Happy Women’s Month ngayong March, thank God kinikilala pa ang pagiging awesome ng mga kababaihan o mga Filipina sa loob at labas ng bansa. Sana nga ay magpatuloy pa ito maging sa iba’t ibang lupalop ng daigdig dahil ang pagiging babae ay hindi kahinaan kundi malaking tulong sa anumang larangan o aspeto ng buhay kasama na dyan ang love. So heto naman ang listahan ko (in no particular order) ng 12 Amazing women para sa akin.
Nabanggit ko na noon na noong una ay hindi ko trip si Judy Ann. Pero noong nakita ko ang pag-evolve niya bilang talagang actress, admirable celebrity and doting family woman. Wala na akong masabi kundi ayos itong babaeng ito. Sa kanya ako na-inspire na maging fit and fab then pareho pa kami ng type ng mapapangasawa. hehehe!
Megan Young
Hindi ko pinangarap na maging beauty queen, model or baka mag-artista pero kagaya ako ng ibang babae na nag-aabang din ng isang Filipina na kikilanin ang tunay na ganda. Actually mas prefer ko yung Filipina na gaya nila Venus Raj, Miriam Quiambao o Janine Tugonon kasi sa ganang akin yun talaga ang imahe ng isang Filipina. Que pangit sila o maganda sa kapwa nila Pinoy. Pero pinatunayan din naman ng kagaya ni Megan na may ibubuga ang kalahi natin sa mailap na Miss World title. Nung nanalo sya napaha-Oha-Oha see-see!
Gusto ko sya sa mga action scenes at kapag yung tipong lalaban na siya mula sa pang-aapi. Gusto ko rin siya sa mga pagpapakatotoo niyang sagot na kahit nababahiran ng kulay at nagiging kwesyonable ay hindi pa rin siya nagpapaka-safe. Maliban sa isyu niya sa pag-transfer wala naman akong nababalitaan na nagalit sa kanya at bagkus pagkakawangt-gawa madalas na nahe-headline tungkol sa kanya.
Yeng Constantino
Kung mayroon Filipina na nakaka-relate ako sa music at galaw, isa na roon si Yeng Constantino. Nakakabilib na nakakalikha s’ya ng orihinal komposisyon, naggigitara, faithful at maging brave sa pag-stick sa kanyang tugtugan at fashion statement.
Bata pa lang ako hinahangaan ko na ang husay ni Lea na nakilala sa Broadway. Para sa akin sya ang larawan ng simple elegant at tunay na pasyon sa pagkanta. Pangarap ko kaya na habang kumakanta para lang akong nakikipag-usap.
J.K Rowling
Okay sabihin na natin panatiko ako ng Harry Potter movie series pero hindi ba kahanga-hanga ang kanyang pagiging creative writer. In fact, ang kanyang pagiging manunulat ay hindi manipulative o masabi lang ma-satisfy ang trip ng kanyang magbabasa/ manonood. Basta sa creative writing s’ya ang peg ko.
Kate Winslet
Hindi ako nagagandahan sa kanya o naseseksihan. Katunayan asar ako sa kanya noong ipinalabas noon ang Titanic dahil sa aking musmos na opinyon kami ang bagay ni Leonardo DeCaprio. hehehe! Pero nagsimula ko sya hangaan doon kasi yung mga sumunod nyang projects parang hindi desisyon ng super star kundi isang celebrity na gustong maging actress. Hangang -hanga ako sa performance n’ya sa Revolutionary Road with Papa Leo.
Nagsimula ko s’yang magustuhan sa DareDevil at nagtuloy-tuloy sa Elektra (gustong-gusto ko yung physique niya rito) , siguro kung nasubaybayan ko pa yung Alias, ewan ko na lang. Pero sa ngayon hinahangaan ko s’ya sa papel niya sa totoong buhay bilang asawa at ina sa pamilya nila Ben Affleck. Nandoon yung hands on niyang pag-aaruga, paghahatid at pagprotekta sa kanila.
Hindi ako fan na fan ni Angelina pero gusto ko rin naman yung ilang pelikula niya gaya ng Original Sin; Girl Interrupted, Tomb Raider, at Salt. Ang talagang nakakabilib sa kanya ay ang pagbabago sa kanyanh pagkatao at sa kanyang mga adbokasiya lalo na iyong kanyang humanitarian missions.
Comedy o heavy drama kering-keri ng babaeng ito na nagpatunay na nasa galing talaga sa acting ang labanan ng pagiging tunay na aktres. Siyempre isa ako sa may gusto sa performance niya sa Ang Babae Sa Septic Tank.
Janette Toral
Na-meet ko na siya in person sa iBlog 8 pero matagal-tagal ko na ring nakikita ang kanyang pangalan sa blogging circuit. Doon sa summit ko napatunayan yung galing at diplomatiko niyang pagpapaliwanag pagdating sa blogging at e-commerce. Kung mayroon man akong gustong sundan na yapak sa blogging at online siya iyon.
Maituturing siyang Taiwanese drama princess dahil sa kanyang mga series na It Started With A kiss , In time With You, Tokyo Juliet, Love Contract, The Little Fairy, at They Kiss Again. Higit sa dedikasyon niya sa trabaho at paghango sa kaniyang pamilya sa kahirapan, ang maganda kay Ariel ay ang kanyang pagiging takam sa edukasyon at pagkatuto sa iba’t ibang bagay. Tapos siya sa pag-aaral na may kinalaman sa Korean Literature/ Language at ngayon ay hiatus sa pag-aartisa para makapag-aral sa London.
Pingback: Essay sa Kagandahan: Self-Deprecating ba ang maawa sa sarili o resulta ng pambu-bully? - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: The Amazing Praybeyt Benjamin
Paborito ko yung #11! 😉 Taas ang kamay at respeto ko sa kanya. Uy! sa iBlog10 ha, leave na ko nun! Hope to see u!
oo unni magkikita tayo roon for sure! mabuhay sa ating pink power sa cyberworld
happy women’s month. I admire JK rowling for she’s able to change her life using her own talent. I hope i can do that also.
I like ariel lin too she’s such a wonderful woman and talented artist.
yes at magandang inspirasyon sa mga artista na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
pang number 13 si Madam Hoshi 😀 awwwweeesome!
naks naman! dapat pala ginawa kong 15 ito. para hindi lang ako kasama pasok na pasok pa. mabuhay!