roon ang kanyang kagustuhan na mag-aral at malaking tulong ng pagbabasa ng libro sa kanyang katalinuhan. Nakakatawa nga na sa pamilya nila ay ipinapalabas na lahat ng kailangan nilang matutuhan ay nasa television.
Gaya ng apoy at ang internet, may good and bad na dala ang panonood ng TV. Masaya at nagbibigay ng inspirasyon ang mga napapanood dito, pero hindi kailan man ito puwedeng kapalit ng nababasang libro sa paaralan.
- May limitasyon ang air time,
- may kailangan na idadag na art at imagination
- at iba ang guidance sa pagbabasa at pag-intindi sa binabasa o inaaral na ginagawa ng mga guro.
Bilang naging masugid na manonood ng TV dati, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakakapanood ng talk show, variety show, anime, at drama series na gusto ko. Pero nung nagsawa ako (huminto ako ng 2008), mas napansin ko ang mga mas importanteng bagay. Ang dami ko pa lang nami-miss na opportunity at aspeto sa buhay.
2. Not all toys are educational enough
May mga naiimbento na valuable toys for kids, na sana ay mas piliin ng mga nakakatanda. Karamihan sa atin, ang akala ay lahat ng klase ng toys ay okay sa mga bata. Pero hindi. Halimbawa, ba’t mo bibigyan ang isang 3 to 7 years old kid ng pellet gun o paglalaruin ng kagaya ng mga shooter video games? May nagtataka pa kung bakit ganun na lang kabayolente ang ilang bata?!
Maraming nakakatanda rin ang nagbibigay ng gadget sa mga bata para maging laruan at pacifier. Sabihin na natin na may iba na can afford to buy new phones kada mabasag. That’s super waste of money, abala kay mother earth at risk din kay baby. Kung matatambakan ka ng mga hindi mo na nagagamit na bagay, okay fine! Eh paano naman kaya kung may mabato o si baby mismo ang matamaan.
I encourage everyone na turuan ang mga bata na ang mga appliances at gadgets ay hindi laruan na puwede nilang kalikutin basta. Bigyan sila instead ng librong mababasa, mapagkakaabalahang physical activities (sports) o laruan na kung saan mahahasa ang kanilang skills. Hello piko!
3. Money is not everything
Try to figure out, people who are rich and famous then naghirap after. Laging may paghihinayang kung bakit hindi nila naaral ang mga dapat nilang malaman to survive or handle crisis. Totoo na hindi promise ang pagtatapos para magkaroon ng magandang trabaho (na may mataas na sahod) sa hinaharap. At mayroon din na hindi graduate pero naging thriving sa kanilang buhay. Case to case to basis ‘yan.
Pero sa maniwala ka at sa hindi, mas maliit ang chance na yumaman at maging successful (if not happy or contented) ang isang tao kung kulang o wala talagang edukasyon. Laging may what if (hindi nasubukan ang potential e). Ang masalap ay kung magiging cycle ito. Tipong ipapamana ang mindset na okay lang ang kawalan ng edukasyon sa kanyang mga anak.
4. What’s the point of beauty or intelligence if there’s no substance?
Somewhat nagagamit ang phrase na ito in a wrong way—what is beauty if the brain is empty. Binu-bully ng iba ang magaganda na wala naman daw laman ang utak. (relate ako, chuz) Inggitera! Tapos, ang matalino lang daw ay yung fluent sa English, bihasa sa Math at maalam sa Science. Pero hindi kumo’t mahina sa mga asignaturang ito, mangmang na.
At hindi dapat hinahamak ang isang probinsyano o bisaya na matigas ang dila (o may punto). Ang dapat na mahiya ay iyong magaling sa foreign language pero hindi maalam sa wikang Filipino o sa kanyang dialect, gayong sa Pilipinas nakatira’t lumaki. Dapat dibdibin ang kantang “Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome. Syempre okay na okay ang maging fluent sa English at mag-adapt sa culture or makisama sa ibang lahi. PERO ang balewalain ang pagka-Pinoy (kasama ang preference sa products) at pagmamaliit (halimbawa sa kulay ay colonial mentality, if not negative attitude at wrong mindset.
Mahalaga ang mag-graduate kasi
Ginagamit ko ang term na “mag-graduate” sa konteksto na magkaroon ng solidong edukasyon. Puwedeng ito ay bachelor’s degree, vocational or short course. Puwede rin naman ang video tutorials or webinars, but those are like supplement. Puwedeng paraan para mag-upskill or reskill for a specific purpose. Iba pa rin yung experience na nag-aral ka, lalo na sa loob ng eskwelahan. Naka-package dun ang learning ng lessons, mentorship at guidance ng mga teachers, at school life experience kasama nga mga magkakaklase. Nahuhubog dun ang basic and practical life skills natin.
Bilang nag-graduate at nasa field na may constant change, karamihan ng ginagawa ko sa work ay di ko natutuhan sa school. But all the basic skills and literacies na need ko sa buhay, nakuha ko sa pag-aaral. Thank God, kahit gapang ang pag-aaral ko ay nag-graduate ako. Thank you sa lahat ng taong naging bahagi ng aking pagtatapos. Kasama na roon ang aking younger self. Buti mahalaga sa kanya ang mag-aral at mag-graduate.
May mga tao, na for some reasons, ay ang mentalidad ay mas matimbang ang weight ang beauty, prestige, intelligence (even high grades) kaysa sa basic idea na bakit mahalaga ang edukasyon.
Ganito yan…
Ang kagandahan/ kaguwapuhan, naiiba kundi man kumukupas – Although I believe, beauty is in the eye of the beholder. Kung gusto mo ng awareness or motivation, just watch video clips sa Youtube and Tiktok. Kung
Ang kayamanan ay may hangganan ang dalang kasayahan
High Intelligence doesn’t equate with good education, career success
Kung hindi ka pumasa-pasa sa board exam o kahit sa bar exam, so what?! Hindi nagtatapos ang karera mo roon. Kapag edukado o edukada kang tao, mayroon kang nahubog na skills na magagamit sa mas maraming bagay at sa practical and logical application. Lahat naman babalik sa basic.
Life without Education is…
Roaming around o pag– asa sa stock knowledge at experience. Parang alam mo yung gusto mo pero parang hindi mo ma-gets kong paano i-attain. Ang limitado ng puwede mong magawa.
“Lahat naman babalik sa basic e, tapos maganda ka pa eddie kabog na sila.” hahaha
dumaan lang po para tingnan ang school opening dine. 🙂 gusto ko ang bagong interior, hoshi. malamig sa mata at mas madaling magbasa (lumalabo na mata me, hehe). warm regards… 🙂
maraming salamat sa iyong pagbati sa aking interior design. hehehe
Life without school is perfect. Lol, joke lang. By the way, narinig mo na ngayon ang trend regarding homeschooling? I’m starting to like the idea. 🙂
hindi ko pa alam medyo malayo ako ngayon sa news. ano daw yun sir?