May tatlong beses ko na siguro na-meet in person si Iza Calzado na para sa akin ay isa sa may sense na artista. Iyon ay hindi lamang sa ganda at fashion kundi dahil na rin sa kanyang husay sa pag-arte, attitude at intelihenteng mga sagot.
From Commercial Model to TV Star
Masasabing isa s’ya sa suwerteng artista na nakapasok agad ng telebisyon kahit hindi sumali sa talent show. Pero oo isa naman s’ya sa sample ng isang commercial model (Pantene) na naging actress eventually. Una ko syang napanood bilang kontrabida ni Sunshine Dizon sa Kung Mawawala Ka sa Kapuso Network. Bagong artista pa lamang noon pero nagmarka na. Kaya naman hindi rin nagtagal ay nabigyan s’ya ng lead role sa Te Amo: Maging Sino Ka Man kung saan nakasama niya ang Argentinian actor na si Segundo Cernadas (of Muneca Brava).
Hindi ko na gaanong nasundan yung pagkasunod-sunod ng iba n’yang proyekto pero ang ilan sa alam ko ay ang ginawa nila ni Sunshine ang All About Eve, Impostora at Encantadia. Itong huli na isang “telefantasya” ang pinakagusto kong fantasy series na Pinoy dahil orig, creative, ganda ng story, costumes and settings ( gawa ni Suzette Doctolero ng Amaya at My Husband’s Lover). Lagi n’ya rin nakaka-partner noon si Dingdong Dantes sa TV o movies bago pa maging magka-love team sina Dingdong at Marian Rivera.
Though mas kilala s’ya bilang laman ng Telebabad block ng GMA 7. Naging mainstay din sya ng SOP o Party Pilipinas, namana n’ya rin kasi ang galing ng sa pagsayaw ng kanyang ama na isang choreographer.
Not pa-tweetums Movie actress
Wala akong matandaan na movies niya na dumaan sa typical na romantic comedy. Yung movies pa nga nila noon ni Dingdong at Karylle ay isang period drama. At kung ako ang tatanungin mas nabibigyan ng kinang ang kanyang pagiging actress kapag sa movies s’ya lumalabas. Iba rin ata ang rehistro ng beauty niya sa big screen. Kung ‘di naman ako nagkakamali ay sa pelikulang Sabel starring Judy Ann Santos s’ya unang nanalo bilang best supporting actress at dalawa sa latest acting awards na kanyang natanggap ay kasama niya rin si Judy Ann – sa pelikulang Mga Mumunting Lihim (with Agot Isidro and Janice de Belen din.
Inspirational woman for Fitness
For me, she’ the right one to take over The Biggest Loser mula kay Sharon Cuneta. kasi s’ya mismo ay nanggaling sa pagiging overweight at nagtyaga para maging fit. Tingnan mo nga naman isa s’ya sa itinuturing na pinakamaganda sa local showbiz today. Isa lang naaala ko na hindi n’ya raw hindi mahindian na kainin sa isang linggo – sweets at sa kanya ko unang narinig ang word na insatiable – gutom s’yang matututo. Pero nagulat din ako nung nag-decide s’ya na mag-transfer. Siguro ‘yon na rin ‘yong insatiable. Different arena, different challenge and different knowledge.
This is my 300th blogpost! yoyoyoyo!
Pingback: Movie Review: Etiquette for Mistresses
Pingback: Hoshi’s Next Top Dream Travel Destinations | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Cinemalaya 8: Mga Mumunting Lihim | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: Mga Anino ng Kahapon | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Celebrate Pop Culture with Poptastik Pinoy | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Celebrate Pinoy Pop Culture with Text & The City | aspectos de hitokiriHOSHI